Ika-60 na Kabanata- Wakas

296 5 2

Jesse

"ROB!! WAG MO AKONG IWAN! MAHAL NA MAHAL KITA! PLEASE.. MANIWALA KA SA AKIN..."

iyak ako ng iyak habang hinahabol si Rob. Ngunit lumalayo siya sa akin. Palayo ng palayo hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

WALA NA SIYA!. INIWAN NA NIYA AKO. Hindi na niya ako mahal..

Hindi na niya ako mahal..

Hindi na niya ako mahal..

Hindi na niya ako mahal..

"ROB!!!" sigaw ko ng malakas upang

tawagin siya.

Halos hinahabol ko na ang paghinga ko. Napahawak ako sa aking dibdib habang umuupo mula sa pagkakahiga.

"Lei..."

"Jesse..."

tawag sa akin nila Harvey at Jasmine. Mga hindi maipinta ang kanilang mg mukha. Masaya ba o sobrang nagaaalala.

Nasaan ba ako???

"Okay ka lang ba Lei?" nagaalalang tanong sa akin ni Harvey.

"God. Thank You. Okay na si Boo.!" nagtatatalon sa tuwa si Jasmine. Mukhang baliw lang.

Bakit parang hindi ko naman kwarto ito?

Tuluyang nasagot ang aking katanungan ng maramdaman kong mabigat at kumirot ang kanang kamay ko.

Nasa ospital ako. Naka-confine din ako?

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa na si Papa, Ate sophie, kuya Kiel at si Daddy.

Sa pagkakataon na ito, naaalala ko na.

Nahimatay ako sa sobrang pagod sa mga nalaman ko at sa pagkamuhi ni Rob..

Teka, nasaan si Rob?

"Pa! Si Rob?!" bulalas ko kaagad kay Papa. Bigla ko na lang kasi naalala ang kaninang panaginip ko. Ayaw kong umalis siya sa piling ko..

Pero wala akong natanggap na sagot mula kay Papa. Tinignan ko silang lahay isa-isa pero sa tuwing nagkakatama ang paningin ay umiiwas agad sila.

May problema ba?

"Nasaan po siya?" ulit kong tanong.

"Hija, Okay ka na ba?" tanong sa akin ni Daddy ni Rob.

"Opo. S-sorry po Dad--" hindi ko na natapos dahil niyakap agad ako ni Papa.

Naalala ko lang kasi ang mga nangyari kagabi. Hindi ko naipaliwanag ang part ko.

"Jesse.. Bakit hindi mo sinabi sa amin ang nangyari sa iyo? Bakit mo itinago ang tungkol sa rapist mo?" tanong ni papa. Tumaas-baba ang kanyang mga balikat.

Alam na nila?

"Sorry Boo. Ako na nagsabi sa kanila." malungkot na sabi ni Jasmine. Siguro naaawa na siya sa akin.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!