NAME YOUR PRICE Part 1

78 1 0

       Hitit-buga ang ginagawa ni Sasha sa Kanyang sigarilyong nakaipit sa dalawa niyang daliri habang ang dalawang mga mata niya ay nakatoon sa guwapong bagong driver niya na si Gregory.  Nang umagang iyon . Habang ang binata naman ay abalang naglilinis ng Kanyang pinakabagong sport car

  

    "Gwapo ang batang 'to,''bulong ni Sasha sa sarili nang iduldol niya sa ashtray ang sigarilyong hawak niya. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang binata.

    "Ang laki pa ng katawan...pilyong sabi ni Sasha sa Kanyang sarili,napangiti  siya. Saka pilyang kinagat ang pang ibabang labi.

     Mukhang mag eenjoy ako sa kama Pag si Gregory ang makakasiping ko, Sa isip-isip niya. mukhang matigas at makakatagal ang loko sa sex.

     Tatlong buwan palang nagtratrabaho sa Kanya ang lalaki at ayon sa ipinasa nitong resume ay bente uno anyos palang ito,single  at taga Davao. Bunso sa tatlong magkakapatid at nagtapos ng dalawang taong sa kursong automotive.

      Dalawang taong na itong naninirahan sa Maynila sa poder ng Kanyang Uncle. Na si Kuya Erne siya ang nagrekomenda sa kanya ng minsan makita siya sa labas ng Kanyang mansyon. Nang  minsan nag-aabang siya ng masasakyan dahil nga di pa nagagawa ang kotse niya dahil nasira ito ng minsan mabangga niya ang Kanyang gate ng minsan nanggaling siya ng bar, at nalasing.

     Okay ho iyong pamangkin Kong iyong Ma'm Fuente.'' Parang naulinigan pa niya ang pakiusap ni Mang Erne noon.

    "Mabait na bata po iyon saka sanay sa mga mabibigat na trabaho at marunong din po siyang magmaneho nang sasakyan dahil iyong po ang una niyang naging trabaho dito sa maynila .

       "Sigurado ka Kuya Erne na maayos iyon?''

     "Opo, Ma'm. Kaya sige na po tanggapin niyo na siya . Hirap na hirap na ho kasi ang pamilya niya sa davao Kaya kailangan niya ng trabaho.''

        "Sige. papunatahin mo siya sa bahay ko at sabihin mong magdala siya ng resume.

       "Naku,Ma'm Fuente maraming salamat po, Hindi po ninyo pagsisihang maging driver ang pamangkin ko. Mabait po talaga iyon.

      Sa loob ng panahon nagsisilbi sa kanya si Gregory ay nabatid niyang tama nga si Kuya Erne, Mabait nga ito. Hindi lang masyadong palaimik subalit laging nakangiti sa kanya. Maliksi itong kumikilos kung may ipagagawa. Kahit hindi niya ito utusan ay agad na ginagawa ang mga bagay na dapat gawin kahit kung tutuusin ay hindi na niya trabaho.

    Lalaking-lalaki ang dating nito at kahit hindi niya ito pinapansin ay may pagkakataon naaagaw nito ang Kanyang atensyon. Kagaya ngayon.

      Hubad-baro ito at naka-short lang ng maikli maong. Humihiyaw ang kakisigan nito habang basang-basa at abala sa ginagawa. Walang kamalay malay si Gregory na may mga matang nakatitig sa kanya na tila inuhubaran na siya sa mga titig ni Sasha.

   Napalunok si Sasha at nasapo ang sariling leeg. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi sa isip ang romantikong senaryo na naglalaro doon."Ano ba 'to''

      Pinunasan niya ang butil-butil na pawis sa Kanyang mukha. Hindi niya inaasahan sa loob ng anim na taong pagiging biyuda niya sa Edad na trenta ay pananaigan pa siya ng ganoong pagnanasa.

     Ang makasama ang lalaking katulad ni Gregory na bata sa kanya ng siyam na taong at nasa mainit silang tagpo habang hubo't hubad sa Kanyang kama.

      "Ano bang nangyayari sa aking?tanong niya sa Kanyang sarili na biglang tumayo. Nagpasya na lamang siyang pumasok sa loob ng bahay. Maliligo na lamang siya upang mawala ang init na tila sumusunog sa buo niya katawan at pagkatao."kung anu-anong kalokohang ang pumapasoksa utak ko.''

      Nangilabot siya.

     "Pambihira talaga,''sabi ni Sasha habang mabilis niyang inihahakbang Ang mga paa paakyat ng hagdan. "Kung kailan pa ako nakatagal sa pagiging biyuda ay saka pa ako nakaramdam ng ganito......''

    Nang makapasok si Sasha sa Kanyang silid. Nasapo niya ang sariling dibdib. Bahagya siyang tumingalaat pumikit. Ngunit bigla din siyang napadilat ng makita niya sa isipan ang hubad na katawan ni Gregory.

      "Shit! shit.....! talaga sigaw ni Sasha.

Pls vote and comment :-)

sign out amaya_18

NAME YOUR PRICE  (One Shot Story)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!