For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Book 2- VI

193 1 0

Doc Justin

Hi. Before anything else, I want to introduce myself. I'm Doctor Justin Sanchez and I have feelings for Jesse. Hindi ba halata? The first time I saw her in Palawan, naamaze agad ako sa ganda niya. She looks innocent and fragile.

Hanggang sa nakilala ko siya dahil close ko ang kumupkop sa kanya. I'm very thankful because I met her. I never thought na mapupukaw niya ang pagtingin ko.

As time goes by lalo ko siyang nakilala. Higit sa lahat ang nakaraan niya. Hindi na ako nagulat dahil familiar talaga ang kanyang mukha at the same time ang pangalan niya. Napagalaman kong ex-husband siya ng pinsan kong si Mark Robert Araneta.

Small world diba? Akalain niyong pinsan pala ako ng lalaking sinaktan at iniwan ang napakagandang babaeng unti-unting bumihag sa puso ko. Inaamin kong hindi ko parin maabot ang puso ni Jesse dahil nasa pinsan ko pa rin na mukhang tanga. Sana magsisi siya na pinakawalan pa niya ang asawa niya dati.

Whatever happens I will get Jesse's sweet YES. Aalagaan at mamahalin ko sila ng anak niya. Handa akong tumayong ama sa anak ng pinsan ko at ipaparamdam kong ako ang ama niya.

Sana bigyan ako ng pagkakataon ni Jesse. Sana.

"Doc Sanchez. Are you still with us?" Someone snapped my thought. Hala! Nandito pa pala kami sa conference room. Kasi naman nakatuon lang ang pansin ko sa inaabot kong babae.

"I'm sorry. Please proceed." pagpapaumanhin ko kay Doc. Marielle.

Nagpatuloy lang siyang magdiscuss patungkol sa medical mission na gaganapin sa Palawan. Nakakaexcite kasi makakasama ng team si Jesse. Woooo.

natapos na ang meeting at kakausapin ko pa si Tito Antonio. Ang may-ari ng ospital na ito. Who happened to be my uncle.

Abot sa tenga ang ngiti ko. Ewan ko ba lagi na lang akong ganito everytime I'm with her. Yes. Kasabay ko lang naman si Jesse papunta sa office ng president ng ospital.

Kumatok na ako sa pinto hanggang sa marinig namin ang pagpapapasok samin ni Tito.

"Please come in." anya ni Tito sa loob ng office niya.

I opened the door at mukhang may kausap yata si Tito.

"Good afternoon Sir." isang bati ko kay Tito. And to my surprise, tama ang hinala kong may kausap siya. At hindi ako nagkakamaling si Mark Robert Araneta iyon. Ang pinsan kong tanga.

Napatayo ako ng maayos at ngumiti ako ng pilit sa kanya. Instead na ngitian ako pabalik ng lalaking iyon, well ano pa ba ang ieexpect ko?

Papasok na sana ako ng maalala kong kasama ko nga pala si Jesse. I cursed inside my mind.

Hindi niya muna pwedeng makita ang pinsan ko. I know she's not yet ready.

Parang nanlamig naman ako bigla at napatingin sa katabi ko but surprisingly wala siya.

Nasaan na siya? Hindi kaya nakita niya si Mark (Yun ang tawag ni Doc sa pinsan niya) at inunahan na niyang umiwas? Nilinga-linga ko pa ang paligid but no presence of Jesse Ramirez can be seen.

Should I look for her? Pero baka she needs to be alone. sabi ng isip ko.

Napabuga na lang ako ng hininga. At dahil ramdam ko rin ang katagalan ng pagtunganga ko pumasok na ako sa office ni Tito.

Jesse

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!