Chapter 16 *Back to normal*

100 2 0

 A/N: Maikli lang po itong chapter na to dahil busy sa school. Sobrang daming school works, ang hirap pagsabaysabayin. Pero may part 2 naman po itong Chapter 16, salamat po sa mga nakakaintindi :)

Btw guys, yung mga nagbabasa po ng one shot story ko na Cubicle, sorry po dahil dinelete ko. Una, wala masyadong nagbabasa. Pangalawa, ang hirap po pagsabayin dahil ongoing pa po itong BSB. Pangatlo, tinatamad po ako. Hahaha eh kasi horror po yun kaya habang naguupdate ako, ako pa po yung natatakot. Hahah baliw lang

/shyphrenia

------------------------------------------

Chapter 16

*Back to normal*

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Paano ba naman kasi 4AM na kami nakauwi ni Francis. Ay oo nga pala, pagkatapos nung Rio Grande sumakay pa kami sa Anchors Away, Wheel of Fate, Flying Fiesta, Dodgem at kung ano ano pa. Kumain ulit kami tska nagpahinga sandali sa kotse ni Francis. Kailangan niya ng energy kasi baka kung ano mangyari samin sa daan. Buti nalang nakauwi kami ng safe. Tinignan ko yung mga pictures namin, marami rami din pala. Ang cute, maganda siguro kung gumawa ako ng scrap book para dito.

To: Francis

Morning Francis! Gising ka na ba? Thank you ulit kagabi ah? Libre mo lahat, bawi nalang ako. Hehe ingat

*MessageSent

Hindi pa nagrereply si Francis, baka tulog. Sabagay pagod din naman kasi yung tao. Nagkalkal ako ng bag ko na ginamit ko kagabi tapos nakita ko yung rose na bigay ni Francis. Simpleng rose, isang rose pero parang napakaimportante neto. Itatago ko ito.

*Naalala ko pa 

Nung nililigawan pa 

Lamang kita 

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong

Mga ngiti

At Ika'y sasabihan 

Bukas ng alas siyete sa dating 

Tagpuan

May tumatawag. Di ko pa pala napapalitan yung ring tone ko, etong Buko kasi para kay Renz pero wala na eh. Haaay

"hello?"

"Hello?"

Hello na ko ng hello di manlang sumasagot. May saltik ata tong tumawag eh

"Hello? Kung di ka magsasalita, ibababa ko na to. Ayoko makipaglokohan sayo."

Inend call ko na, panira ng araw eh. Tawag parin ng tawag pero di ko na sinasagot.

[RENZ'S POV]

Namimiss ko na talaga si Franz, gusto ko na siya balikan, gusto ko siya makita, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko, gusto kong sabihin at iparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal. 

Tatawagan ko nalang siya, kahit boses lang niya marinig ko, okay na ako. Haay

"Hello?"

"hello?"

Hindi ako sumasagot, gustuhin ko man sumagot panigurado ibababa niya din. Masaya na siya kay Francis, makita ko lang siya na masaya, okay na rin sakin yun.

"Hello? Kung di ka magsasalita, ibababa ko na to. Ayoko makipaglokohan sayo." Gustong gusto kong magsalita Franz, mahal kita. Alam mo ba yon? 

"Fran--"

*Toot toot toot*

Okaay -__- Kung kailan naman magsasalita na ko tsaka naman niya binaba. Tinawagan ko ulit siya pero di na niya sinasagot. After 2 weeks, Christmas na. Akala ko pa naman eto yung unang Christmas na kasama ko si Franz. Haay

Ako eto, gusto ko na pumasok ulit. Kaso hindi pwede dahil kontrolado nila James bawat galaw ko, gustuhin ko man si Franz naman ang mapapahamak. Ayoko sana magbisyo pero mapilit talaga sila, gusto ko na nga itigil to pero hindi pwede dahil si Franz ang mapapahamak. Lahat naman nang ito dahil Franz, ginagawa ko to para sakanya hindi para sa akin.

Kahit 3 weeks pa lang ako sa frat nila James, madami na nagbago sa akin at every week nagbibinyagan ang bawat isa. Dos por dos, sa sobrang hirap parang gusto ko na gumive up pero ayoko. Ayokong mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko.

[JAMES' POV]

Madali lang pala pakagatin si Renz eh, talagang pinapatunayan niya na mahal niya talaga si Franz. Pero t&@#!(*a, mahal ko din si Franz. Akin lang si Franz.

"Pare tuloy ba yung hazing natin kay Renz?" Tanong ni BJ

"Oo pre, pero wag muna ngayon. Ipasulit muna natin sakanya ang masasayang araw niya sa mundong to." 

"Di ako makapagpigil eh, napakaarte pa minsan. Kung di mo pa pipilitin di pa niya gagawin, tigas na mukha eh."

"Ggo ka pre. Easy ka lang"

Tulad ni Renz, di na rin ako pumapasok. Para saan pa, eh lagi naman akong bagsak. Sa totoo lang, 3rd honor ako lagi pero may nangyaring di maganda kaya nagloko ako ng ganito katindi. Nasanay na ko  na alas tres na ng umaga ako umuuwi, kung minsan hindi pa nga eh. Uuwi ako ng lasing. Kung naitatanong niyo kung nasan ang parents ko? Wala, iniwan na nila ako. Pinaalaga sa lola ko pero may katandaan na ang lola ko kaya minsan hindi na niya ako kayang pagalitan pa dahil baka mahimatay siya. Hinahayaan nalang nila ako, kahit naman na pagsabihan nila ako hindi naman ako susunod sakanila.

Naglalakad kami ng tropa ngayon, wala lang trip lang namin maglakad. Kung saan kami mapadpad, dun na kami tatambay. 

"Pare, diba si Franz yun? Sino kasama niyang lalaki?" Sabi ni Axel

"Oo nga pre oh, naunahan ka na naman. Kupad mo kasi tol eh" hirit pa ni BJ

Hindi ako nakapagsalita. Kaya ko nga hinawakan sa leeg si Renz para mapalayo siya kay Franz pero ngayon naman may panibago na namang umaaligid sakanya. Humanda sakin yan, malaman ko lang kung sino yang p*tang yan malilintikan sakin yan.

 Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mahalin ako ni Franz? Kung kinakailangang baguhin  at ayusin ko ang buhay ko, gagawin ko para lang mahalin niya ako. 

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!