Chapter 9

3.3K 47 0

"OMG Naomi! Di ko alam na keribells mong magpakilig ng bonggacious!"

"nice job Naomi"

"thanks, wait lang muna saglit"

Tumakbo ako palayo sa kanila. The moment na nakahanap ako ng pagkakataon, sinundan ko agad si Drew.

Tama ba ang nakita ko? Nagalit ba siya? Nagselos?

Sheeeeeeeeemay kinikilig ako! Ibig sabihin ba nun eh may lihim siyang pagtingin saakin? oh gulay! Sana nga.. sana nga.. sana nga..

Paano kung magtapat na siya saakin ngayon at ibunyag ang kanyang undying love para saakin? Sasagutin ko nab a agad? Or magpapaligaw muna ako?

Syempre! Dapat magpaligaw muna at pag sinabing ligaw kailangan niyang dumaan sa butas ng karayom! Hindi naman saakin siya mahihirapan eh kundi sa apat kong kuya. Hihihi.

Pero saan na nga ba nagsuot ang aking future boyfriend?

"grabe ang lakas ng loob niyang kantahan si Stephen ah! But infairness nakakakilig!"

Napahinto ako sa pagtakbo.

Nakalimutan ko si Stephen.

Oo nga pala, hindi ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil sa kanya. Di ba nga inlababo dapat ako kay Stephen? To the point na head over heels ako sa kanya kaya ako ang nanliligaw.

Pero paano ang love life ko? Paano kung gusto nga talaga ako ni Drew? Ano gagawin ko pag nagtapat siya saakin?

Anong palusot ang sasabihin ko samantalang parang ipinagsigawan ko na sa buong mundo na mahal na mahal ko si Stephen?

Hay buhay! Kung si Stephen ay isang taong marunong magmahal, hindi sana ako nahihirapan ngayon!

Bat pa kasi may ipinapanganak sa mundo na mga manloloko eh.

Naglakad ako papunta sa basketball court and nagbaka sakaling nandun si Drew. Hindi ako nagkamali, nandun siya pero wala ngayon mga babaeng nakapalibot sa kanya. Siya lang magisa naglalaro.

I watched him threw a three point shot. Ang gwapo talaga ng lalaking to kahit pawis na pawis na. Kahit saang anggulo ko tignan naiinlove parin ako sa ka-gwapuhan niya. Para siyang si Rukawa ng Slam Dunk. Cool. Gwapo.

Heartthrob. And higit sa lahat napakabait at gentleman.

Every girls dream.

"D-drew"

Napalingon siya saakin.

"oh, Naomi " he smile then tumakbo siya papalapit saakin "bat ka napunta dito?"

"uhmm, ano, err o-ok ka lang ba?"

"oo naman bat mo naitanong?"

So guni-guni ko lang ang nakita ko? Hindi siya nakasimangot nun? Hindi siya nagselos? Or baka naman talagang hindi siya ang nakita ko? Ano yun doppelganger niya?

"w-wala naman. Sige alis na ko, babalik na ko sa classroom ko"

Tinalikuran ko na si Drew ng bigla niyang hatakin ang kamay ko. He look so serious. Yung expression niya na nakita ko kanina.

"Naomi, I don't want you to get hurt "

"Drew.."

Ano daw sabi niya? ayaw niya akong masaktan? bakit? dahil mahal niya ako? OH GULAAAY

Binitawan niya yung kamay ko.

Oh wag muna.

"uhm, j-just a friendly advice, ingat ka sa kanya"

BTCHO (StoryMadeBy:Alyloony)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!