Birthday Four
Isha's POV
Nasa school na ako at nakikinig sa lesson ni ma'am. Ka-stress
naman ito. Tinignan ko yun orasan ko kung malapit na uwian.
Hayys salamat naman. Tinignan ko si Hendrick. Seryoso din pala
After ilang minutes , biglang nag-bell at sinabi ni ma'am na
"Class dismissed. You may eat your lunch now"
Lahat sila nagsipag-tayuan excpet kami ni Hendrick , syempre
nag-aayos ako ng gamit ng bigla niya akong tinawag
"Isha"
"Bakit?"
"Sabay tayo ulit?"
"May sched ka ba mamaya?"
"Wala naman ikaw?"
"Sakto , wala din ako"
Tinignan ko bag ko , bat wala akong baon? Ah , naalala ko na.
Binigyan pala ko ng pera pan-bili.
"Wala kang baon?"
"Wala , bakit? Ililibre mo ako?"
"Baka"
Medyo close na kami ni Hendrick.
"Edi wag. Mauna na ako"
Lumabas na ako sa classroom nang biglang nag-vibrate phone ko.
Nilabas ko at may nareceive akong text. Practice nanaman ba to?
Binasa ko yun text. Sabi ko nga may practice , ano bayan.
Bumaba na ako nang bigla may yumakap sa likod ko.
"Holdap to"
"Hoy bitaw nga. Walang magnanakaw sa school"
"Holdap nga to"
Kinagat ko yung kamay tsaka siya bumitaw. Lumingon ako na si
Hendrick yun. Ayun sumisigaw sa sakit.
"Ayan ang napala mo sa holdap mo"
"Sorry na nga eh. Bigla ka kasi nauna lumabas na classroom"
"Ayaw mo kasi ako ilibre eh"
"Oo na ililibre na kita , wala din akong baon eh"
"Tara na"
Nag-order si Hendrick ng pagkain. Pagkatapos niyang umorder ,
pumunta na siya sa pwesto namin at may kasama siya. Isang lalaki at babae na nakita ko sa mall.
"Oh tara umupo na kayo"
Umupo na silang dalawa. Bale bilog yun lamesa kaya katabi ko si
Hendrick sa kaliwa sa kanan naman yun lalaki.
"Oh , Isha eto na pagkain mo"
"Salamat Hendrick. By the way , sinong itong dalawa mong
kaibigan?"
"Dahil loner ka at hindi mo sila pinapansin. Eto si Sean at
siya si Allyson"
Allyson
Allyson
Allyson
Sumasakit nanaman ulo ko.
"Isha okay ka lang ba?"
"Oo , okay lang ako. Tara kain na tayo. By the way , Isha Kang
nga pala"
Kumain kami ng tahimik. Tinignan ko si Allyson. Bakit ganun?
May something ako sa kanya eh. Tumingin siya sa akin at tinignan
ko mga mata niya. Bat nalulungkot siya?
Tinignan ko orasan ko at hala malapit na mag-one kaya napatayo
ako wala sa oras.
"Bes———— Isha , san ka punta?"
"Uuwi na ako. Sige salamat sa treat mo Hendrick ah. Aalis na ako
bye"
Napatakbo ako wala sa oras at eto nanaman , ilang week na
lumipas hindi na sumasakit ulo ko pero eto bumabalik nanaman at
kung kailan may practice kami. Pagkalabas ko ng school , nan jan
na yun kotse. Himala may service ngayon. Maka-sakay nalang.
"Break time"
Kanina pa sumasakit ulo ko , sino ba kasi si Allyson eh.
Pinipilit ko wag aalahanin baka mahimatay nanaman ako ulit.
Pansin ko kanina pa ako tinitignan nun dalawa kong kasama eh at
eto nga lumapit sila sa akin.
"Okay ka lang ba , Isha?" sabi ni Lizzy
"Kasi kanina pa kita pinapansin na masakit ang ulo mo eh" sabi
naman ni Raina
"Kung gusto mo , wag nalang natin ito ituloy" dagdag niya.
"Hindi , okay lang ako. Kulang lang ako sa tulog so don't worry
guys" sabi ko sabay ngiti sa kanila para hindi sila mag-aalala.
After ilan minuto nakalipas , nawawala na yun sakit sa ulo ko. Salamat. Nag-practice na kami ulit at medyo umookay na ako. Pagkatapos ng huling kanta namin , napagdecisyon kami na uuwi na kami. Malapit narin mag-gabi oh.
Nag-palit kami ng damit tsaka nag-ayos na kami ng gamit namin.
Sabay na kami lumabas ng practice room tsaka bumaba na kami at
may kotse ulit. May service na kami. Isang malaking himala.
Sumakay na kami sa kotse sumakay ako sa passenger seat at nag-
sound trip nalang ako hanggang huminto sa bahay ko. Nagpasalamat
nalang ako sa driver at nag-paalam na ako kila Lizzy at Raina.
Bumaba na ako sa kotse at tinanggal ko earphone ko. Pumasok na
ako sa gate nang bigla kami nagkita. Nagulat kami sa isa't isa
at ngumit siya. Halatang pilit lang yun.
"Hi Bes——— Isha pala. Siguro hindi mo na talaga ako naalala
dahil jan————"
"Allyson , I don't remember everything about us whatever happened in the past , so you may please stop"
Simula na sumakit ulo ko plus pagod. Naiinis na ako kay Allyson
ah.
"Hindi mo na talaga ako maalala or sadyang————"
"No , no , no. Aish. AHH!!!
Tumitindi na sakit ng ulo ko
"Bes Isha please. Tandaan mo na ako , marami——————"
"Allyson , please! Sumasakit na ulo ko. Ahh!"
I tried to remember what happen about me and Allyson or should I
say us. She keep calling me bes. Why am I being comfortable about that? Why am I feeling that she is important to me? WHY?!
"Bes Isha , nahihirapan na ako kung——————"
"ALLYSON PLEASE STOP! AHHHH!!!"
Patindi ng patindi sakit ng ulo ko bigla dumilim ulit paningin ko
"Bes Isha!"
BINABASA MO ANG
Surprise Birthday Party
Short StoryAlanna Isha Kang , the birthday girl , doesn't know that someone surprise her birthday even she had experience a traumatic birthday.
