Chapter 2

83 3 0

3rd day of school...

5 kaming magkakaibigang babae na magugulo, maiingay, kalog ang magkakasama nanaman sa corridor, naka-upo lang sa tapat ng room ng nakita ko na malayo palang si POPOY :) tumibok bigla yung heart heart ko! WHY? Lagi ko naman syang kasama ahh? Di kaya... Hindi, di pwede 'to. Bestfriend lang kami, Bestfriend lang. HAHAHAHAHAHEHEHIHIHUHUHUHU :'>

Tinawag na ko.. "POY!" yie <3 Tawagan parin namin yung tawag nya sakin kahit in public :""""">

"Bakit popoy?" 

"Namiss kita" sabi nya sabay hug sakin! inaamoy pa leeg ko. SHET :' ] Na-speechless ako dun ahh.

"Namiss din kita" bulong ko.

Tae, ang tagal nya 'kong niyakap.. Para na kaming sumasayaw kasi ikot-ikutan kami haha! Putspa, kinikilig na yung mga tao sa paligid ko eh. Ang daming tao!! Kasama nya din yung mga kaibigan nyang may mga itsura na famous. Pare-parehas silang hearthrob, pogi, talented at magaling mag-basketball. Ang daming nakatingin samin nun! Inggit much! hahahahahaha k

Pag-alis nya sa pag yakap sakin, kiniss nya 'ko sa noo sabay sabi.. "Sabay tayo mamaya umuwi poy ha! Baka mauna-una ka nanaman!" 

"Oo poy. Sus malaki na ko" sabi ko

"Malaki? Malaki lang suso mo pero isip bata ka parin" sabi nya sabay takbo

"Pta ka! HAHAHAHAHAHAHA BASTOS!" sigaw ko sakanya

Pag-lingon ko sa mga kaibigan ko... "KAYO NA?" sabay na sabay nilang tanong.. Natawa nalang ako sabay sigaw "BESTFRIEND!!" "Aw!! BESTFRIEND LANG PALA!" pang-aasar nilang lahat! Ganyan naman yan eh, ang sakit kaya :( HAHAHAHA joke. JOKE!

Ang daming nagtatanong kung kami na ba ni Jash, kung ka-ano ano ko sya.. BESTFRIEND NGA! BESTFRIEND.

Nung uwian.. Hinanap-hanap ko sya kaso di ko sya nahanap.. Naghintay sa gate.. WALA! kaya umuwi na 'ko. Naglakad lang ako papuntang simbahan, 10 pesos kasi bayad eh. Sayang 10 haha! Pag-dating sa simbahan, lakad uli papuntang sakayan sa bayan! Malayo pa naman :( Kapagod. 

3:30pm ang uwian at 4:30 ako nakauwi. Grabe, isang oras. HAHA! Medyo malayo kasi bahay namin eh..

Pagbaba ng tricycle, nagpa-load. Shet! Umulan pa! takbo sa bahay tapos register.. GM..

Just got home from school, raining agaaaaaain :( so tired! haha! hi, text? xx

Ang daming nag-reply.. Mga friends ko rin naman. Di nag-reply si crush! Yung mr. intrams namin :) Ang gwapo nya, promise. Ang puti, may dimples, HOT! bulol pa sa "S" ay hihihihihi 

Pumikit ako at nag-flashback nung hiningi ko number ni crush :"> si RAVEN!

"RAVEN! SELFIE TAYO DALI!" sabi ko sakanya, gusto ko kasing magka-pic sakanya :""""""> kaming lima parin ang magkakasama. Pinagkakaguluhan namin sya hihi 

"Mamaya na tanya, Lp tayo mamaya!" sabi nya sakin.. Nagka-tinginan kami! Sobrang nagulat kami! HAHAHA tapos umalis na sya.

"LP? LAPLAPAN?" tanong namin sa isa't-isa

"TANGA! SELFIE! BULOL NGA YUN SA "S" DIBA? HAHAHAHA" sabi ni Ella. Tawanan kami! Nagulat kami sa sinabi nya kasi mabait kasi yun eh, walang pahid ng libog sa katawan yun eh, konti lang ata.

Maya-maya.. Nakasalubong namin sya at nag LP na kami :""""""> Selfie! selfie! tapos hiningi ko na number nya. ;) Kapal ko 'no? Hihihi tapos biglang..

"TANYA!!!" sigaw ni Jash sa bintana. Magka-tapat lang kami ng bintana sa kwarto eh.. Pilit akong tumayo at binuksan ang bintana..

"Bakit poy?" tanong ko

"Diba sabi ko sumabay ka sakin! Hays! Wala na! Tampo na ko talaga"

"Hinanap kita tsaka hinintay! Wala ka kaya naglakad nalang ako papuntang sakayan"

"Tignan mo! Ang layo-layo nun! Ang init pa! Tsk! Lagot ka sakin bukas! Tulog ka na! 8:00pm na"

"Opo"

Sabay sarado ng bintana. HALAAAA! Sermon nanaman ako neto kay popoy! Makatulog na nga.

Me & My BoybestfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!