For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 33 - Want to know my cousin?


Jonathan Eric's POV


"Oh! Umaano ka rito?"


"Masama na bang pumunta ngayon dito? Na saan si Key?" at tinuro ko naman ang kwarto ni Key at nagsimula na siyang umakyat para pumunta sa kwarto ni Kiana "Mag-ingat ka, mainit ulo n'yan..." pagwa-warning ko sa kanya.


"Sa'yo lang..."


"Kuya AAALLLEEEXXX!!!" parang gumuho ang mundo ko sa sigaw na 'yun ah!

Sino nga ba si Alexander Jade Fernandez Lopez?


He is my cousin. My worst cousin. Sa lahat ng naging pinsan ko siya ang lagi kong nakakabunggo. CASANOVA VS. CASANOVA COUSIN VS. COUSIN... Hindi kami ganoong ka-close.


Sa babae kami ang magkalaban, sa kapatid ko, sa kaibigan ko, halos lahat na lang... Halos lahat kami ang magkalaban, kung akala niyo mabait 'yan... Nasa tao 'yun kung maganda ba ang pakikisama sa kanya.


"Huy! Teka nga lang! Bakit kapag kay Alex—?!" sabi ko kay Kiana. Hindi niya lang ako pinansin at pinapasok na si Alex sa kwarto niya.


Kuya rin kasi ang tingin ni Kiana kay Alex. Natatandaan ko pa noong sinabi sa'kin ni Key na hindi na lang raw ako dapat ang naging kapatid niya, sana si Alex na lang ang naging kapatid niya at hindi ako, mga salitang sumampal sa'kin... sarili kong kapatid, ipinagtabuyan ako...


Halos na lang lahat iniiwan ako at ipinagpapalit kay Alex. Si Kiana na ayaw na sa'kin, kay Sean na kaibigan niya rin pala noon pa man at kay Zylee na... na... na... na— teka nga lang! BAKIT NADAMAY SI ZYLEE?!


Nways, back to the topic balik tayo kay Alex...


Sabi nila mabait raw si Alex na wala ako dahil napakasungit ko DAW? Caring rin na wala na naman DAW ako. Masipag mag-aral na wala DAW ako. Hindi palaaway na hindi katulad kong basagulero.


To think na lagi kasi siyang ikinukumpara sa'kin...


Kahit mga magulang ko... sa kanya pa rin ang boto.


Everytime I think of him... ayaw ko ng mabuhay. Lahat na lang ng tao siya ang gusto! GUSTONG MAKASAMA! Niisang tao, wala na atang kumampi pa sa akin!


Well, wala eh ¯\_(ツ)_/¯ siya na lang lagi! Ito ang buhay ko, wala na tayong magagawa... ang buhay kong lagi na lang siya ang mangunguna. At isa pa, talagang parte na siya ng buhay ko simula pa ng ipanganak ako!


"Tignan mo si Alex, ang galing!"


"Dapat si Alex gayahin mo!"


"Tularan mo naman si Alex!"


"Si Alex dapat ang iniidolo mo!"


"Sana si Alex na lang at hindi ikaw!"


LAGI NA LANG! Nabibinge na ako! Siya na lang lagi!


EH PAREHAS LANG DIN NAMAN KAMENG MANLOLOKO! Anong namang pinagkaiba namin?! EH NANDUDUROG DIN NAMANG SIYA NG PUSO NG BABAE katulad ko! So how come that he's not the same like me?!


Bakit ba ang unfair ng buhay?! Ako ang kasa-kasama nila pero si Alex ang hinahanap nila? Kung umalis kaya ako ng matapos na 'to! Pero hindi rin eh!


Kung hindi lalo lamang nila akong ikukumpara sa kanya!


Oo! Aaminin ko! Mabait nga siya, matalino, masipag, mayaman all in allIDEAL TYPE ng mga babae PERO ang masaklap sa lahat ng 'yun, hindi niya kayang magmahal ng totoo sa mga babaeng nakakasama niya. Kaya na rin siguro siya naging babaero dahil sa naghahanap? OR ang hinahanap niya ay si —? Pero bakit nga ba? Si Key minamahal naman niya...


Ooopppsss... Galit nga pala siya sa mga babae... WHY? His Mom have another family, I forgot. Kaya nga diba itinuring ang angkan namin na pamilya ng mga casanova?


Gusto ko ng tumakas sa ganitong buhay...


Alex is everywhere in my life...


- - - - - - - - - - - - - - —


A/N: Mga hinanakit lang naman ni Jonathan sa buhay 'to xD HAHAHA pagpasensyahin niyo na.

I'll Wait For You (On Going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!