For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

----------------------------------------------------------------------------------

        "Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran. Ngunit lagi ninyong tandaan na hindi ito ibibigay sa atin ng Diyos kong hindi niya alam na hindi natin ito malalampasan. Manalig lamang tayo sa Kanya at hindi Niya tayo pababayaan," iginala ni Mother Superior ang kanyang tingin sa mga batang mataman na nakikinig kanya. " Huwag rin nating kalimutan ngumiti at magpasalamat sa Kanya dahil sa kabila ng mga dagok na dumating sa ating buhay marami pa rin ang dapat nating ipasalamat at ikatuwa sa mga biyayang araw-araw na dumarating sa ating buhay. Huwag nating kalimutan mga bata na ---"

        "HABANG MAY BUHAY MAY PAG-ASA." masayang dugtong naman ng halos isandaang bata sa bahay-ampunang iyon rito.

         Agad namang napangiti ang butihing Madre.

        -----------------------

        Tahimik siyang naglalakad sa hallway para pumanta sa library ng ampunang iyon. Ang lugar kung saan nagpapalipas siya ng kanyang oras at naging tambayan na niya simula ng mapunta siya sa lugar na iyon may tatlong linggo na ang nakakaraan.

        

        Katatapos lang nilang magtipon-tipon sa malaking auditorium. Once a week kasi ay nagkakaroon sila ng parang symposium at prayer meeting kasama halos isandaang mga batang gaya niya na naulila na, napulot sa lansangan o basta na lang iniwan roon ng kaniya-kaniyang mga magulang dahil walang maipakain at di na binalikan pa, sa mga madre sa ampunan. Halos kalahating araw din silang nakaupo roon, sumakit na nga ang puwit niya e kulang na lang eh mabutas na ang inuupuan niya kanina sa kakaupo roon. Kaya naman ng matapos ang program ay nagsilaro at naghabulan na ang ilang mga bata. Siya naman ay mas piniling  mapag-isa kaya sa library agad ang punta niya.

        Napabuntong hininga siya.

        Mahigit tatlong linggo na siya rito pero naninibago pa rin siya sa paligid, sa bagong tahanan niya.

        Ang paligid lang niya ang nagbago. ang sakit at pighati na nararamdaman niya ay HINDI.

   

        Ang nangyari sa kanya ay sariwa pa. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Tila ban gongot. Bangongot na sana di nalang siya nagising. Sana...

        Di pa rin magbabago ang katutuhanang nag-iisa na lang siya ngayon sa buhay. Wala na sila. Wala na...

       

        Bakit kailangang mangyari iyon?

        Bakit sa kanya pa?

        Isang walong taong gulang na bata lang siya. 

       

        Umaamba ng tumulo ang kanyang mga luha. 

        "Bakit?"

        "ARAY--!!" napaupo siya sa sahig sa lakas ng pagkakabagga sa kanya.

        Napaiyak na siya at napahagulgol ng tuluyan. Kung sana ganito na lang ang sakit nararamdaman niya na mayamaya lang ay mawawala din at hindi iyong sakit na bumabalik, ginagambala siya at malalim aywan kung magagamot pa ng lilipas na panahon.

       Itinakip niya ng mga palad sa kanyang mukha at doon umiyak ng umiyak. Ang akalang tuyo nang mga mata dahil sa ilang araw na ding pagiyak niya ay ito ngayong tila binuksang dam at walang tigil sa pag agos ang mga luha.

         Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman na lang niyang may lumapit sa kanya. Inalis nito ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya at dahan-dahan nitong pinunasan ang mga luha niya habang pinapatahan siya nito.

        Napatigil naman siya sa pagiyak.

        Maang naman siyang napatingin rito habang sisinghot-singhot pa, isang batang lalaki na marahil ay matanda lamang sa kanya ng isang taon ang nakatalungko sa harapan niya.

        Tipid itong ngumiti. Tila gumaan naman agad  ang pakiramdam niya.

        "I'm Sorry. Please don't Cry. "

        Ngumiti ito. Ngiting nagpagaan ng pakiramdam niya at nagpatibok ng bata niyang puso.

        Lub dub. Lub dub. Lub bud.

------------------------------------------------------
@QueenEllena14

Playful Fate (Hallway Love Story)Read this story for FREE!