Chapter 2

125 8 2

Chapter 2

"Fourth year, just so you know there will be a project of our school in which there are ..."

Hindi na natigil sa pagsasalita ang nakakaimbyernang teacher na nasa harapan. Hindi niya ba naiintindihan ang kalagayan ng buong highschool? Babad kami sa init ng araw at idagdag mo pa ang nakakaantok niyang speech. Biglang sumulpot ang madaldal na si Clarisse na kagaya ko ay nakaupo rin. Hindi ko namalayan na nasa gilid ko siya.

"Hindi ba alam ng kalbong teacher na 'yan ang feeling na mabilad sa arawan for almost two hours? Jusko naman, trying hard pa mag-english!"

"Magreklamo ka sa teacher, huwag sa akin." nagkibit-balikat ako.

"Hmp." ngumuso siya sabay cross arms. "Kung bakit ba naman kasi ang daming problema sa eskwelahang ito! Kagaya na lang kahapon, may issue ulit. Hay buhay, parang life. Ang gulo gulo. Hindi ko alam pero ako ang nasestress dito! Utang na loob!"

Hindi ako interesado sa pagdadaldal niya. Lahat kasi, pinoproblema. Kahit hindi naman siya maapektuhan. Ang over acting. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa kalbong teacher sa harapan nang humarap sa amin ang excited na si Yella. Kumikislap ang mga mata niya. Siguro kasi may bagong chismis na naman siyang masasagap.

"Ha? What issue is that ba?" Feeling close niyang sabi. "OH. MY. GEE. Akala ko magiging sad na ang day ko kasi walang updates about you know -- people around pero bless you girl! I'm gonna be updated na! What is it ba? Tell me!"

Inilabas na ni Yella ang mamahalin niyang phone. Umirap naman si Clarisse at parang ayaw na niyang sabihin ang kung anong issue man 'yon. Syempre naman, wala nang nagtitiwala kay Yella ng sikreto. Kasi oras na magsabi ka sa kanya, wala pang five minutes kakalat na ang issue mo at automatic na trending topic na 'yan sa twitter.

"Eh paano kung ayaw ko? Ang FC mo girl. Alam ko namang parang mayonaisse na isspread mo ang tsismis sa buong campus. Knowing you're the campus chismosa? DUH."

"Grabe ka naman, Clarisse. Hmp." She pursed her lips and battled her fake eyelashes. "Okay lang naman. At least, alam ng buong campus ang TUNAY KONG UGALI. Hindi 'yung pahinhin kunwari, inside bungangera naman. You know, simpleng maharot pero may kamot."

"Sige. Call me names pero hindi ko pa rin sasabihin sa'yo kung ano iyon. Wala kang maaasahang impormasyon sa akin."

Tinalikuran kami ni Clarisse. Naglakad siya papunta sa mga kaibigan niyang mga taklesa at umupo kasama nila. Birds with the same feather, are birds.

Hinawi ng katabi ko ang buhok niya. "Anyway, pasensya na sa mga epal na disruptions Saleema. Kasi nagalit na naman ang principal. Diba stressed siya lately sa'yo kasi binugbog mo 'yung anak niya? Kahapon, nasipa naman sa ano 'yung pamangkin niya."

"Anong ano?" tanong ko.

"Sa eggy. Malamangs." sagot niya na may halong pagkairita kasi ang slow ko. "Nangyari kasi 'yun kahapon. Pinadala pala ng kapatid ng principal -- Si Mrs. Buenaventura ang anak niya para mag-observe sa isang klase rito. Kaso may nakakalungkot na nangyari."

Nagdrama si Clarisse. Humawak siya sa dibdib niya at nag-inarteng umiiyak. Buti na lang at hindi kami napapansin na nagdadaldalan ng teacher sa harap kasama ng mga estudyanteng busy sa pakikinig.

"Kasi ang sakit. Ang sakit sakit sa puso. Kilala mo ba ang na football player na si Clyde Buenaventura? Nasipa siya. Nasipa sa -- huhuhuhu."

"Ha? Siya 'yung nasipa sa eggy? Oh eh anong nakakaiyak dun?"

Binatukan ako ni Clarisse, "Ano ka ba! Baka mabaog siya! Kawawa naman ang mga babaeng kagaya ko na nangangarap magkaanak sa kanya. Kay gandang lahi uy!"

"Ang baduy mo. So, kaya nagalit ang principal kasi?"

"Nagalit siya kasi masama ang naging observation at report dito sa school. Bad reports kasi ang isinend ng pamangkin ng principal. Kaya hayun, sira ang reputasyon ng school huhuhu. And besides, nagalit rin si ma'am kasi nabugbog ang gwapo niyang pamangkin habang hinaharangan daw ang isang babae na magkacutting classes. Tapos recently pa, binugbog mo naman ang anak niya. It's a bad situation for her."

Teka, hindi ba may nangyaring paninirang itlog sa Clyde Buenaventura na 'yun kahapon? Wait a minute. Kahapon, naalala ko na nakasipa rin ako ng 'ano' ng lalaki kahapon eh. 'Yung humarang sa akin sa gate? Patay. Tugmang-tugma. Ako nga.

Nagtanong ako, "S-so .. Anong mangyayari dun sa nanira ng itlog?"

"Malamang sa malamang, kick out."

Napakagat ako sa labi ko sabay bulong sa sarili, "Patay na."

OnceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!