Chapter Fifty-One

4.4K 75 28

Matt’s POV

May inupload si Christine. Picture nina Matthew at ni Allisha. Nakayakap si Matthew kay Allisha. Tinuturuan niya ata magbasketball. Sa SM Manila ito ah? Kailan kaya ito? Ngayon lang ata ito.

Christine Peralta

Dongsaeng, yieeeeeee~ Landi mo! :p NakakaOP dito ha.

Hahaha. Pero, huhuhu. Makacomment nga.

Rupert Matthew Catanghal Manalili: Naks. Ang sweet. OTP na! <3

Nag-off na muna ako sa Facebook at nanonood na lang ng TV. Nairita ako. Nairita na naman ako. Bakit ba kasi bumalik ang Matthew na yun? Palagi na lang may bumabalik na past. Palagi na lang may sagabal. Palagi na lang. For once, pwede ang present lang ang pumapel? For once, pwede ang future na lang ang pumapel?

“Bakit nakasimangot ka diyan?” Tumabi si Lyssa habang kumakain ng ice cream. “Seryoso masyado.”

“Wala.” Sagot ko.“May ice cream?”

“Ay. Hindi halata. Cake kasi ito eh noh.” Pilosopo naman nito. Nagtatanong lang naman. “Gusto mo?”

“Sige, kukuha lang ako.” Tumayo na ako, kumuha ng isang cornetto, at bumalik sa inuupuan ko kanina.

“Ano problema mo?” Problema agad? “Share ka naman diyan!”

“Ehh.” Ayoko nga. Siguradong aasarin mo ko.

“Ito ba?” Pinakita niya ang picture ni Matthew at Allisha. Sinave niya?

“Tago mo nga ‘yan.” Sandali ko lang tinignan ang picture. Buti nga kaya ko pang tignan ‘yun. “Panira araw.”

“Nagseselos si Kuya Matt!!” Asar niya.

Sino ba hindi maaasar? Akala ko kasi special ako. Nag-assume lang pala ako. Kahit kanino pala ginagawa niya ‘yun,, hindi lang sa akin. Ayan ang problema ng karamihan sa atin. Nahuhulog tayo kasi akala natin special ang relationship natin sa kanila. Yun pala ay sadya lang silang ganun. Nahuhulog tayo sa mga akala. Baka nga, akala ko lang mahal ko siya, pero hindi.

“Ikaw ba hindi magseselos?” Sabi ko.  Kung yung mahal mo kaya ang may kayakap diyan, hindi ka magseselos?

“Alam mo, ang pag-ibig ay parang ice cream. Masarap habang malamig pa o bago, pero kapag tumagal na at dumating na si Mr. Init ay matutunaw na. Kaya ‘wag ka na maghintay na tuluyang matunaw ‘yun. Habang medyo buo pa, gawin mo na.” Sagot niya. Bakit sa ice cream pa talaga kinompare?

“Baka layuan niya ako.” Ayoko siyang lumayo.

“Hindi ba halata na gusto ka rin niya?” Hindi po. “Kuya Matt! Gwapo ka, matangkad, cute, at maraming babaeng nagkakandarap sa iyo. Hindi mo ba naisip na may possibility na gusto ka niya?” Ayoko na mag-assume. Baka masaktan lang ulit ako.

“Oo nga, gwapo nga, matangkad, cute, pero ayaw kong magustuhan niya ako dahil sa physical characteristics ko. I want her to love me for me.” Paano kapag tumanda na at hindi na ako gwapo? Hindi niya na ako magugustuhan?

“Hindi pa kasi ako tapos. Mabait ka, sweet, matalino, caring, mapagmahal, at kung anu-ano pa. Loving someone is also the same as accepting them. Lahat naman tayo may flaws eh. No one is perfect, no one could ever be perfect. There is a big gap between love and like. Alam mo ‘yan.” Iba nga ang like sa love, pero may connection sila. Hindi mo naman agad-agad minamahal ang isang tao. Nagugustuhan mo muna sila bago mo minamahal.“Kaming mga matitinong babae, hindi agad namin inaamin ang feelings. Paano kapag hindi pala kami gusto? Paano kapag hindi pala kami mahal? Kami na naman masasaktan? Ang daya niyo nga eh. Sa mga lalaki, ang dali lang manakit ng babae.”

It Started With A ReplyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!