Book 2- XV

236 2 0

Justin

Kakatapos lang namin mananghalian ng mga head doctors ng mission after ng meeting. kasama namin si Robert, ang pinsan ko sa meeting. Kanina kasi may pinaguusapan kaming mahalagang bagay patungkol sa pagbalik namin mamayang gabi sa Manila. Hanggang sa may tumawag sa kanya sa cellphone nito at agad na nagpaalam sa amin.

Hindi ko alam pero mukhang hindi siya mapakali ng nagpaalam sa amin at huwag na siyang hintayin magtanghalian. May problema siguro sa kompanya nila sa Manila. Sabi niya rin kasi na mauuna na siyang bumalik sa Manila dahil may importante pa siyang lakad.

Masayang nagkukwentuhan ang mga kasama ko ng maalala ko bigla si Jesse. I curses to myself! Kumain na kaya siya?

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan pero biglang napatahimik ang lahat ng biglang magbukas ang pinto at iluwa nito ang nagkukumahog, hinihingal at nagiiiyak na si Michelle.

"S-si Je-sse Doc! T-tulungan natin siya!!" napatayo agad ako sa sinabi niya at nang mapansin kong may dugo sa kanyang damit at kamay.

"What happened?!" tanong ni Doc Concepcion.

Bakas sa amin lahat ang pagtataka at pagkagulat.

"N-na b-baril p-po. Wala na po tayong oras. Tulungan niyo po ang kaibigan ko.!" umiiyak na pakiusap ni Michelle. Tumakbo siya at agad kaming sumunod sa kanya.

I cursed myself dahil hindi ko nagawang protektahan ang babaeng minamahal ko ngayon. Lumapit kaagad ako sa kanya ng makita ko siyang dinadaluhan ng mga doctor na nakakita agad sa kanila. Nakita ko rin si Maru na umiiyak habang tumutulong.

Napatulala na lang ako ng makita ko ang mukha ni Jesse na sobrang putla at ang paghihingalo niya. Again I cursed myself!! SINO ANG MAY GAWA NITO SA KANYA?

"Doc!!! Tulong! Si Miss Denise may tama rin ng baril.." sigaw ng isang nurse sa di kalayuan na bitbit ang girlfriend ni Rob.

Lahat na halos sila ay hindi na nagkantaumayaw sa sitwasyon. Hindi ko alam paano at ano ang dapat kong gawin. Si Miss Denise ay tila wala ng buhay at si Jesse na nagaagaw buhay.

Napapikit ako at huminga ng malalim ng marinig ko ang sinabi ni Doc Concepcion.

"We can no longer save her. It's too late." sabi niya. Binalot ako ng matinding kaba sa dibdib. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang pagbalot nila ng puting tela sa kanya.

"We should call Mr. Robert Araneta immediately.!" bulong sa akin ni Mich.

Michelle

Pagkatapos kong sabihan si Doc Justin ay agad naman niyang ginawa ito kaya lang sa pagkadismaya ay hindi na namin siya macontact. Inulit pa niyang tawagan ngunit ang sabi niya baka nakasakay na siya ng eroplano pabalik sa Manila. Kaya naisipan na lang niyang ireport ito sa pulis ganun din kay Mr. Alfonso Araneta.

Umiiyak pa rin kami ni Maru habang pinagmamasdan ang kaibigan namin maging kay Denise. Masakit para sa amin na makita silang ganyan. Kaibigan namin sila at hindi namin alam kung paano nahantong ang lahat sa ganito.

Dumating na ang mga pulis na magiibestiga sa crime scene. Marami na ring nakikiusyoso na mga tao rito.

"G-girl wag na tayo magemote dito! Ayaw ni Jesse ng ganyan.. Magpakalakas tayo." pagaalo sa akin ni Maru. "Magagalit iyon sa atin bhe.! nakaktakot pa naman yun." sabi niya na kahit nagpapatawa ay umiiyak.

Nagyakapan kaming dalawa at tila nanigas kami ng lumapit sa amin ang inspector at nagtanong sa amin kung ano ang kaugnayan namin sa dalawa.

"They are our friends. Ngunit sila ay may hindi pagkakaunawaan." sabi ni Maru.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!