The Epal Note :

 Dedicated to OneMai :) 

FEEL FREE TO READ.VOTE.COMMENT AND FOLLOW THANKS :* ♥

Enjoooooy Peopleeeeees ♥

-Lelera.<3

******************************************************************************************************

Chapter 24 ~ Thosetimes ~

-Dexter Pov-

Malawak, malaki , maayos, maganda yan lang ang masasabi ko sa condo ni Ranlei, kapapasok palang namin pero manghang mangha na kami, lalo na ang mga babae syempre maliban kay Dennice, girlfriend  ee malamang ilang beses na nakapunta yan dito. Nabaling ang atensyon ko kay Dennice na pumasok sa kitchen, marahil ay iinom o kukuha ng makakin nya? -____-

 Adik din tong Dennice na ito,  pagkatapos kasi ng usapan namin kanina, hindi na sya muling kumibo -____- ays talaga yung babaeng yun! Abnormal.

'4:12' basa ko sa oras, mabilis lang din pala ang byahe medyo maaga parin naman pala, kaya siguro hindi pa kami nag sisimula gumawa.

"By! tulog lang ako ah" Sigaw ni Dennice kay Ranlei na kasalukuyang na sa Cr. pumasok si Dennice sa Kwarto malamang Kwarto ni Ranlei iisa lang naman ang kwarto dito. Pero matutulog? wala ba syang balak gumawa ng Presentation? ano to porket group project di sya kikilos? aba unfair naman ata ito.

Lumabas si Ranlei ng naka Pambahay na .at yung damit na suot nya.. bahagya akong nangiti at inalala iyon.

-Flashback-

8 years ago..

"Happy Birthday Ranlei" Sigaw ko pagpasok ko ng kwarto nya dala ko yung regalo ko sakanya Isang Super duper malaking T-shirt Oo! sinadya ko na bumili ng oversized shirt para hanggang pag laki namin magamit nya. Ang galling ko no? :3

"Salamat, Dexter Bestfriend" sabay bukas ng regalo ko sa kanya

"Bakit naman ganto kalaki ito? hindi kasya saakin parang pang 18 years old na to eh! 10 palang kaya ako" inis na inis sya noon dahil ang ganda daw ng Design pero hindi nya masusuot ,Until he reaches 18 years of age.

"syempre para kahit hindi na tayo magkita pag malalaki na tayo, maalala mo ko kasi binigyan kita ng Transformers na damit" sabi ko dito ngumiti sya saakin ng may lungkot sa mga mga mata at tsaka muling nagsalita

"Dexter, mag sstop daw ako ng pag aaral sabi ni mommy" maluha luha sya ng sinabi nya iyon saakin

"H-huh? bakit daw?"

"Nag away sila ni Daddy, gusto nya umalis muna kami at lumayo dito pupunta kaming states tapos hindi daw muna ako mag aaral" at tuluyan na syang umiyak

"Hayaan mo hindi din ako mag aaral para pag uwi mo, sabay tayo mag aaral at classmates parin tayo" Ganyan kami ni Ranlei dati Bestfriends kami. Actually para na nga kaming magkapatid eh

"Huh? paano Dex?" tanong nya ngumiti ako sakanya

"basta gagawin ko ang lahat para sabay parin tayo"

"Salamat bestfriend"

at ganun na nga binagsak ko lahat ng subjects ko para mag repeat ng magrepeat hinintay ko sya hanggang sa makauwi sya.. ng makauwi sya tsaka lang ako nag seryoso ng pagaaral 14 years old na kami nung mga panahon yun.

Courting Ms. Mayabang [On-Going]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!