Chapter 58: Book 2; After All This Time

22 0 0

A/N

Ayoko na magbook 2 kaya itutuloy ko na tong istorya na to. Gusto ko na matapos to para masimulan ko na ulit sulatin yung isa ko pang storyang ginagawa. Pakiramdam ko kase lahat ng naiisip ko ngayon parang angkop dito sa storya na to. Feel free to read. Walang proof reading bawat chapter. Geh2.

-PB

After 3 Years

Daniel's POV

(Hey, nasaan ka na DJ?. Inaantay ka na dito sa set.)

Narinig ko sa kabilang linya si Kath. Late na ako sa taping. Lagot ako sa direktor ko neto.

"Yeah. Malapit na ako. Pakisabi kay direk na pasensya na nalate ako. Ang traffic kase kanina." lumiko na ako para pumasok sa parking lot ng network.

(Okay, dalian mo na lang. Ikaw na lang inaantay dito.)

She ended the line. Hindi pa din nagbabago. Napailing na lang ako. Itinigil ko na ang kotse ko. Bumaba ako para makapunta agad sa set.

3 years. 3 taon na ang nakalipas. Nakagraduate ako ng Film Making. Special courses dahil hindi ako makapagregular classes dahil sa trabaho ko.

Maayos naman ang lahat. Ako pa din ang dating Daniel, kulang pa rin ang buhay ko. Wala pa din sya sa buhay ko.

Napailing na lang ako. Iniisip ko na naman sya. Tss. Naiisip nya din kaya ako?. All this time it is still her.

Pinutol ko na ang pagiisip para makapunta agad ako sa set. Sigurado ako mainit na ulo ng mga tao sa set dahil late ako. Pasensya na. -.-

"Hey everyone. Sorry, I'm late. Masyado kaseng traffic kanina ehh." bati ko sa lahat nang makarating akong studio. Abot langit ang ngiti ko para magood vibes sila at hindi ako pagalitan.

"It's okay, Daniel. Magbihis ka na para makapagsimula na tayo agad at para maaga ang pack up." sabi ni direk. Yan naman talaga, kapag sinuswerte ka. Hindi ako napagalitan. :)

Pumunta na ako sa dressing room ko para magbihis at para sa make up. "You're late, and yet hindi ka pinagalitan. Iniisip ko ngayon na may favoritism talaga dito. Kapag ako nalelate pinapagalitan ako." nakasimangot na sabi ni Kath.

Tama kayo, all this time din kami pa din ang magkaloveteam. Ang tagal na din db?. Strong ang loveteam namin.

Business Administration ang natapos ni Kath. Special courses din dahil nga sa trabaho.  Okay ang friendship namin ni Kath. Nandito sya lagi para sa akin at nagkabalikan sila ni Enrique last year. Okay din kami ni Enrique kaya masaya na ang lahat.

Maliban sa akin. Hindi pa din ako okay ehh. Hindi pa din ako masaya hanggang ngayin. Hanggang kailan nga ba ako magiging ganito?.

"Hey, are you still listening to me?." nakamameewang si Kath habang nakataas ang kilay.

"Huh?. May sinasabi ka ba?." tanong ko.

"Obviously hindi ka nakikinig. Nagde-daydream ka na naman DJ. My God." naiiling na sabi ni Kath habang palayo sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpamake up pagkatapos at nagbihis na ako para makapagsimula na kami ng taping.

The day went well, pagkapack up sa taping nagpasya akong magdinner kasama si Kath at Enrique. They don't mind at all na kasama ako, kagaya ng sabi ko kanina okay na kami lahat.

"So, may photoshoot pala kayo bukas. Para saang endorsement yan?." tanong ni Enrique. Tahimik lang akong nakain kaharap sila.

"I dunno. I think para sa clothing line yun, right DJ?." baling sa akin ni Kath.

Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti naman si Kath at Enrique sa akin.

"What?." tanong ko sa dalawa kong kaharap.

"Pamysterious effect ka ngayon DJ. What's up bro?." nakngiting tanong ni Enrique.

"Nothing, man. Madami lang ako iniisip." nagpatuloy ako sa pagkain.

"Is this about that non-showbiz girl again?." hirit ulit ni Enrique.

Nabilaukan ako sa sinabi nya at agad uminon ng tubig. "N-No. It's something else." naiiling kong sabi.

Nagkibit balikat na lang si Enrique habang si Kath ay nakasimangot. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain.

Alam ni Enrique ang tungkol sakanya. Naikwento ko minsan noong nalasing ako nung umalis sya ng bansa. Halos mabaliw ako noon dahil sa kanya, dahil sa naging huling usapan namin lalo ako nagsisi sa naging desisyon ko.

Everytime I'm thinking like this I'll just chant to myself that I did that because I love her. Ginawa ko yun para sa kanya, para sa pangarap nya.

"Let's have coffee?." tanong ni Kath kay Enrique. Ngumiti naman si Enrique. Buti pa tong dalawang to nagkabalikan na. Nakakainggit.

"You in DJ?." baling sa akin ni Kath.

"Nah. I'll go ahead. Kailangan ko na din magpahinga." ngumiti ako sa kanila.

Lumabas na ako ng resto at pumunta sa kotse ko at agad sumakay. Kailangan nila ngayon ng 'alone time'. Nakakatuwa yung dalawa, nagbalikan sila nang maayos. Mas naging matatag sila ngayon.

Kami kaya?. Magkakabalikan pa kaya kami?.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko kung ano man ang naisip kong yun. Napatulala na lang ako sa loob ng kotse ko.

Matagal na DJ. Matagal nang nangyari ang lahat pero bakit kumakapit ka pa din sa nakaraan. Ganyan mo ba talaga sya kamahal?. Dapat nagmove on na ako ehh, pinilit kong magmove on kase sabi ni Kath dapat magmove on ako.

Nagdate ako ng iba, I even dated Kath again pero hindi ko magawa magmove on. May hinahanap ako, at alam ko kung kanino ko makikita ang hinahanap ko yun. Sa iisang tao lang naman ehh, after all this time sakanya lang.

Napailing na lang ulit ako. Wala ka nang magagawa pa DJ. Yan na lang nasabi ko sa sarili ko.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!