For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Sana hindi waley and update na 'to.

Silent readers VOTE ANG COMMENT naman oh!

Part 16 :

"Rex?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa mismong taong nakabanggaan ko dito sa corridor. 

Inaabot naman niya ang kanyang kamay para tulungan ako sa pagtayo. 

"Hi Jane. Nagkita ulit tayo. Nga pala sorry kasi hindi na kita napansin kanina. Hinahanap ko kasi 'yung  next classroom ko." Sabi ni Rex sa akin ng makatayo na ako ng maayos.  Gaya ng dati, andun nanaman ang pamatay niyang ngiti.

Bigla ko naman naalala 'yung nangyari sa party. Hindi pa pala ako nakahingi ng pasesnya sa kanya.

"So, estudyante ka talaga dito?" Akala ko kasi bisita lang siya ng isang estudyante sa event. "Ah Rex. Pasensya na pala last time at sorry din kasi nagmamadali ako di rin tuloy kita napansin." 

"Sa party? Wala 'yun, naintidan ko naman. and yes, estudyante ako dito. Actually, transferee lang ako. Kaya medyo nawawala ako. Malaki masyado itong school niyo. "

Ngumiti naman ako kahit medyo alanganin."Kaya pala. Buti nakahabol ka pa. Medyo late na rin para sa transferee."

Napakamot naman ito ng ulo. "Swerte lang siguro ako at nagawan ng paraan." Syempre may kasama nanamang ngiti 'yung mga sinabi niya.

"Akin na nga 'yung sched mo. Tulungan kita hanapin 'yung next classroom mo." 

"Blessing in disguise din pala na nabangga kita dito, hindi na ako mahihirapan. " 

"Bawi ko na sa'yo 'to sa tulong mo noong nakaraang event." Nakangiting sabi ko sakanya. Pero hindi kagaya kanina, pilit na ngiti ang nakikita ko sa mukha niya. May nasabi ba ako? 

"Ito pala 'yung sched ko, Jane" 

Inabot ko naman 'yung sced form niya para tingnan. "Classmates pala tayo ngayon eh. Dalawang subjects nga lang. Ngayon tapos bukas 'yung isa."

"Really? Wow! Swerte ko talaga." Ang bilis magbago ng mood nito. Ngayon ngiting ngiti naman. Para siyang batang nabigyan ng candy. Nakakatuwa.

"Anong pang hinihintay natin, tara na.Pagalitan pa tayo pag nalate." Bago pa ito makasagot hinila ko na siya sa next class namin. 

Maingay at magulong classroom ang naabutan namin ni Rex. Napangiti nalang ako sa itsura ng classroom namin ngayon. Daig pa namin ang elementary sa mga kaguluhan dito. Tiningnan ko naman si Rex na medyo nagkaroon ata ng schock. Kung kanina natutuwa ako sa kanya, ngayon natatawa na ako. Bad!

"Ayos ka lang Rex?" Natatawang sabi ko.

Behind Goodbyes (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!