CHAPTER 35 Sky and Josette ♥

Start from the beginning
                                    

Syet. Ito na nga ata iyong mga sintomas ng pagkabaliw.

Inilugay ko ang nakatali kong buhok at napagpasiyahan na pumunta na lang sa cafeteria para kumain at magpalipas ng init ng ulo. Buti na lang at tapos na ako sa seatwork na pinapagawa sa amin.

Pero bago ako makapasok sa loob ng cafeteria ay nakita kong nagkakagulo at mukhang may pinagtitinginan ang mga tao sa loob.

Sakto naman ang pagpasok ko at pakiramdam ko ay nalaglag na ata ang panga ko sa nakita…


Si Sky nasa harap ko…

I don't know, but I think I may be falling for you…

Droppin' so quickly, maybe I should keep this to myself

Wait until I know you better…

I am tryin' not to tell you, but I want to…

I'm scared of what you'll say…

So I'm hidin' what I'm feeling'…

But I'm tired of holdin' this inside my head….

 

Pawis na pawis. Malamang ay tumakbo ito galing sa building pero paano nangyari iyon? Wala ito. Lokohan na ito. May super powers ba itong si Sky? Umeedward Cullen lang ang dating?

 

“…” Speechless ang lelang mo.

“N- nasabi k- ko na ha.. ha.. ba s- sa iyo na… ha… n- napakaganda mo lalo na kapag nakalugay ang mga buhok mo?” panimula niya na may hingal hingal effect na nagbigay katahimikan sa lahat ng naroroon sa cafeteria. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, bigla na naman akong nahiya. Kailan pa naging corny ang mga banat ni Sky ha? KumoCoco martin narin ba ito? Haha.

Nakatitig ito sa mga mata ko. Kahit tagaktak ang mga pawis niya sa mukha ay wala akong pakialam, ang hot parin niya haha.

I've been spendin' all my time just thinking 'bout you…

I don't know what to do, I think I'm fallin' for you…

I've been waitin' all my life, and now I found you…

I don't know what to do, I think I'm fallin' for you…

I'm fallin' for you…

 

 

“Shet. Kinakabahan ako.” Bulong niya pero narinig ko naman. Tae! Hindi naman magpopropose ang lokong ito. Naramdaman kong nanlalaki ang mga mata ko sa conclusion na nabuo sa isipan ko pero mukhang nabasa naman agad ito ng loko kaya agad niyang nilinaw ito.

“Hey hindi ito wedding proposal baliw!” reklamo niya tapos bigla siyang natawa. Tumaginting naman ang tainga ko sa narinig, pag may baliw na sa usapan hahaha.

“Hoy Sky ang bagal mo, bilisan mo na nga! Natotorpe ka ba?!” narinig kong sigaw ng isa sa mga estudyante na nakapalibot sa amin. Pakiramdam ko matutunaw ako sa tingin ng mga tao na nanunuod sa amin ngayon lalong lalo na sa mga tingin ng lalaking nasa harapan ko. Sometimes, nagcoconclude akong baka nangmamanyak lang ng tingin itong si Sky haha.

As I'm standin' here, and you hold my hand…

Pull me towards you, and we start to dance…

All around us, I see nobody…

Here in silence, it's just you and me…

“Oh Skyflakes para saan ba ito?” diretsahang tanong ko sa kanya, medyo naiinip narin kasi ako sa kung anong gustong mangyari ni Sky sa mga oras na ito. Tila may hinugot siya sa kanyang likuran habang dahan-dahan itong lumuluhod sa harapan ko. Akala ko ba hindi ito wedding proposal pero bakit parang…

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now