Book 2- XI

258 1 0

Jesse

 

 

Nandito na kaming lahat sa airport kasama ang medical team hinihintay na lang naming ang pag-board namin sa eroplanong nakalaan para sa amin. Syempre present kaming tatlong magkakaibigan, ako, Michelle at si Ruffy ganun din pala si Doc Justin na kanina pa pala nakamasid sa amin.

“Boo!” tawag sa akin ni Jasmine. Ay oo nga pala nandito rin pala sila ni Luke. Siya pala ang pinasama ng Daddy niya para sa medical mission since siya ang magmamanage ng hospital in the future.

“Oh? Bakit Boo?” Humarap ako sa kanya at tinanong siya. “Okay ka lang ba Jasmine? Bakit parang hindi ka mapakali?” pagharap ko kasi parang kinakabahan na ewan ang babaeng ito. May problema to for sure.

“Huh?! Oo. O-okay lang ako. Magsi-CR lang ako a. hehe” paalam niya sa akin habang kamot kamot ang kanyang ulo. Weird. Tumango na lamang ako. Alangan namang pigilan ko siya diba? Siguro tinatawag lang siya ng nature.

Tinawag ang mga team na nakadesignate sa kanya-kanyang department para mag-briefing. Hindi ko nga alam kung saan ako actually tutulong dahil diba nga private nurse ako ni Dad Alfonso. So wala talaga akong team.

“Everyone, while waiting for boarding, let’s have our briefing per team.” Sabi ni Doctor Sebastian ang head doctor ng mission.

Ang plano kasi since maaga kaming makakarating sa Palawan ay agad-agad gaganapin ang medical mission. Marami rin kasing pupuntang pasyente. 10 barangays per day. O diba san ka pa? paniguradong nakakapagod ang 2 weeks na ito.

Nagsimula na silang pumunta sa kaniya-kaniyang team at ako naman hindi malaman kung saan ako tutungo. Sila Mich at Ruffy nasa Pediatrics department ganun din si Doc Justin.

“Nurse Jesse, saan ka naka-assign?” nagulat pa ako sa nagtanong sa akin, si Doc Xavier lang pala, isang General Surgeon. Ang lawak ng ngiti nito sa akin kaya ginantihan ko naman siya ng ngiti rin pero hindi ganun kalawak dahil may kakaiba sa mga ngiti nito. Hindi ko lang maipaliwanag.

“Ah eh…. Hindi ko po alam Doc e. Naghahanap nga din ako kung saan pwedeng sumali.” Pahayag ko habang nakayuko. Ewan ko ba parang kinikilabutan kasi ako sa mga titig niya.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!