Caela's Pov

Isang linggo na pala. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mawala si Mama. Isang linggo na akong nagungulila sa gabay at pagmamahal niya. Isang linggo na akong nagkukunwari na kaya ko ang lahat!

I really wanted to give up. I badly want to stop. But I just can't, because I know it's wrong. Maling-mali ang sumuko. Pwedeng mapagod, uso ang magpahinga, pero bawal ang huminto. Paano na lang ang mga pangarap nina Mama at Papa sa akin, kung susuko na lang ako basta? 

Kahit mahirap, kakayanin ko. Kahit masakit, titiisin ko. 

Hindi na din muna ko pumapasok sa school. Nandito lang ako sa bahay sa loob ng isang linggo. Pumasok man ako o hindi, wala namang pakialam ang mga tao sa eskwelahan. Umuulan din ngayon, pati ang panahon ay nakikiramay sa akin. Ayaw kong patigilin ito, dahil ito na lang ang tanging kadamay ko sa oras na ito. Kung sana may mga kaibigan lang ako na maaaring iyakan sa mga oras na ito. Kaso wala, walang taong gustong kaibiganin ako.

Bakit ba kasi di ako matanggap ng mga tao? Ang galing nilang mag-judge, hindi naman sila Diyos. Mapait akong napangiti. 

*****

Kinabukasan ....

 
Nagpasya akong lumabas ng bahay. Nanibago pa ako dahil isang linggo din akong nakakulong. Nandito ako ngayon sa park. Napagisip-isip ko din na kailangan kong ipagpatuloy ung buhay ko, kasi ito ang gusto ni Mama.

Tsaka hahanapin ko pa rin ung tunay kong pamilya. Actually, I'm not mad at them. I know there are reasons why did they gave me. At alam kong masasagot iyon kapag nakita ko na sila. Pero ang tanong ay paano? Saan ko sila makikita? At sino sila? Hindi ko man lang alam ang mukha nila, at sana buhay pa sila.

"Mama, ang cute nung rabbit oh?" napatingin ako sa batang kasama ang mama niya. She's so lucky, because she still has a mother.

Then napansin ko yung rabbit na tinuturo niya, at totoo nga na ang cute nito. Kulay puti, tas blue yung mata niya. Then yung dulo ng buntot niya ay kulay red. Oh? May ganoon pala?

Pero bakit parang sa akin ito nakatingin? Tsaka parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi, kase rabbit nga siya.

Tumalikod na yung rabbit, at hindi ko alam sa saarili ko kung bakit tumayo ako sa kinauupuan ko para sundan ito.

"Ay umalis na. Sayang!" narinig ko pang sinabi nung bata kanina sa park.

Nagtuloy-tuloy yung kuneho papasok sa loob ng gubat, kaya ang kinalabasan nandito na din ako sa gubat. Medyo madilim dahil napapalibutan ng puno, ayokong matakot. Hindi ako pwedeng matakot.

May kung anong gumapang sa paanan ko, kaya bigla akong napatalon. Halos atakehin ako kahit wala naman akong sakit sa puso. It's just-- just a catterpillar.

Gusto kong mapabuga ng hininga. I felt relieved.

"Oyy, rabbit sandali lang!" tawag ko dun sa rabbit, dahil nakita ko itong medyo malayo na sa akin. Binilisan ko ang pagtakbo, para maabutan ito.

Napapailing na lang ako, dahil bakit ko nga ba tinawag yung walang kamuwang-muwang na kuneho. As if naman maiintindihan niya ako.

But I was stunned when that freaking cute creature, suddenly stopped. Oo cute siya, pero ang creepy. I think it understands me. Nababaliw na yata ako!

Pigil na pigil ko yung paghinga ng dahan-dahan itong lumingon sa akin. It's really creepy!

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, pero nakita ko talaga itong ngumisi bago muling tumakbo. I'm having second thoughts if I will still follow it, but I just found myself running towards that creature.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!