Book 2- IV

260 2 2

Heu

Jasmine

Nakakainis! Inindian nanaman ako ng lalaking iyon. Ugh! Bakit naman kasi sa dinami -rami ng manliligaw ko e siya napili ko? Kaasar lang!. Hiwalayan ko na kaya?

Ahihihi  Syempre hindi ko kaya yun no. Isang Araneta ba naman ang labofmaylayp. Oi hindi si Rob a. Yung kapatid niya.

Nililibang ko na lang sarili ko sa paperworks na nakatambak sa lamesa ko. Goodness.. Ang hirap talaga magtrabaho.. Huhubels.

Napaunat ako ng kamay at huminga ng malalim. waaaah! what a tiring day...

*kring! kring! kring!*

Nagulat pa ako ng tumunog ang phone ko. Sino naman kaya ito? Baka isang new Client. Hindi kasi nakaregister sa phonebook ko.

"Hello? Goodevening." paunang sabi ko.

[Hi. Goodevening rin Boo!.. Heheh] tinignan ko ulit yung phone ko at unknown number talaga. Pero tinawag niya akong Boo? Jesse?

'Jesse? Ikaw ba to?" hindi makapaniwalang sabi ko. Goodness! Bakit nanaman siya nagpalit ng number.? Ilang beses na siyang nagpapalit sa loob ng halos dalawang taon. "Hoy babae! Hindi ka ba nagsasawang magpapalit-palit ng number mo? Kainis ka na a. Pero bakit ka napatawag?" masungit na sabi ko.

[Namiss kasi kita e.. Sorry bago nanaman phone number ko. Ang kulit kasi ni Doc Justin. Gusto niya ng magkasunod number namin. Anyways, bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?] ano to may instinct? Grabe talaga tong bestfriend ko.

"Hay. Ayaw ko sabihin.. Basta! I miss you too..." sabi ko sa kanya. sana nandito na lang siya para may makasama ako. Huhu. Miss ko na rin talaga ang bestfriend ko.

[Hehe. Damot naman.. Ahm. Pwede favor?] kumunot naman ang noo ko? Favor?

"Ano yun?" nakanguso kong tanong sa kanya.

[Ngumiti ka nga. Parang ayaw mo akong kausap e. Mukhang hinila yang nguso mo o. Ang ganda pa naman ng floral dress mo. hehehe] lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Hoy babae! Nasaan ka ba ngayon? Bakit mo alam ang damit ko at ang itsura ng mukha ko?" tanong ko sa kanya. Imposibleng bumalik na siya rito. Napakaimposible. Unless totally moved on na siya?

[Hay nako. Basta. See you. Love you Boo. Ingat ka. Bilisan mo a.] magsasalita pa sana ako kaya lang naunahan na niyang ibaba ang phone. Weird.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!