Chapter 7

7 1 0

Bukas na ang Lyric bago ko pa man buksan ang tindahan namen. Hindi ata sila late opening ngayon, may puting bag na naka patong sa speaker nila. Kaninong bag kaya yun? may bago ba silang kasama?

May lalakeng tumayo mula sa lamesa ng cashier nila. Hindi ko sya masyadong tiningnan dahil abala ako sa pagbubukas ng tindahan namen, ilang minuto na lang kasi magbubukas na ang mall.

Matapos patugtugin ang pambansang awit ay pumasok na ang mga Customer. Napatingin uli ako sa loob ng Lyric, hinanap ko ang lalakeng nakita ko kanina, bigla syang lumabas mula sa maliit nilang stockroom na may dala dalang walis at dustpan. Si Nile nga ba toh? sa unang tingin hindi mo agad sya makikila, kinulayan nya kasi ng brown ang buhok nya at medyo numipis. Tumingin sya sa tindahan namen at hindi ko alam kong tumango nga ba sya saken o nag eenjoy lang sya sa tugtugan nya at napapa headbang. Dahil hindi ako sigurado hindi ako ngumiti o tumango man lang.

Ilang minuto bago dumating si Coleen ay dumating na si Donna.

Sa way ng paguusap ni Donna at Nile ay masasabi mong magkakilala na sila, siguro dahil nga nare-reshuffle lang sila. Kasunod ni Coleen ay dumating na rin ang isa pang kasama nila na O.I.C nga nila.

"wala pa si Mallows! pero andyan si Nile!" sabi ko kay Coleen habang nag reretouch sya ng kanyang makeup.

"owh? baka absent? kasi imposible namang restday nya Saturday ngayon!" sagot nya kasabay ng pagpahid ng lipstick sa labi nya. "naku! baka naman nare shuffle  sya? hindi kaya?" dagdag nya.

Wala akong nasagot sa sinabi nya.

Pero umaasa na hindi totoo ang iniisip nya. May humampas sa gilid ng kiosk namen dahilan para magulat kaming dalawa at dahilan para lumagpas ang eyeliner na nilalagay ni Coleen sa mata nya.

"uy! umattend ba kayo ng seminar kanina?" si Robert sales staff ng Abenson.

"kaylangan ba talaga manggulat!"galit na sagot ni Coleen, habang tinitingnan ko naman sya ng masama.

"grabe! nagulat na kayo agad dun?" sabi ni Robert ng nakangiting napahiya.

"ayan owh! lumagpas tuloy!" hinarap ni Coleen ang mata nyang lumagpas ang eye liner.

"sorry na!" nagmamakaawa ang mukha nya

"anu? may umaatend ba sa inyo kanina?"

"anu ba yun?"

"yung semimar sa Earthquake."

Nanlaki ang mata namen ni Coleen sa sinabi nya.

"oo nga pala kanina yun! nawala sa isip ko!"

"ayan! yan ang sinasabi ko! may multa ang mga hindi umattend dun."

"naku! yari tayo Coleen walang umattend saten!"

"buti na lang meron pa bukas!" pagyayabang ni Robert

"meron pa bukas??"

"umattend ba kayo?" tanung ko sakanya

"hindi!" natatawang sagot niya

"kaya nga tinatanung ko kayo kasi di rin kame naka attend."

May lumabas na lalake sa tindahan nila at tinawag sya.

"teka! tawag na ako!'' nagmamadaling umalis si Robert at narinig namen ang lalake na pinagsabihan sya ng "nangangapitbahay ka nanaman!''

Napag kasunduan namin ni Coleen na ako na lang ang aattend bukas ng Seminar. Ala sais hanggang Alas nwebe. Tatlong oras din ang itatagal ng seminar.

Maghapon kung hinantay si Genry pero di sya dumating. Si Nile, Donna at OIC nila ang nag duty maghapon.

Baka nga na reshuffle na sya. Naging boring tuloy ang maghapon ko. Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

#stalkerproblemBasahin ang storyang ito ng LIBRE!