It’s Sunday!! Walang pasok! Yehey! Magdiwang! Maaga akong nagising. Naabutan ko pa nga sila ate bago pumasok sa trabaho e. at mukhang happy naman sila. Si mama naman happy na happy din. Chineck ko agad ang phone ko. 10 messages received at lahat ng texts ay galing kay Kevin. Ay oo nga pala, natulugan ko siya. I'm sorry my loves!

To: Loves

Good morning, loves. Sorry nakatulog ako kagabi. Sorry. Sorry.

 From: Loves

Duga!

 To: Loves

 Aga mo ah.

From: Loves

Maaga din akong natulog kagabi e. Pinilit kong matulog nung di ka na nagrereply.

 Dumiretso naman ako sa may sala namin. Nasa may divider ang flowers na bigay ni Papa kay mama. Nilagay ni Mama sa flower vase. Ang ganda. Iba't ibang colors ng roses. Mukhang buhay na buhay pa rin ang mga ito.

"Nakanang!" Sabi ko kay mama.

"Anong sabi mo?" Singhad naman sakin nito.

"Sabi ko PBB teens!" Sabay tawa. Napailing na lang si mama sa sinabi ko. Marahil ay kinikilig rin ito. Pinaghain ako ni Mama ng umagahan. After ko kumain, kinuha ko ang chocolate na bigay sakin ni papa at kinain.

 "Penge naman!" Sabi ni mama na nakaupo sa sofa.

 "Ayoko nga. May flowers ka na nga e." sabay tawa ng nakakaloko.

"Damot mo. Dali na!" Oo mahilig rin si mama sa sweets like chocolates. Halos lahat kami sa pamilya mahilig sa sweets.

 "Sige na nga. Ito na!" Sabay abot sa kanya ng chocolate. Pumutol lang siya ng 3 piraso at bumalik na ulit sa sofa. Tiningnan ko naman ang phone ko. Aba nagtext si BFF ah.

From: BFF-Mysh

Bff, tara gala tayo maya. Kasama si Jonas. Sama mo rin si Kevin. Double date tayo. Dali.

To: BFF-Mysh

 Hindi pa ko sure e. Nahihiya pa ko.

 From: BFF-Mysh

Kanino naman?

To: BFF-Mysh

Kay Kev.

 Pinag-isipan ko rin kung sasama ba ko. Sinabi ko naman kay Kevin na nag aaya sila Mysh.

From: Loves

Sure Loves. Sunday naman ngayon diba? Tara.

To: Kevin

Sige loves. See you before 1pm at SM Southmall.

Nagtext na ko kay Mysh na sasama kami ni Kevin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nagkita kami. Pag nakita ko siya at pag makita niya ko. Ewan! Nakakakaba. Nagpaalam naman ako kay mama na gagala lang. Hindi naman sila mahigpit sa mga ganitong bagay. Pero kapag hindi sila napapayag, hindi talaga pwede. Nag-ayos na ko. 11:30 palang ay umalis na ko. Grabehan kasi ang byahe papuntang Southmall e. 12:30 nagtext si Mysh. Andun na raw sila ni Jonas. Syempre, nagcomfort room muna ko bago sila puntahan kasi this time may kadate na ko. Haha. Natatanaw ko na ang maglovers. Abot langit ang ngiti ng dalawa. Wala pa si Kevin. Mejo traffic daw kasi sa Las Pinas.

Love at First TextBasahin ang storyang ito ng LIBRE!