Dahan dahang binuksan ni Daryl ang pintuan ng kwarto nya. Tatakas lang sya ngayon sa bahay nila para nga makapunta sa pagdadausan ng karera nya. Tulog na ang kanyang mga magulang, gayundin si Melissa. Tahimik rin syang bumababa sa hagdan. Hinanap nya pa ang remote control para sa pagbukas ng gate ng bahay nila para mailabas nya ang nakagarahe nyang kotse.

Dumaan sa backdoor si Daryl papunta sa garahe at sumakay sa sasakyan nya. Dala nya rin ang remote control. Pumasok sya sa loob ng sasakyan nya nang mapansin nyang bukas pa pala ang ilaw sa kwarto ni Melissa.

Gising pa sya. Isip ni Daryl. Isinawalang bahala na lamang nya ito dahil wala rin namang magagawa si Melissa para pigilin sya kung sakali man. Inistart na nya ang makina ng kanyang kotse at pinindot ang remote para buksan ang gate. Paglabas nya ng bahay nila, muli nyang pinindot ang remote para isara ito.

Humarurot naman paalis si Daryl.

---

Nakakunot ang noo ni Criselda. Nakaupo sya ngayon sa loob ng isang coffee shop sa loob ng hotel na pinag-usapan nila ni Geoff. Tumingin sya sa wrist watch nya.

11:30pm. The nerves! Ang kapal ng mukha nyang paghintayin ako dito. Naiiritang sinabi ni Criselda sa isip nya.

Inubos na nya ang kapeng nasa mesa. “I’ve had enough. G*gong ‘yun.” She cursed. Padabog syang tumayo at dumiretso sa exit ng coffee shop. Suddenly, naramdaman nyang nagvibrate ang cellphone nya.

From: Geoff Tan

Message: Go up at room 704. I’m waiting there.

“Tss.” Umikot ang mata ni Criselda. She replied her.

To: Geoff Tan

Message: G*go. I waited at the coffee shop. Sana sinabi mo sakin na may nireserve ka palang hotel room para hindi ako nagmukhang tanga dun.

Dumiretso naman sya sa elevator. Sakto naman na pagtuntong nya sa harap nito, agad na nagbukas ang elevator.

“Good evening, Ma’am. What floor?” tanong sa kanya ng elevator girl.

“Seventh floor, please.” Nakakunot pa rin ang noo ni Criselda.

Pinindot naman ng elevator girl ang number seven.

Nakarating si Criselda sa seventh floor at agad na dumiretso sa hotel room na sinabi ni Geoff sa kanya. She rang the doorbell at agad na sumalubong sa kanya si Geoff.

“Gabriela!” nakangiting salubong ni Geoff kay Criselda.

“Tss. Bastard.” Itinulak lang ni Criselda si Geoff papasok ng hotel room.

Ngumisi naman si Geoff sa inasal ni Criselda. Pumunta sya sa bar at kinuha ang isang champagne doon. Kumuha rin sya ng dalawang wine glass. Samantala, umupo naman si Criselda sa sofa na nasa harap ng flat screen TV. Nagdekwatro pa ito.

Lumapit si Geoff kay Criselda at iniabot sa kanya ang isang wine glass. Sinamaan ng tingin ni Criselda si Geoff pero kinuha nya rin naman ang wine glass. Nagsalin si Geoff ng champagne sa wine glass ni Criselda.

Criselda: A Mafia RoyaltyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!