Chapter 14

2.6K 43 1

Chapter 14

*flair*

[Kryzel’s POV]

“If you’re curious you better go to the quadrangle” Drew winked at me then umalis na sila ni Naomi.

Ako naman naiwang nakatayo dito at nagiisip kung ano nga ba talagang meron.

Kryzel!!”

Nakita kong palapit saakin yung isang ka-member ko sa pep squad

“Hi Paula ”

Kryzel, ikaw ha! Boyfriend mo pala si Rence

“eh?!”

“congratz! Ayun napadaan lang para sabihin yun sayo. Babye ” umalis na siya and ako naman nagkaroon ulit ng isang malaking question mark sa ulo.

Ok? ano yun? Ano ba talaga meron?

Mula pa kaninang pagpasok ko wala ng ibang sinabi ang mga tao kundi puro congrats. Ano ba talagang kalokohan ang ginagawa ng Rence na yan at mukhang buong mundo alam na boyfriend ko siya?!

At dahil sa hindi ko na talaga makayanan ang pagka intriga ko sa nangyayari, dumiretso ako sa quadrangle.

Pagkadating ko dun, madami ng nagkakagulong mga tao dun. Nagulantang naman ako ng makita kong may malaking banner na nakalagay dun sa stage at may nakasulat na:

“Kryzel Aguilar is the one who is holding my heart right now. All of you, especially the girls of Stephen Cruz, don’t you dare lay even a finger on her or else you’ll have to face me.” Sa taas ng stage nandun si Rence nag f-flairing habang nag chi-cheer ang mga babae sa kanya.

Ako naman, I was rooted to the ground and hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Bloody Mary! Ano bang pinaggagagawa ng lalaking to?!?! Ano ba talaga tumatakbo sa isip niya!!

“Uy Kryzel!!” nakita ko yung ka blockmate ko na palapit saakin “grabe ang swerte mo sa boyfriend mo ngayon ha! Mukhang mahal na mahal ka talaga niya. Sabi niya pa mag hapon daw siyang mag f-flairing ngayon para ipakita ang pagmamahal niya sayo”

“HA?!”

Nagulat naman ako. Mag hapon?! Meaning kanina pa siya diyan umaga?!

Tanghali na ngayon and medyo mataas ang araw kaya mainit sa quadrangle. Gusto ba niya mag collapse?!

Seriously, bat ba niya ginagawa ang mga bagay na to?!

Umakyat ako sa stage at nilapitan siya. Nakita ko naman na napatigil siya sa pag f-flair.

“Kryzel! Nakita mo ba ang ginawa ko? ”

Binulungan ko siya “ok itigil mo na yan ngayon, I’m warning you. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho itigil mo na yan.”

Instead na matakot siya sa sinabi ko, nginitian lang niya ako at biglang inakbayan at itinago ang mukha ko sa may ilalim ng kilikili niya.

“w-wait—“

“Guys, mukhang na touch talaga ang girlfriend ko sa ginawa ko. Maiyak iyak siya eh ” Narinig kong naghiyawan yung mga estudyanteng nanunuod. May iba pang sumisigaw ng “kiss!!” Ako naman nagpupumiglas sakanya kaso hindi ako makakawala.

Anak ng pagong na lalaking to oh!!!

Hinarap naman niya ako at biglang pinunasan ang pisngi ko na para bang may pinupunasang luha pero sa totoo lang walang luha. Tapos bigla niyang pinisil ang pisngi ko “ang cute talaga ng girlfriend ko! ”hinalikan niya ang noo ko atsaka itinulak pababa ng stage.

“sige na love, pumasok ka na sa klase mo before ka pang ma late ” he winked at me “I love you!” Arggghh!!! Nakakainis siya talaga!! Ano ba tong pinag gagagawa niya ha?!

Dahil wala na kong magawa, naglakad na ko palayo. Narinig ko pa ang pahabol niyang sigaw na“Kryzel I love you very very much. Mwah mwah” kasabay ang tawanan at hiyawan ng mga tao.

Napatingin ako sa kanya at nag start na ulit siyang mag flair.

Tokwa naman talaga oh! Ano ba talaga ang nasa isip ng lalaking yan at ganyan ang mga pinag gagagawa niya?! I just met him last week, nakainom ako, at nagising sa kama niya without any idea kung may nangyari ba saamin o wala.

Tapos eto ngayon, pinangangatawanan niyang boyfriend ko siya?! Imposibleng wala siyang hidden agenda sa mga ginagawa niya!

B-baka naman nabuntis niya ako at habol niya is ang baby namin?

Teka, pwede ba yun? siya ang maunang makaalam na buntis ako kesa ako?

Pumasok na ako sa next class ko pero hindi rin ako ganoong nakapag focus kakaisip kay Rence. Pati sa mga sumunod kong subjects, lutang ang utak ko. Nung dismissal time, dumiretso na ako sa gym para sa practice namin ng pep squad.

Siguro naman hindi na nag f-flair yung taong yun no?

But I was wrong nung pauwi na ako nakita ko paring nasa quadrangle si Rence at nag f-flair. Mukha na siyang pagod but still hindi parin siya tumitigil

Medyo tinamaan na ako nun at napa isip.

Siguro kung walang Stephen Cruz sa puso ko ngayon, malamang na-fall na ako sa mga pinag gagagawa ni Rence.

BTCHO (StoryMadeBy:Alyloony)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!