7 TUTOR

184 17 18


Beatrix's Point of View

Haysst...

Malungkot akong tumingin sa Test paper ko.

45/100

Bagsak...

Lagi nalang akong bagsak..

"Ms.Mendez Magusap tayo sa faculty"

"O-ok p-po ma'am"

"tsk....Panget na nga bobo pa"dinig kong sabi ni Ryland.

Yabang..

Palibhasa tama naman siya.

tsaka pogi at matalino siya yun ngalang dahil sa sobrang talino niya napaka yabang.

Matalino naman talaga ako eh ang problema lang sakin wala akong paki sa grades ko at tinatamad akong magbasa.

Kaya hinulaan ko nalang lahat.

"Yabang pag ako sinipag mag sagot tignan lang natin" parinig ko.

"Tsk kala mo naman ang talino bobo naman"diin na sabi nito.

"Anong sabi mo!"inis na sigaw ko.

"bobo ka"chill na sabi nito.

"Bobo?!"sigaw na patanong ko.

Nakadinig ako ng tawanan sa paligid.

"tsk....bobo naman talaga"

"di pa matanggap"

"kaklase ko siya since day care bobo nga yan"

Dinig kong sabi ng mga tao sa paligid.

Tsk.....

"DI AKO BOBO!!"sigaw ko.

"kung di ka bobo......what is the definition of conscience?"

"tsk....an inner feeling or voice viewed as acting as a guide to the rightness or wrongness of one's behavior"inis na sabi ko.

Natahimik sa buong room.

"eh mag bigay ka ng bawat meaning sa salitang Friend"tsk napaka immature.

"F-fight for you
R-respect you
I-include you
E-encourage you
N-need you
D-deserve you"

"tsk uto-uto"mukhang nainis siya.

Tsk pahiya yabang kasi.

"Tsk.tsk.tsk mo mukha mo"bulong ko.

___•___

Dumating na ang oras ng uwian at naglalakad na ko patungo sa Faculty ni Ma'am.

Pinagtitinginan ako ng mga lalaki sa daan.

"Boy ang Ganda."

"chicks!"

"wit wew!"

Tsk.

Jerks.

May lumapit sakin na lalaki.

Shemssss!Ang Pogi.....

"Miss?"sabi nito nagulat ako ng hinawi ako nito tapos may babae pala sa likod ko.

Tskkk.

Assumera...

Dumeretso lang ako sa pag lalakad.

Nang nasa faculty na ako pinaupo ako ni Ma'am.

"Ms.Mendez anong plano mo?maganda ka pa namang bata ka.alam kong matalino ka at tinatamad kalang mag-aral."sabi nito.

One Shot's Compilation(Filipino/Tagalog)Where stories live. Discover now