Ika-60 na Kabanata- Wakas

Magsimula sa umpisa

"Hija. Yan ba ang pinagawayan niyo ni Rob?" tanong sa akin ni Daddy.

Ang tagal ko ring hindi nakasagot dahil naiisip ko ang mga pangyayari sa paguusap namin si Rob. Ang sakit isipin na ayaw niya akong paniwalaan. Mas pinili pa niya yung nagsabi. Pero alam kong maniniwala rin siya sa pag-uusap namin ngayong umaga.

HALA!! Kailangan ko pang makausap si Rob. Maguusap pa kami...... Paano ito?

Agad akong nataranta... Hindi ko alam paano makakaalis..

"Kailangan ko po siyang makausap.! Daddy patawagan naman po si Rob. Alam kong sasagutin niya tawag mo. Please po. Magpapaliwanag pa po ako sa kanya." halos maiyak na ako sa pagkataranta dahil baka mangyari yung nasa panaginip ko.

Sinubukan na nilang tawagan si Rob ngunit out of reach daw.

HALA! Nasaan na ba ang lalaking iyon...?

"Jesse. Please calm down. Dont worry we will help you para paniwalaan ka ni Robert." sabi ni Daddy.

Wait? Ibig sabihin na naniniwala silang wala akong kasalanan?

"Daddy. Sana po maniwala kayo na wala akong kasalanan. Na hindi ako nagtaksil. Parang awa niyo na po." pagmamakaawa ko kay Daddy.

"Yes, we will believe you.. Just take a rest and calm yourself." pakikiusap sa akin ni Daddy. He looks really worried  Actually lahat sila.

"May pina-hire na akong investigator about this." he continued and smiled ate me.

Kahit may assurance na naniniwala sila sa akin ay hindi pa rin makampante ang aking kalooban. Pakiwari kong may isang mangyayaring masama sa susunod na oras.

Gusto ko na makita si Rob. Alam kong galit na galit siya sa akin. Pero alam ko ring may solution pa ito.

Ilang minuto po ang nakalipas ay lumapit si Daddy sa akin.

"Jesse hija. Magpahinga ka na muna ha? Ako na ang bahala kay Rob." binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Namiss ko tuloy si Rob. Parehas na parehas sila ng ngiti.

Hinagkan na ako ni Daddy at nagpaalam na para umuwi sa kanila. Hinatid naman nila Papa si Daddy. Ang naiwan na lang ay ako, si Boo at si Harvey.

Halos hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Parang may gusto silang sabihin sa akin na hindi nila masabi.

"May problema ba?"

Nakasalubong ang aking kilay. Sila naman ay nagkasulyapan.

Huminga muna ng malalim si Harvey bago magsalita.

"Magpahinga ka muna dito Lei. Bibili lamang ako ng makakain. Wag mo munang isipin ang mga bagay-bagay. Okay?" sambit niya sa akin habang ginugulo ang aking buhok.

Aish!

"Boo. Sasamahan ko si Harvey a. Please. Magpahinga kana. Everything will be alright." binigyan  niya ako ng halik sa pisngi. Ang sweet talaga ng Girl best friend ko. Napatango na lang ako bilang sagot.

Nang makaalis silang dalawa nahiga na lang ako at nagbalik tanaw ako sa mga pangyayaring naganap sa buhay ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa napakasama kong nagawa kahit alam kong wala akong kasalanan. Dahil doon hindi ako pinaniniwalaan ni Rob. Nariyan na pinagsalitaan pa ako at ng pamilya ko ng masama. At higit sa lahat, ng malaman kong may sakit si Mama na malubha.

Pakiramdam na parang may sumabog sa dibdib ko na bomba. Ang sakit. Sobrang sakit.

Ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin ang mga bestfriends ko. Kaya naman bilang libangan at makalimutan sandali ang aking kalungkutan ay naglaro muna ako ng 2048 sa phone ko hanggang sa may nareceive akong message.

From: 0917*******

You're such a pitiful lady. Shame on you! He doesnt deserve your love. And Im thankful that you're losing him. He's not coming back. He's gone. Maybe he'll come back not because he still loves you but he wants to revenge on you. Hahahahhahaha... YOU DESERVE TO SUFFER!!!.. Better to ready yourself girl. Don't bother him.

Nakatulala ako habang nakatitig sa mensaheng natanggap. Bumuhos na naman ang mga luhang akala ko ay naubos na at natuyo na. Ngunit hindi ko na napigilan.

He's not coming back.

He's gone.

Maybe he'll come back not because he still loves you but he wants to revenge on you.

YOU DESERVE TO SUFFER!!!..

Mga pangungusap na paulit-ulit na pinoproseso ng aking utak.

Hindi naman totoo ito diba?

Hindi niya ako iiwan.. Maguusap pa kami diba?

Pero paano kung totoong umalis na siya? Kakayanin ko ba?

Iniisip ko pa lang parang gugustuhin ko pang ako na lang sana ang naghirap sa sakit ni Mama at hintayin na lang ang aking kamatayan. Nang sa ganun ay mawala na lahat ng guilt at paghihirap dito.

Ganito ba talaga sa ang mararamdaman sa Pag-ibig. Kailangan ko munang masaktan at mawalan ng tiwala bago mo mahanap ang tunay na pag-ibig?

Kung maibabalik ko lang ang panahon.

Kung sana nalaman ko lang na mapapahamak lang ako sa pagsama sa bar dahil wala naman talaga akong alam doon ay hindi na ako sumama.

Kung matagal ko lang nalaman ang tungkol sa dahilan ng fix marriage na to ay sana hindi na rin namin pagaawayan na magasawa ito

Kung nalaman ko lang ng mas maaga na si Kuyang naggigitara at si Rob ay iisa sana nagpakilala na ako sa kanya at hindi na siya binitawan.

Higit sa lahat!!

Sana yung tiwala ay hindi basta-basta nawawala bigla na parang bula. Para sana hanggang ngayon maayos parin ang relasyon namin ni Rob.

Ngunit alam kong may purpose ang Diyos sa buhay ko kung bakit niya binigay ang lahat ng problemang ito. Kahit mahirap dahil alam kong malalagpasan ko ito.

Ang tanging hiling ko lamang sa Diyos ay.....

Sana wag akong iwan ni Rob mag-isa... Diyos ko nagmamakaawa akong maniwala sa akin si Rob. Pangakong magiging mabuting asawa ako sa kanya at mamahalin ko siya habang buhay.....

Mark Robert Araneta..... Mahal na mahal kita... Minsan lang dahil ito ay MAGPAKAILANMAN.

------Wakas-------

Halooooo guys!!!!... This is it pansit! Yehey. Tapos na ang book 1. Sana patuloy niyo pong subaybayan ang Book 2.

Thanks Guys!!! Mahal ko kayo. God bless everyone. Please Vote and Comment. <3

(~^___^~)

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!