Setenta y uno

402 3 0

Bumangon ako upang magpalit ng boxer. Nilabhan ko agad ito at isinampay. Pagkatapos, nilaro ko ang aking alaga. Nararamdaman ko ang pagtamlay nito kaya pinilit kong patigasin.

Bigo ako. Hindi ito tumigas at humaba gaya ng dati. Nakakalungkot.

Sa sobrang stress, hindi ko magawang maglinis ng bahay. Nahiga lang ako sa sofa. Hindi ako dating ganito. Pinanghina ako ng tulo na dumapo sa akin. Naiisip ko tuloy kung sino sa mga naka-sex ko ang nanghawa sa akin.

Pinilit kong matulog sa gitna ng pagbulwak ng nana sa ari ko ngunit bigo ako. Maya-maya, nag-ring ang cellphone ko. Tumawag si Jake. Pupuntahan daw niya ako. Tamang-tama. Nagpabili ako ng buko.

Pagkababa ko ng tawag ni Jake, saka namang tumawag si Paolo. Pupunta daw siya para magdala ng pagkain. Okay, ang sabi ko.

Hindi pala sila magkapareho ng oras ni Lianne. Magkaiba sila ng hospital na dyinu-duty-han. Kaya pala, malimit na silang magkasama.

Naunang dumating si Paulo. Andami niyang dalang grocories. Alagang-alaga din niya si Lianne. Palibhasa mayaman siya kaya kayang-kayang niyang suportahan ng pagkain ang kaibigan.

Akala ko ay aalis agad siya. Hindi pala. Nag-usisa pa siya tungkol sa pag-stay ko sa bahay.

"Nag-leave ako. Nilalakad ko kasi ang mga papeles ko para makasakay ako." Napaniwala ko naman yata siya.

"Mabuti 'yan! Mas maganda kapag nakasakay kumpara sa pagiging call center agent."

Ngumiti lang ako. Siya naman ay tumungo sa kusina at inayos ang mga dalang pagkain at groceries.

Ilang sandali pa, dumating naman si Jake. Nagkagulatan sila ni Paulo. Mabuti na lang mabilis mag-isip si Jake.

"May dumaang buko vendor d'yan sa labas mo. Isa lang ang nabili ko. Wala daw siyang barya sa isanglibo. O, Kuya Hector, sa'yo na lang 'to."

"Ako wala?" si Paulo. Nagbibiro pero tila nang-aakit ang tinig. Lumapit pa siya kay Jake. Ngumiti lang ang kaibigan ko. "Mabuti napadalaw ka. Ikaw talaga ang sadya ko dito."

Napatawa kami ni Jake. "Pinapunta ko talaga siya dito para sa'yo. Binata yan!"

"Ay, talaga!? Like. Salamat, Hector! Lika nga dito, Jake. Ako nga pala si Paula. Kung akin ka magdididikit, magiging prinsepe ka. Huwag ka 'dun sa kaibigan mong mas macho pa sa'yo.."

Napakamot lang si Jake at napangiti. Di alam ang gagawin at sasabihin. Nakahilahid na sa kanya si Paulo. Noon ko lang din nakitang gumanon siya.

a

Hijo De PutaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!