Chapter 7

38 2 1

Chapter 7

Andito na naman si Josh sa bahay, and this time wala na kong kawala sa kanya. Kailangan ko na syang harapin, kahit hindi pa ko handa.. Ano pang magagawa ko eh andito na, at saka marami din akong tanong sa kanya, mga tanong na tinago ko na lang sa sarili ko dahilan para maiwan akong clueless sa lahat habang patuloy na nasasaktan.

Hindi ako kaagad makatingin sa mga mata nya, halata ring naiilang sya sakin.

“H-hello Scarlet, b-buti at nandito k-ka na” ngumiti sya pero bakas pa rin sa mata nya ang lungkot. Pero bakit sya pa yung may ganang magkaganyan? Diba dapat ako? Kasi ako yung iniwan eh. Tss.

“H-ha.. oo nga eh” matipid kong sagot. Naiilang rin ako sa kanya.

Mukha ngang mas lalo pa nga syang gumwapo ngayon, siguro ay sanay sa America kaya ganyan. Naiisip ko pa lang kung ano mga pinaggagagawa nya dun eh hindi ko kakayanin! Malay ko bang nagkaron na sya ng girlfriend dun na mas maganda pa sakin?! Hindi ko maiwasang maisip ang mga ganyang bagay sa twing maalala ko sya, pero ngayon.. ngayon ko malalaman lahat. Dahil hindi ko palalampasin ang gabing ‘to hangga’t hindi sya nakakapag-explain sa akin..

“Maupo na muna kayo dyan at ipaghahanda ko kayo ng dinner” nagising ang diwa ko nung nagsalita si mama, nandyan pala sya malamang pati sya ay nakahalata sa awkwardness namin ni Josh. Naupo naman ulit si Josh sa sofa, sumenyas  akong aakyat muna dahil magpapalit lang ako ng damit. Feeling ko kasi amoy pawis na ko -____-

Pagkaakyat ko sa kwarto ay para naman akong nakahinga ng maluwag mula sa pagkakasakal.

“Haaaay!! Anong gagawin ko?”

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung anu-ano ang mga sasabihin ko sa kanya, at hindi rin maitatagong kinakabahan ako.

Nagbihis na muna ako ng mas kumportableng damit  baka sakaling mabawasan ang kabang nadarama ko.

Pagkababa ko ay nasa kusina na si Josh at masayang nakikipagkwentuhan kay Zack.. Namiss siguro nila ang isa’t-isa dahil sobrang close silang dalawa. Simula nga nung umalis ‘tong si Josh ay sya na lang ang palaging bukambibig ni Zack, hinahanap sya at namimiss na daw nya.

“Hmmm... Mukhang masarap ang niluto mo ngayon ma ah!” sabi ko dahilan para mapalingon sakin si Josh samantalang si Zack ay tuloy pa rin sa pakikipag-usap sa kanya. Nagtama ang paningin namin ni Josh, at bigla syang napangiti.

Sobrang namiss ko ang ngiting yun!!

“Haha! Oo naman lalo na’t andito si Josh, tinulungan nya pa nga ako dito sa kusina eh”  sabi ni mama habang nangingiti.

Kung ganun kanina pa pala sya andito?

“A-ah kasi.. medyo napaaga yata ang dating ko kanina kaya naman tumulong na ko kay mama.. habang inaantay ka namin dumating” paliwanag ni Josh.

Mama pa rin ang tawag nya. Sa totoo lang ay gusto ko syang yakapin ngayon, ng mahigpit! Sobrang namiss ko sya, namiss ko ang ganitong moments namin.

Ngumiti na lang ako at sabay naupo sa mesa katapat ko ngayon si Josh, sinadya ko talaga yun para mas makita ko sya.

“Kain na tayo! Tara ma, sabay ka na samin..

Ikaw Zack kumain ka na?” baling ko kay Zack na ngayon ay kalong na ni Josh.

“Uy kumain ka na daw ba sabi ng ate mo?” nakayukong tanong sa kanya ni Josh. Ang cute nilang tignan!

“I’m done na hihi. Kayo na lang po ni ate ang kumain, di ba ma?” sus kinasabwat pa talaga si mama!

“Yup baby, mauna na kayong kumain ni Josh at aantayin ko pa ang papa mo para may kasabay syang kumain”

“Tara baby, dun muna tayo at kakain sila ng ate mo” yaya ni mama kay Zack na ngayo’y nakaalis na sa pagkakakalong kay Josh.

My Nerd Boy Gone BadBasahin ang storyang ito ng LIBRE!