Chapter Nineteen

47K 869 14

Bilang pasasalamat dahil napasok kang Baby, Be Mine sa initial tally ng Top 6 stories para sa Filipino Readercon, ipo-post ko po ang ilang chapters ng kasunod ng kwentong ito.


Natagpuan ni Krystinia ang sarili sa isang madilim at malamig na silid. Nakadapa siya sa malamig na silid. Nang iangat niya ang tingin nang bumukas ang pinto. Nakita niyang naglalakad palayo ang ama niya, si Serafina at si Thirdy patungo sa pinto. “Papa! Mommy! Kuya!”

Sinubukan niyang bumangon para humabol sa mga ito subalit may dalawang malalaking kamay na humila sa paa niya palayo sa mga ito. Isang matinis na tili ang kumawala sa bibig niya. “Papa! Mommy! Kuya! Tulungan ninyo ako!”

Subalit hindi siya pinansin ng mga ito. Tuloy-tuloy lang ang mga ito sa paglalakad hanggang makalabas ng pinto.

Isang nakakapangilabot na halakhak ang umalingawngaw sa buong silid. Halakhak ng isang demonyo. Halakhak ni Ludwig. Lumabas ito mula sa kung saan at hinaklit siya sa braso niya. Bumaon ang matatalim nitong kuko at halos bumaon ang talim ng kuko sa laman niya. “Sa akin ka na, Krystinia. Wala ka nang magagawa dahil iniwan ka na nila sa akin. Sa akin ka lang.”

Halos masuka siya sa nakakasulasok nitong hininga habang dahan-dahang lumalapit ang mukha sa kanya. Hindi siya makagalaw. Gusto niyang lumaban subalit animo’y naestatwa na ang katawan niya at wala siyang magawa para labanan ito. “Ludwig, huwag!”

Bumalikwas siya ng bangon at niyakap ang sarili. Bumukas ang pinto at isang matangkad na pigura ang nakatayo doon. Muli siyang tumili at napaiyak. “Huwag kang lalapit! Please!”

“Krystinia, it’s okay. Si Warrick ito,” sabi nito at umupo sa tabi niya.

“Warrick…” usal niya at bahagyang kumalma. Ang huling naalala niya ay dumating ito para iligtas siya kay Ludwig at isinakay siya sa kotse nito. Matapos iyon ay hindi niya alam kung anong nangyari.

Napansin niyang nasa isang eleganteng silid siya na malamlam ang liwanag na nagmumula sa dalawang lampshade. Nabawasan ang takot na nararamdaman niya nang yakapin siya ni Warrick at haplusin nito ang buhok niya. “Huwag mong alalahanin si Ludwig. It’s just a bad dream. Ligtas ka dito kasama ko. Hindi ka niya malalapitan at poprotektahan kita.”

“N-Nasaan ako?” tanong niya.

“Nandito sa guestroom ng bahay ko sa Quezon City. Nakatulog ka kaninang nasa biyahe tayo. Gusto sana kitang dalhin sa isang malapit na café para makapag-usap tayo. Pero nang hindi ka magising, ipinadala ko na ang sasakyan sa bahay ko. Mas makakapagpahinga ka dito.”

Bigla siyang na-conscious sa sarili. Kagabi pa siya di nakakapag-shower at yakap siya nito. “O-Okay na ako,” wika niya. “Pwede mo na akong bitiwan. Uuwi na ako.”

“Ala una na ng madaling-araw.”

Nanlaki ang mata niya. “Ala una ng madalng-araw?” bulalas niya. Ganoon kahaba ang tulog niya?

“Hindi ka siguro halos nakakatulog nitong nakakaraang araw. Mas mabuting dito ka na magpalipas ng gabi. May mga damit sa closet at may robe. Magpahinga ka muna. Magpapahanda ako ng pagkain para sa iyo.”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “H-Hindi ba ako nakakaabala sa iyo.”

“Huwag mong intindihin iyon. All I can offer you is refuge for the night. I’ll be back after twenty minutes. Mint tea is fine with you? Sa palagay ko mas mae-energize ka kapag iyon ang ininom mo.”

Tipid siyang ngumiti. “Salamat. Iyon ang paborito ko.”

His face lit up. At pakiramdam niya ay lumiwanag din ang silid na iyon at ang buong mundo niya. “That’s nice to hear. Feel at home.” Lumabas ito at isinara ang pinto.

