Chapter 12

3K 53 1

Chapter 12

*savior*

[Naomi's POV]

"MIKA WHERE THE HECK ARE YOU?!"

"kuya relax! Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. I can't go home, ang lakas ng ulan"

Tumingin ako sa bintana ng condo unit ni Stephen, walang humpay parin ang ulan and it's already 10 in the evening.

Mukhang wala akong choice kundi mag-stay dito sa condo niya

"ha?! Kaninong bahay?! Mikael don't tell me lalaki yan ha!!!"

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na busying busy kumain ng cup noodles

"h-hindi siya lalaki! Babae ang kaibigan ko "

Napatingin naman saakin si Stephen and he gave me a what-the-heck-are-you-talking-about look.

"siguraduhin mo ha Naomi Mikael! Anong pangalan niya?!"

Sabihin ko bang si Kryzel? Naku po wag alam ni kuya ang telephone number ni Kryzel, baka bago ko pa ma-warningan ang babaeng yun eh naunahan na ko ni kuya.

"Y-yannie. Her name is Yannie. Yung sumundo dati saakin sa bahay, yung may kasamang bading"

Nakita ko naman na ngumiti si Stephen ng nakakaloko. Tokwa yang mga ngiting yan may pinaplanong masama.

"babes kainin mo na tong cup noodles mo, sige ka lalamig yan! "

"babes?! Sino kasama mo diyan ha Mika?! Sigurado kang babae yang kasama mo?!"

Tinignan ko si Stephen ng masama. Tokwang lalaking to!

Nginitian naman niya ulit ako ng nakakaloko.

"ah, y-yung kuya ni Yannie yun, nandito kasi girlfriend niya"

"give me their telephone number!"

"ok wait lang nag sho-shower yung kaibigan ko! Di ko alam number nila, te-text ko na lang sayo"

"sige, magaantay ako ng limang minuto. Make sure mag text ka agad ha! Kung hindi kakaladkarin kita pauwi dito kahit gaano pang kalakas ang ulan! Naintindihan mo ba Naomi Mikael Perez?!"

Huwaw! Mas malala pa tong kuya ko sa aking ama eh!

"opo naiintindihan ko NICOLAI PEREZ!"

Binabaan ko siya ng cellphone. Tokwang kuya ko eh no grabe magalit!

"huy babes kelan pa ko naging babae? At kelan pa ko naging kuya ng friend mo na kasama ang girlfriend niya? "

"hoy ikaw! Pag kausap ko ang kuya ko wag mo kong matawagtawag na babes ha! "

"oh relax. Ikaw naman highblood. Bat ba kasi hindi mo na lang sinabi sa kuya mo ang totoo? "

"kasi pag nalaman niya na lalaki ang kasama ko we're both dead meat! "

"aysus! Gaano ba kalaki ang katawan ng kuya mo ha? Baka naman hindi ako kaya nun! "

Teka naghahamon ba ang lalaking to ng suntukan sa kuya ko?

"magkasing katawan kayo"

"o yun naman pala eh! "

"pero ang problema apat ang mga kuya ko. Goodluck sayo"

Tinalikuran ko si Stephen at nagpunta sa kitchen niya para doon tumawag kay Yannie. Mahirap na baka gumawa na naman yun ng kalokohan habang may kausap ako sa phone!

"Hello Yannie?"

"oh Naomi bakit ka napatawag? May plano ka bang naiisip para kay Stephen?"

"hindi, kasi may problema ako eh and ikaw lang ang makakatulong"

BTCHO (StoryMadeBy:Alyloony)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!