Book 2- II

268 4 1

Jesse

"Jesse?" tawag sa akin ni Doc. Justin. Kahapon pa niya ako pinipilit na sumama sa kanya sa Manila. "Hindi ka pa ba nakakapagdecide?" tanong niya sa akin.

Sa totoo lang may part sa akin na gusto ng umuwi sa Manila. Almost 2 years na rin kasi akong nandito sa Palawan. Oo. Nandito ako sa magandang pulo ng Palawan. Iniwan ko lahat sa Manila at hindi pa ako bumabalik.

I don't know if kaya ko pang bumalik lalo na't nalaman kong bumalik na si Rob sa bahay namin 'Dati'. Yes. Dati na. Past na. So sa bahay niya.

Kung paano ko nalaman? Well, syempre sa asawa ng Ate Sophie ko. Kay Kuya Keith na best friend ni Rob.

Well, bakit nga ba ako umalis ng Manila?

Dahil nahihiya ako sa lahat ng tao. Alam ng lahat na niloko ko ang nag-iisang Mark Robert Araneta na isang sikat at hot young businessman sa bansang Pilipinas.

Hindi ko alam kung sino ang may galit sa akin. Pero sadyang meron talaga. Nabunyag na rin na ako ang asawa ni Rob. Na mula sa isang hamak at mukhang perang pamilya.

Ang sakit diba?! Pero hindi manlang ako lumaban sa kahit sino sa kanila dahil alam kong hindi rin nila ako paniniwalaan. Ang sarili ko ngang asawa hindi ako pinaniwalaan e.

Pero ang mas masakit ay ang hingin ni Rob ang annulment ng kasal namin bago siya umalis.

That time was really a nightmare happened in my life. And that day he left me without saying Goodbye.

Ang sakit! Sobrang sakit ng nangyari sa akin noon.

Flashback Three years ago....

Hindi pa bumabalik sila Harvey at Jasmine para bumili ng pagkain. Mag-isa lang ako sa silid ng ospital at hinihintay na sana pagbukas ng pinto ay si Rob ang iluwa.

Naaalala ko nanaman ang mga nangyari kagabi. Ang galit at sakit sa mukha ni Rob, hindi ko makalimutan. Lalo na ang masasakit na nasabi niya tungkol sa pamilya ko at sa akin.

Hindi ko mapigilang humikbi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sinayang ko ang tiwalang ibinigay niya at higit sa lahat ang pagmamahal niyang muli na ipinagkatiwala niya sa akin ng buong puso.

Nasaktan ko siya at sinisisi ko ang sarili ko doon. Pero kahit kailan maski sabihin kong wala akong kasalanan sa nangyari, kahit alam kong na-set up lamang ako ay alam kong hindi niya ako paniniwalaan.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!