For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

ACACIA (puso ng kapre)

549 23 12

"Hoy pandak..."

Sabay bato sakin ng bata ng maliit na bato

"Ahhh pandak...pandak pandak...ahhh hahahaha...."

Tuloy tuloy na panunukso sakin habang tumatawa.....

At pagtingin ko ay napapalibutan na ako ng mga batang walang ginawa kundi ang tuksuhin ako..

Dahil ba sa maliit ako ay wala na akong karapatan na makipag laro?

Dahil ba sa bata pa ako kaya ako nalang ang lagi nilang napag didiskitahan?

Laging tinutukso?

Laging inaaway??

"Dun ka na nga lang sa gilid.... wag ka nang sumali samin... ang liit liit mo tapos gusto mo samin sumali....dun kana alis"

Sigaw nung isang bata na kalaro ko kanina..

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang umalis dahil ayaw naman nila akong kalaro..

Kaya eto nanaman ako mag isa...

Nakaupo sa isang sulok habang nanonood sa ibang bata habang naglalaro ng patintero..

Mag gagabi na at makulimlim ang langit.. biglang lumamig ang hangin itinukod ko ang kamay ko sa lupa.. nang may bigla akong naramdaman sa kamay ko na medyo malamig...

Pag tingin ko ay mga maliliit na kabute nasira dahil sa pagkakadagan ng kamay ko.

Pag lingon ko ay may malaking puno ng acasia na may butas sa gitna na hugis pusod na pag tinignan mo ay parang lalagyan ng kung ano...

Tumayo ako ng dahan dahan at lumapit sa acasia.. inakyat ko ng kaunti ang mga ugat ng acasia na naka angat sa lupa at sinilip ko ang loob ng butas ngunit wala naman akong nakita..

At bigla nalang akong walang matandaan..

Kinabukasan nagising ako sa pag uusap ng dalawang matanda...

Lola ko at kapitbahay namin..

"Ano ba ang nangyari sa apo mo?" Tanong ngbisang matanda.

"Ay nako bigla nalang umuwi kahapon ang itim itim ng kamay parang may mga balahibong maliit na pinong pino parang balahibo ng hayop." Sagot ng lola ko..

"Oh e, ano daw ang nangyari?" Tanong ulit ng matanda..

"Ay ewan.... tinatanong namin kahapon e hindi naman sumasagot"

Sagot ng lola ko..

"Eh anong ginawa nyo?" Usisa ulit ng matanda.

"E di dinala namin kay nana saning at ipinatawas.." sagot uli ng lola ko

"Oh e ano daw sabi ng tawas?" Muli nanamang tanong ng matanda..

"Ayun na kapre daw.. yan oh dyan sa puno ng acasia" sabay nguso ng lola ko sa puno sa likod ng kausap.

At lumingon naman ang matanda.

"Panong na kapre?" Tanong nanamam ng matanda..

"Nilusot daw ng bata yung kamay nya dun sa butas ng acasia.. e andun daw pala ang puso ng kapre.. "sagot ulit ng lola ko..

"Oh tapos,?"

"Ayun nagalit daw ang kapre dahil akala nya kukunin nung bata yung puso nya.." lola ko.

"Eh anong ginawa nyo?"

"Ayun yung tatay nya nag atang dun sa puno at nagsaboy ng asin at naki usap na tigilan na si tonton...

Hindi ko na pinansin yung mga narinig ko dahil bata pa ako noon pero tumatak sa isip ko...

Ikaw gusto mo bang kunin ang puso ng kapre??

,__________,
Hi there if you have stories to tell please don't hesitate to share with us..

Yaoski.adr@gmail.com

KILABOTBasahin ang storyang ito ng LIBRE!