Chapter Twenty-One

46.9K 735 6

Alas kuwatro na ng madaling-araw at mahimbing si Warrick sa tabi ni Krystinia pero gising na gising pa rin siya. She was deliciously tired and her body was humming after making love with him. At alam niyang ito ang huling bagay na dapat niyang ginawa.

Pero malungkot na malungkot siya kanina. Pakiramdam niya ay mag-isa lang siyang lumalaban. At kahit anong gawin niyang pagsisikap ay mananatili pa ring mali para sa mga mahal niya sa buhay.

Sa mga bisig ni Warrick ay nawala ang mga alalahanin niya. Pansamantala niyang nakalimutan ang mga problema niya. She gave herself to him unashamedly. Pero oras na para bumalik sa tunay na mundo at harapin ang realidad. Anong iniisip nito sa kanya? Basta na lang niyang ibinigay ang sarili dito at anong katwiran ang ibibigay niya dito. Ibig bang sabihin ay pumapayag na siyang dalhin ang anak nito?

Nanlamig siya. Walang kinalaman ang nangyari sa kanila ni Warrick sa proposal na inaalok nito. Parang nabahiran ang espeayal na pinagsaluhan nila. Kusa niyang ibinigay ang sarili dito at wala siyang hinihinging kapalit. Kailangan niyang umalis ngayon pa lang bago magising si Warrick.

Maingat siyang bumangon at inalis ang brasong nakayakap sa baywang niya.

Umungol ito. Hindi siya halos humihinga sa takot na magising ito. Nang tahimik na ulit ito at bumalik sa pagtulog ay pasimple siyang bumaba ng kama. Maingat ang bawat galaw niya para hindi ito magising. Dinampot niya ang roba niya at nagtungo sa banyo.

Tuyo na ang damit niya. Dali-dali niyang isinuot iyon. Kailangan na niyang umuwi. Sana ay di magsalita si Ludwig na kasama siya ni Warrick. Oras na malaman ng pamilya niya ang tungkol dito, tiyak na itatakwil siya ng mga ito.

Dinampot niya ang bag niya paglabas ng banyo. Malungkot niyang pinagmasdan si Warrick habang mahimbing na natutulog. She wanted his face etched in her mind before she go. He looked like a fallen dark angel. She was supposed to be disgraced but for one night, he made her feel special and cared for. He was a great lover. At sa palagay niya ay hindi na mauulit pa ang pangyayaring iyon.

She wanted to kiss him or at least caress his face for the last time. She wanted to thank him for being a considerate lover. Ngunit baka kapag gumising ito ay pigilan lang siya nitong umalis. She would lose her head once more and she didn’t how she could face herself afterwards now that she was more sane. Mas mabuti umalis na siya bago pa lalong magulo ang buhay niya. Kailangan niyang umalis habang matino pa ang pag-iisip niya.

Palabas na siya ng pinto nang bigla siyang tinawag ng isang matandang babae. "Good morning, Ma'am."

"G-Good morning po,” napipilitan niyang bati at sinubukang umaktong normal. Magalang pa rin ba ito sa mga kakabaihang isang gabing nanatili sa piling ng amo nito? O wala itong pakialam kung anong ginagawa ni Warrick doon kasama ang ibang babae. Namumula siya dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang mga taong nakakaalam na may nangyari sa kanilang dalawa ni Warrick.

"Aalis na po kayo agad?” gulat na tanong nito. “Gusto po ninyo gisingin ko si Sir sa kuwarto niya?”

Namutla siya. Mas matinding kahihiyan pa para sa kanya kung gigisingin nito si Warrick na nasa guestroom. Makikita nito kung anong itsura ni Warrick nang iwan niya.

"Hindi na po. Nakakahiya naman po kung maaabala pa siya. Hayaan na lang po siyang magpahinga. Bigla niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Hindi ito dapat magising pa dahil di niya alam kung paano ito haharapin. Mabuting umalis na lang siya.

"Akala ko po dito kayo mag-aagahan,” sabi ng kasambahay.

"Kailangan ko na po kasing umuwi,” wika niya. She had no business staying here. Kailangan niyang bumalik sa dati niyang mundo. Hindi niya matatakasan ang problema niya. Mas malaking problema pa nga ang nilikha niya ngayon.

"Sumabay na po kayo sa akin palabas dahil mamamalengke ako. Delikado po kasi dahil madilim pa sa labas."

“Maraming salamat po.”

Halos di siya humihinga habang hinihintay ang pag-usad ng sasakyan. Paano kung biglang nagising si Warrick. Malipas ang ilang minuto ay palabas ng ng village ang kotse na pamalangke. Hanggang sa labas lang siya ng village sumakay nang makita ng nakapilang taxi sa isang fastfood chain. Malungkot siyang tumingin sa salamin ng sasakyan habang bumibiyahe. Wala na muli ang buhay sa mata niya. Kailangan na niyang bumalik sa dati niyang buhay. Her miserable life.

Pagdating sa bahay ay nagulat pa siya dahil nasalubong niya si Serafina na pababa ng hagdan. "Ngayon ka lang dumating?" tanong nito na mukhang nagulat.

Isinuklay niya ang daliri sa magulong buhok. "May dati po akong kaklase noong college. Nagtanong po ako kung pwede ko siyang hingan ng tulong."

Nag-aalala itong hinaplos ang pisngi niya. "Parang di ka nakatulog at pagod na pagod."

"Aakyat na po ako sa taas." Mabuti nang umiwas dahil baka higit pa doon ang mabasa nito sa kanya. At wala siyang lakas ngayon para protektahan ang sarili.

“Sandali, Kyrstinia. Mag-usap muna tayo,” pakiusap nito. May tampo pa rin siya dito dahil sa pagtataboy nito sa kanya kahapon pero nang makita niya ang pagod sa mga mata nito ay nawala ang tampo niya. Alam niyang nahihirapan na rin ito. "Pasensiya na kung napagtaasan kita ng boses. Ang Papa mo lang ang inaalala ko. Natakot ako dahil akala ko ay tuluyan mo na kaming iniwan."

Tuluyan nang lumambot ang puso niya at niyakap niya ito. Natural lang siguro na mataas ang emosyon ng lahat. Mas mabigat marahil ang pinagdadaanan nito dahil may anak itong nakakulong at wala rin itong magawa para mailabas ito. Idagdag pa ang namemeligrong kalusugan ng ama niya. Mahal na mahal nito ang papa niya. Sa kabila ng pag-iwan dito ng ama niya noon at sa pag-aasawa nito ng iba, tinanggap pa rin nito ang ama niya. Tinanggap siya nito bilang tunay na anak. At alam niyang sa maraming pagkakataon ay silang dalawa lang ang magkakampi sa mga laban katulad ngayon.

Niyakap niya ito ng mahigpit. "Di ko po kayo pababayaan. Basta maging matatag lang tayo. Magkakaroon din ng solusyon ang lahat."

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!