"Story behind Daisy" (Part 3)

23 1 0

"Daisy!!!"

Kanina ko pa tinatawag si daisy pero hindi parin to sumasagot at tinetext ko siya pero wala paring reply galing sa kanya.Nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita......

"Iho....dipa umuuwi si daisy"kapit bahay ni daisy

"Ganun po ba?mmmmmmm.......sige po .....salamat po"

"Walang anuman"

Umalis na ako sa harap ng bahay nila daisy.Iniisip kong saan naman pumunta si daisy at bakit hindi pa siya umuuwi.Naglakad lakad ako at iniisip kong saan siya nagpunta.

"Nasa school pa kaya siya?..........pero anu naman gagawin niya dun?.....baka....."bulong ko sa sarili ko

Pero naiisip ko baka andun lang siya.Nagmamadali akong pumunta ng park at nakita ko nga siya dun.

Nakita ko si daisy na nasa swing at nakatingin ng malayo.Kinalabit ko siya at lumingon naman sakin.

"Ang lalim ng iniisip mo ahh"

Hindi siya umimik at tumingin lang ng malayo.

"Bakit hindi kapa umuuwi?"

Tiningnan niya ako ng masama at nagsalita

"E bakit kaba nandito diba dapat umuwi kana rin?"

"Hala???tama ba yon sagutin mo ako ng tanong din edi hindi na tayo nagkaintindihan."

"Tama ba yon tanungin mo ulit ako e kakatanung mo lang?"tinitingnan parin ako ng masama ni daisy

"Oo,sige na mali na ako"umiwas ako ng tingin sa kanya

"Buti alam mo"

"Meron kaba ngayon?"

Tumingin siya sakin na parang nagtataka

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Wala lang kasi parang ang sungit sungit mo lagi"

Matagal bago siya sumagot

"So-"

"Wag kana magsorry naiintindihan kita daisy bakit kasi pinaalala kopa sayo saka ginatungan ko pa kanina kaya sorry talaga"pinutol ko si daisy sa pagsasalita

"Gian?"

"Ohh??bakit?"

Tiningnan ko siya at nakatingin ito sa malayo pero ang makikita mo lang ay ang mga tricycle na dumadaan.

"Kung may chance kang bumalik sa past para ayusin ang present ano yun at bakit?"

"Mmmmmmm"nagisip muna ako bago sumagot

"Para sakin babalik ako sa past hindi para ayusin ang present"

"E bat kapa babalik?"

"Para..."ngumiti muna ako kay daisy "balikan ang araw na nakilala kita"

"Corny naman ng sagot mo!!!"umiwas siya ng tinggin sakin

"Ikaw naman sumagot"

"Siguro babalik ako sa past para pigilan ko si papa na makilala si mama"

"Haaa? Bakit naman?"

"Para............hindi ko na araw araw naririnig si mama na umiiyak..........dahil kay papa"

"Alam mo ba na kapag hindi nagkatuluyan ang papa at mama mo e hindi ka mabubuo?"

"Oo naman"tumingin siya sakin

"Pinagsisihan mo ba na sinilang ka?"tiningnan ko siya sa kanyang mga mata

"Oo!!!"

Huminga ako ng malalim

PUSONG BIGOBasahin ang storyang ito ng LIBRE!