Umaalingawngaw sa tainga niya ang tunog ng sumarang pinto. Home. Mas gusto niyang manatili sa lugar na iyon kaysa sa umuwi sa bahay niya. Na di niya alam kung hanggang kailan pa niya magiging bahay iyon. The board of directors were starting to discuss the possibility of seizing their property. Kailangang ibalik ang perang kinuha ni Thirdy para hindi na dagdagan pa ang kaso nito. Hindi niya alam kung saan pa sila titira oras na mangyari iyon.

Ipinilig niya ang ulo at hindi na lang inisip ang panibagong problema. Tinungo  niya ang closet at nakita ang nakahilerang magagandang damit doon. Sino kaya ang may-ari ng mga iyon? Koleksiyon ng mga babaeng nagdaan sa buhay nito? Nang dumampot siya ng isa ay nakita niyang may tag pa ang mga iyon. Hindi pa nagagamit. Sa huli ay nagkasya na lang siya sa towelling robe. Nilabhan na lang niya ang damit niya at isinampay para matuyo. Paglabas niya ay nakahanda na ang pagkain niya sa maliit na mesa pero wala si Warrick. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at kumain na dahil kumakalam na ang tiyan niya sa gutom. Napaungol siya nang gumuhit ang init ng chicken noodle soup sa sikmura niya. Gumaan ang pakiramdam niya nang sumubo ng rye bread na may strawberry cream. Kailan ba ang huling pagkakataon na nag-enjoy siya sa simpleng pagkain? Parang matagal na panahon na.

Ubos na niya ang pagkain nang bumalik si Warrick. “Mabuti naman at naubos mo na. Here’s your tea.” At inilapag nito sa harap niya ang tasa ng umuusok na mint tea.

“Warrick, bakit ginagawa mo ito?”

“Because I want to take care of you the first time I saw you.”

“Pero inalok mo pa rin akong maging babymaker mo.”

“Huwag na nating pag-usapan ‘yan. Hindi kita idinala dito para kumbinsihin ka tungkol sa offer ko. Gusto ko lang na mag-relax ka, magpahinga at kalimutan mo muna si Ludwig. Hindi ka na niya guguluhin.”

Bumuntong-hininga siya. “Inutil ako, Warrick. Ni hindi ko nakumbinsi ang papa ko na magpa-opera. Gagawin lang daw niya iyon kapag nakalabas na ng kulungan si Kuya Thirdy. Bakit di siya pwedeng magpagamot para sa akin o kay Mommy Serafina? Hindi ba kami mahalaga? At paano ko naman ilalabas ng kulungan ang kapatid ko? Kailangan kong gawing bailable ang kaso niya. Hindi ko iyon magagawa kung walang pera.”

“It’s okay. Everything will be okay.”

“Paano magiging okay ang lahat, Warrick? Gusto kong magalit dahil nahihirapan na ako. Wala naman akong kasalanan sa lahat ng nangyayaring ito. Pero di ko naman pwedeng iwan ang pamilya ko. Kailangan nila ako.”

“Hindi mo ba sinubukang humiling sa magic wand mo?”

“Will it make the problems go away? This is not the time for fairy tales. Hindi ko ba kayang sagipin ang pamilya ko nang hindi ibinebenta ang dignidad ko at ang kaluluwa ko?”

“Ikino-consider mo ba ang alok ni Ludwig?”

“Ayoko. Hindi ko masisikmura. I can’t stay in his company. Mas gugustuhin ko pang mamalimos sa kalsada kaysa makasama siya.”

“There’s always my offer, Krystinia. Pero hindi mo kailangang isipin iyon ngayon. Magpahinga ka na at matulog,” anito at iginiya siya pabalik sa kama. “Goodnight.”

Pinigilan niya ang braso nito. “Huwag mo akong iwan. Dito ka lang sa tabi ko.”

“Krystinia, you know that is dangerous. I want you. At hindi ko maipapangako na kaya kong pigilan ang sarili ko na halikan ka o yakapin ka. I am not that noble.”

“Then stop being so noble. Stay with me, Warrick. Make love with me. Make me forget. Make me feel good.” Kahit ano basta matakasan lang niya ang lahat ng kamiserablehang pinagdadaanan niya. At alam niyang si Warrick lang ang makakatulong sa kanya. He held that magic wand that could make her misery go away.

She kissed him fiercely. She needed that so badly. Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya. Wala na siyang pakialam. Dahil nang sandaling nagdikit ang mga labi nila ni Warrick ay alam niyang tama ang ginagawa niya.

Then he kissed her back. Pakiramdam niya ay gumagapang ang apoy sa katawan niya dahil sa halik na iyon. It was just a kiss but he was already owning her, branding her.

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!