Book 2- III

249 2 2

Jesse

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Ano ba kasi tong puso ko ayaw huminahon. Sapo-sapo ko ngayon ang aking dibdib habang kinakalma ang sarili ng gulatin ako ni Doc. Justin.

"Jesse!" lalo tuloy bumilis ang tibok na puso ko sabayan pa ng pagtaas ng balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Nakakaloko ang mga tingin niya parang gusto akong tunawin.

Papaluin ko na sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Ang init ng kanyang palad.

"Jesse, ako ang bahala sa iyo. Don't worry too much. Isipin mo na lang si Robbie." binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at sa di malamang dahilan ay hinalikan niya ang noo ko.

Nanlaki ng mata ko kasabay ng biglang maalala ko ang unang lalaking humalik ng noo ko maliban kila Papa at Kuya.

Si Rob.................

"Oh? Bakit ka namutla dyan? First time mo bang sumakay bg eroplano? haha." nang-asar pa ang mayabang na doktor na ito.

Pero. Totoo bang namumutla ako? Hayy. Ganito pa rin pala ang nangyayari sa akin sa tuwing naaalala si Rob.

"H-Hindi no! Nakakainis ka na doc a. Kanina ginulat mo ako ngayon naman nang-aasar ka na. Bwiset ka!!" nakakuha ako ng pagkakataon na suntukin ang kanyang braso. Wahahaha. Nakaganti na tuloy ako.

"Ouch!" pagiinarte niya habang himas-himas ang parte ng braso niya kung saan ko siya sinuntok. Binelatan ko siya.

Nakalipas ang halos dalawang oras ng makarating kami sa NAIA T3. Wahhh! Namiss ko rin kahit papaano ang lugar kung saan ako lumaki.

Tinutulungan ako ni Doc Justin sa pagkuha ng gamit ko ng mahagilap ng mga mata ko ang isang babae.

"Denise?" pabulong kong tanong. Halos matuwa ako ng makita ko siyang muli. 3 years ko rin siyabg hindi nakita. Maski nga nung graduation diba?

Tatawagin ko sana siya kaya lang tinatawag na ako ni Doc Justin.

"Jesse! Tara na. Naghihintay na yung sundo natin." nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko para hilahin.

Tinignan ko kung nasaan si Denise at ayun, mukhang sinundo siya ng boyfriend niya. Nakita ko ang paghalik ni Denise sa lalaki na ngayon ay nakatalikod.

Parang pamilyar ang lalaking iyon. May kapareho siyang tindig at tangkad.

Umiling-iling na lamang ako at nagpatuloy na lang maglakad.

May ibang pagkakataon pa para magkita-kita kami.

sabi ko sa isip ko.

Hinatid ako ni Doc Justin sa bahay nila ate. Alam ko kasi kung saan yung new house nila kuya Keith.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!