Chapter 6 ( Leche Plan)

20 4 2

It's  the most wonderful  time of the year..

Sana pagsapit ng pasko kayoy naririto..

But the very next day you gave it away..

Suot ko ang paborito kong brown jacket, naglalakad sa ground floor ng Gmall. Ramdam na ramdam ko na talaga ang papalapit na pasko kahit katatapos pa lang ng undas.

Punong puno na ng Christmas decor ang paligid ng mall sinabayan pa ng mga Christmas songs ng bawat tindahan.

Papalapit na ko sa tindahan namin. Nakita kong may kinakausap si Coleen na taga housekeeping at may inaabot na memo galing sa Mall Admin.

Nakita na ako ni Coleen kaya naman habang papalapit ako,nakangiti na sya saken.

Limang hakbang pa bago makalapit sa kinakatayuan nya ay nagsasalita na sya.

"ang haba ng oras naten"ang bungad nya saken at pinagpatuloy ang pagbabasa sa memo. "hanggang 12 midnight! grabe!patayan toh"

"kelan start nyan?" tanung ko sakanya habang namamasyal ang tingin ko sa paligid.

"matagal pa naman" sbi ni Coleen at sinundan kong san ako nakatingin. "wala pa sya" alam nya kung sino ang hinahanap ko at alam ko rin kung sino ang tinutukoy nya.

"siguradong closing yun! alam kasi nyang straight duty ako" pang aasar nya saken.

"di ba pwedeng closing ako kaya closing din sya?"sagot ko sakanya at kinuha ang memo na hawak nya.

"ang haba ng oras natin sana naman bigyan pa tayo ng isa pang makakasama"dugtong ko at napatingin sa lalakeng napadaan. Si Genry, mukang sa c.r sya dumeretso dala pa kasi nya ang bag nya.

"gumawa ka na ng schedule" agad na sinabi ni Coleen para hindi na maiba ang usapan sa Mall Hour to Genry.

"mahirap gumawa ng schedule kung di natin alam kung kelan dadating makakasama natin.. o kung bibigyan paba tayo ng makakasama"

"hay naku! ang hirap nyan ah! nga pala, bili ka saken ng leche plan ah" biglang singit ni Coleen sa sideline ng nanay nya. napatitig lang ako sa muka nya na nakikiusap at ngumiti. "sige na! inalok ko na rin yung ibang kapitbahay natin.. ang dame ngang kukuha eh"

"magkano naman yan? bigyan mo ko ng discount!"

"grabeh ka naman! utang naman toh eh! tsaka masarap  toh! alam mo ba ung leche plan ng Chow King? sila nagbabagsak dun! kaya kaylangan maramihan!" sales talk nya saken

"talaga? binabagsak nila? sa Chow King?"

"OO!!"

"buti hindi na dudurog?" pabirong sagot ko sakanya, muka kasi syang seryoso sa pagbebenta na kaylangan nyang makumbisi lahat.

"eto naman eh.. sige na! aalokin ko rin yan sila Abenson."

"Bakit sila Lyric hindi mo alukin?" Lyric ang tindahan nila Genry at Donna, mag iisang linggo na rin na lagi silang may kasamang isang lalake na sa tingin ko ay O.I.C nila.

"anu ka ba! syempre aalokin ko yan.. kaya nga pinahuli ko si Abenson eh! para pag katapos didiretso ako sa kanila!"

"sige alokin mo sila Mallows! tapos ako maniningil!"

Natuwa si Coleen sa idea ko.

"Sige ah! ikaw kukuha ng bayad nila! kaya mo ba?" hamon nya saken na alam kong hindi ko kayang gawin.

