Chapter 60: Dati

22 0 0

Alexandra's POV

It's been 3 years since nakatungtong ulit ako dito sa Pilipinas. Hindi nga sumagi sa isip ko na umalis ng New York. Bakit ko nga ba naisipang bumalik?. I think para mapatuyan sa sarili ko na nakapagmove on na ako, or more than that?. I don't know either.

"Let's go?. Nakuha ko na mga maleta natin." napangiti ako sa boses na narining ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari nandito pa din sya.

"Ofcourse, Seth. Let's go." nakangiti kong sagot sa kanya.

Sumunod si Seth sa akin sa New York at dun na din nagaral. Mahirap na daw na maunahan sya ng mga kano sa akin. Ibbantay salakay nya na daw ako.

Una nagalit ako sa kanya dahil naisip ko kung paano ang buhay na maiiwan nya sa Pilipinas pero ang sagot nya 'Ikaw ang buhay ko'. Kita mo nga namang mga banat yan. Haha.

Niligawan nya ako after a year. Gusto nya daw na nakamove on na talaga ako. Sinagot ko sya after 3 months. Nageeffort naman kase talaga sya. Sobra sobra pa nga ehh.

Masaya ako kay Seth ngayon. He made me whole again. Para ngang walang masakit na alala ang nangyari sa akin dito sa Pilipinas ehh. Nakalimutan ko lahat ng sakit dahil sa kanya.

Nakapagtapos na din si sa pagaaral nya. Architecture ang natapos nya. Sa New York halos lagi kami magkasama dahil sa school at iisa lang kami ng building na tinitirahan. Ganun sya nakabakod sa akin. Haha.

Nagkaroon din kami ng mga friends sa New York. Okay naman ang lahat. Okay na ako.

"You're spacing out babe. Are you okay?." nakatingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"I'm fine. Tara na." lumakad na kami palabas ng airport. Tumawag sya ng taksi. Hindi namin pinaalam kahit kanino na dumating na kami. Kahit kay Veronicca at kay Anthony. Sila ang pinakamalapit sa amin sa New York na naunang umuwi pagkatapos ng graduation.

Sumakay na kami ng taksi. "Saan tayo?. Sa bahay mo o sa bahay ko?." tanong ni Seth na nakangisi. Tama kayo, may bahay na ako. Yung bahay na inuupahan ko dati binili ko na dahil rumaraket din naman ako sa New York habang nagaaral.

"Ikaw sa bahay mo, ako sa bahay ko." ginantihan ko sya ng ngisi. Napailing na lang sya.

"Are you sure you're okay Alexandra Mae?. Pwede pa ulit tayo bumalik ng New York kung gusto mo. Magpapabili na ako ng ticket." akmang may tatawagan sya. Pinigilan ko sya at kinuha ang phone nya.

"I'm okay baby. Wag ka na magalala. Ako nagdesisyon na bumalik. Okay na ako. Besides dito ko talaga gusto magtrabaho." binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

Napatulala lang sya sa akin. Hindi pa din nagbago itsura ni Seth. Mas lalo lang syang gumwapo at nagmatured sya. Mas naging tight ang jaws nya. Mas naging matured ang katawan nya. Ang buhok nya messy pa din. Para pa din syang si Seth, pero ang ugali naman nya ganun pa din.

Minsan seryoso, funny, masungit at may jerk attitude pa din. Haha. Typical Seth.

"Pinagpapantasyahan mo na naman ba ang kagwapuhan ko?." he smirked at me. Psh. Eto na nga ba ang sinasabi ko ehh.

"Pinagpapantasyahan ha?. Haha. Iniisip ko lang kung gaano ka nagmatured, pero hindi ka naman talaga nagmatured ehh." napasimangot sya sa sinabi ko. Napatawa na lang ako.

"Seriously?. Hindi ba ako nagmatured?." nakakunot ang noo nyang tanong sa akin.

"Joke lang naman yun. Nagmatured ka noh. Hindi ko naman inaasahan na magmatured ka ng sobra dahil kahit kelan hindi yun mangyayari. I love the way you are." napangiti naman sya sa sinabi ko.

"Saang kanta mo yan nakuha babe?." napangiti din ako.

"You wouldn't wanna know baby. Nasabi ko na ba sayo kung gaano ako kaswerte sayo?." napailing sya na sobrang lapad ng ngiti nya.

"Sobrang swerte ko sayo dahil napaka understanding mo, caring, sweet, masungit minsan at higit sa lahat minamahal mo ako. Napakaswerte ko talaga sayo dahil ako ang pinapasaya at minahal mo." nakangiting ko sabi sa kanya. Tama, kahit kelan hindi ako magsisisi na nakilala ko sya.

"I know all that. Ginagawa ko lahat para mapasaya ka. Para maging okay ka. Nagsasucceed na ba ako?." ngumiti ulit sya ng nakakaloko.

"Oo naman noh, I love you, Seth." sabi ko na nakatingin sa mga mata nya. Biglang lumambot ang mga tingin nya at nawala ang nakakalokong ngiti.

"I love you more, Alexandra Mae." with that hinalikan nya ako sa labi. Smack lang syempre dahil kay Manong Driver. Nasa taxi pa kami noh!.

Humiwalay sya sa halik at ngumiti na naman sa akin ng nakakaloko.

"Dapat ituloy natin to pagdating natin sa bahay mo." Ugh. Jerk as always. Sinapak ko na lang nang matahimik na sya.

Nakarating na rin kami sa wakas dito sa bahay. Nakakapagod ang byahe at may jetlag pa ako. Bumaba kami ni Seth sa taxi at ngumiti sa akin.

"Gusto ko sana na sumama sayo sa loob kaya lang may mga aasikasuhin din ako."

"Naiintindihan ko noh. Pati kailangan ko magpahinga. Magtatrabaho na ako bukas kaya I need all the energy." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sigurado bang magtatrabaho ka na agad bukas?. Pwede bang wag na muna?." napangiti ako ng malapad.

"Mamimiss mo agad ako noh?." nagsmirk naman sya sa akin.

"Baka ako ang mamiss mo kaya wag ka na muna magtrabaho." napailing na lang ako.

Umikot sya sa likod ng taxi at kinuha mga bagahe ko. Nagintay lang ako sa may gate at kinukuha ko ang susi ko para mabuksan ang gate.

"Wag mo kalimutan na ilock ang gate at front door. Kapag tumawag ako sagutin mo ha blah blah blah." pagbibilin nya ng kung ano-ano.

Nang mabuksan ko na ang gate humarap ako sa kanya at hinapit ako leeg nya pababa para mahalikan ko sya.

Pagkatapos ko sya halikan nakapikit pa rin sya at nakapout. "Ang dami mo sinasabi. Opo tatay." sabi ko sabay tawa ko sa kanya.

Umayos na sya ng tayo at ngumiti sa akin. "Bukas susunduin kita para maihatid kita sa trabaho mo okay?."

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "I'll go now baby. I love you."

"I love you too, Seth." ngumiti naman sya at hinalikan ang buhok ko.

Bukas magtatrabaho na ako. Sana naman kahit papano maging maayos na talaga ang buhay ko ngayon. Sana hindi na maging tulad ng dati.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!