NAME YOUR PRICE Part 3

57 0 0

   Tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Sasha kay Gregory. Dahil araw-araw niya itong nakakasama ay lumawig ang lihim niyang paghanga dito.

        Bagay na labis na pinoproblema ni Sasha. Maging sa sarili ay hindi niya maitatanggi na matindi na ang bumabangon na pagnanasa niya rito. Ibig na ibig na niya itong yakapin at halikan at angkinin kapag nagkakaharap silang dalawa.

      Kaya matinding pagpipigil at pagtitiis ang Kanyang dinaranas. Bagay na totoong parusa sa kanya dahil sa gabi ng Kanyang pag-iisa ay ito pa rin ang laman ng Kanyang isipan.

      May pagkakataong nayayakap na lang niya ang Kanyang sarili at ini-imagine niyang si Gregory ang Kanyang kayakap.

        "Gregory....! sabi niya nang bigla siyang napabangon sa pagkakahiga sa Kanyang kama. Malamig na malamig ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyong subalit nakapagtatakang pinagpapawisan siya.  "Nayakap niya ang sarili "Lord ano ba itong mararamdaman ko.

       Napilitan siyang bumangon at kinuha niya ang Kanyang roba. Plano niyang lumabas ng kuwarto at magtungo sa asotea.

      "Magpapalipas ako roon ng kahit konting sandali man lang.' bulong niya sa sarili. "Lilibangin ko lang ang aking sarili para maalis sa utak ko si Gregory.

      Kinuha niya ang Kanyang sigarilyo at lighter na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Saka nagtungo sa may pintuan. Dahil alas dose na iyong ng hating-gabi ay tahimik na ang buong mansion .

    Binuksan niya ang sliding door ng asotea. Sinalubong siya ng maalinsangan hangin. Naisip niyang Hindi siya magtatagal don kaya. Bigla na lang nagbago ang Kanyang isip na maglagi doon kaya nagtungo na lamang siya sa may swimming pool, na nasa may ibaba lang asotea.

    Nangunot ang Kanyang noo. Sino ang nag-dive sa swimming pool?

       "Shit!" nakadama siya ng inis kung sino man ang nandoon sa swimming pool, walang sinuman pwedeng maligo don hanggang wala siyang pahintulot.

       "Mabilis niyang inihakbang ang mga paa papalapit sa pasimano ng asotea. Tiim-bagang na itinuon niya ang dalawang kamay doon at tinanaw ang pangahas na nilalang na naliligo roon.

      Lalaki. Isang lalaking ang nakita niyang naliligo sa tubig. kitang-kita ni Sasha dahil may spotlight na nakatutok doon na sadyang pinabubuksan niya sa tuwing gabi.

        "S-sino ang lalaking iyong? bulong ni Sasha at bigla na lang siyang napalunok. Nayakap niya ang sarili dahil bigla na lang nag-init ang pakiramdam  nito. Maliwanag niya kasing nakikita na tanging brief lang ang suot ng lalaki nasa swimmimg pool. "Oh,God! He is so gorgeous!"

    "Lumakas ang kabog ng  Kanyang dibdib nang umahon na mula sa swimming pool ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Sasha ng makilala niya ang lalaki,"Gregory......?

      Nanuyo ang Kanyang lalamunan at halos mahulog ang eye ball niya sa pagkakamulagat. Higit pa siyang nakadama ng init ng katawan ng humiga si Gregory sa gilid ng pool.

      "Damn!' anas ni Sasha.

"Ang macho niya. Ang laki ng katawan Kapag nakahubad.......''

    Tula nagri-relax na inunan ni Gregory ang dalawang kamay. Dahil sa basa nga ang suot na brief ay bakat ang malaki nitong pagkalalaki. Mas lalong sumighi ang pagnanasa ni Sasha kay Gregory.

   Hinubad ni Sasha ang Suot nitong roba. Subalit wala iyong silbi at ni Hindi man lang nabawasan ang mararamdaman init.

      Dahil nga body consious si Sasha ay maganda pa rin ang hubog ng Kanyang katawan kahit trenta na siya. Idagdag pa na Hindi siya nagka-anak sa pinakasalang matandang lalaki Kaya di siya nalaspag.

   Ang totoo wala naman talaga  siyang pag-ibig sa asawa at hindi pagmamahal ang dahilan Kaya siya nagpatali sa matanda. Kundi pera naramdaman kasi niya na malapit ng mamamatay ang matanda Kaya pinakasalan na niya ito para ang kayamanan nito ay makukuha niya. Naging wais lang siya.

     Gayumpaman ay nires-peto  niya pa rin ito bilang asawa hindi siya nangaliwa at nagtaksil hanggang sa mamatay ang asawa niya matagal panahon na wala siyang lalaki sa buhay. Kaya nagtataka siya kung bakit ngayon ay nagnanasa siya sa isang lalaki. Na hindi niya kalevel na bukod sa bata ay driver lang niya!

  Hindi Kaya Mahal na niya ito?

Pls vote and comment :-)

sign out amaya_18

     

NAME YOUR PRICE  (One Shot Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!