Matapos ni Coleen alokin ang mga empleyado ng Abenson,sumenyas muna sya saken ng pang palakas ng loob bago pumasok sa Lyric. ngumiti ako sa kanya at tsaka sya pumasok. Iniwasan kong tumingin sa Lyric at nag hanap ng pwedeng gawin habang hinahantay ang pag balik ni Coleen na may dalang kwento ng mga sandaling dalawang hakbang lang ang layo nya kay Genry, kung wala lang sana akong ginawang kapalpakan nuon, kung hindi ko lang sana naishare ang cover photo nya, kung hindi ko lang sana nalike ang picture nya sa Instagram, siguro hindi ako nahihiya sa kanya ng ganito.. baka ako pa humingi ng order nila, baka nakakausap ko sya tulad ng ibang tenant dito.

Hindi masyado nag tagal si Coleen sa loob ng Lyric pero bago sya bumalik sa tindahan namin nakipag kwentohan muna sya sa kapitbahay  na tenant. Habang ako hindi nagpapahalata na gusto ko na sya tanungin kung anu nangyare?, hindi ba sila kumuha? anung sinabi nila sa kanya? nagsalita ba si Genry? narinig ba nya yung boses nya?

Umupo si Coleen sa pinaka mababang upuan sa loob ng tindahan namin, naka tayo ako sa harap nya na paharap din sa tindahan nila Genry, kaya kung titingin man sila samen ako lang ang makikita nila.

"kumuha si Donna! dalawa" tuwang tuwang kwento nya. alam kong dapat matuwa rin ako sa sinasabi nya pero pinipigilan kong ipakita para hindi mahalatang kinikilig kame habang pinaguusapan sila, kung sakaling mapatingin sila samen.

"eh ung isa?''

Nawala ang ngiti nya at tumitig lang saken at matagal na nagsalita.

"kumuha rin!! hahah!" natatawang sabi nya "pero isa lang! pero okay lang yun! atleast kumuha sya saken diba?"

Gustong gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko parin. nakikita ko kasi ang kalahateng muka ni Genry, naka upo sya katabe ng lamesa ng cashier nila.

"teka lang! ikwento mo buong nangyare! simula ng pagpasok mo!" kalmado kong utos sa kanya.

"pagpasok ko si Mallows agad bumungad saken.. mukang nagulat nga sya eh.. tapos hinanap ko si Donna kahit na nakikita ko na sya.."

"anung sabi mo?"

"ayon sabi ko sa kanya.. andyan ba si Donna? tumango sya tas dumungaw na si Donna tas si Donna na kinausap ko.. tapos sya nagcecell phone! sabi ko kay Donna kung gusto nya kumuha ng leche plan.. magkanu daw sabi ko agad utang naman.."

"sinabi mo bang kayo rin nagbabagsak sa Chow King?"

"yun nga ang hindi ko nasabi eh! kasi sabi nya agad dalawa daw sa kanya"

"bilis naman.."

"oo  nga eh! tapos sabi nya kay Genry.. kaw Gen kuha kana rin tas ayun isa daw sakanya.. mukang napilitan nga lang eh..

tapos eto pa! sinulat ko name ni Donna nilagay ko two(2) tapos yung name na nya ilalagay ko sinulat ko G-E-N-R-I ang spell tas pinakita ko sa kanya sabi ko ganito ba Genry mo? tiningnan nya tas sabi nya sige okay na yan!"

At hindi ko na napigilan matawa sa kwento nya.

"sa isip isip ko! gegu! ako pa lolokohin mo alam ko kaya pangalan mo gusto mo pati apelyedo mo pa ehh! minali ko na lang talaga para di nya isipin na alam ko Facebook nya!" nakakatuwang kwento ni Coleen.

Tingin ko bumalik na uli ang tandem namen ni Coleen sa pagii- stalk kay Genry.

Mahaba haba ang Mall Hour ngayong December.. mahaba haba rin ang oras na makikita ko si Genry! Excited na ako for the Holiday seasons! Tanggapin ko kaya ang hamon ni Coleen na pagsingil kina Genry? Ngayon palang magiipon na ako ng lakas ng loob para magawa yun..

    ×××××××××××××××××××××××××××××××

Hi! Feel free to comment!

And if you like my story don't  hesitate to press the "vote" button.

Thank you with sweet Leche Plan ^_^

#stalkerproblemBasahin ang storyang ito ng LIBRE!