Bachelor Stories Series 3: Just If

1.1M 16.3K 1.3K
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this in any way. Please obtain permission from the author.

Started: September 2014- October 2014 (COMPLETED)

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Prologue

"He is my fiancé." Pinanlakihan ko nang mata ang babaeng lumapit sa fiancé ko. I even raised my eyebrow para mas nakakatakot akong tignan.

"I—I'm sorry." Sagot naman ng babaeng lumapit sa fiancé ko at tsaka ito nagmamadaling umalis.

"Hoy, grabe ka naman. Nambababae ka harap-harapan? Hindi mo man lang ba inisip na nandito lang sa paligid mo ang fiancée mo?" Umupo ako sa harapan niya.

"Tss. Bakit? Nasasaktan ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman, kahit papaano ang sakit na makita na nambabae ang fiancé mo." Sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang frappe niya at tsaka humigop sa straw niya. Hindi naman ako naniniwala sa indirect kiss.

"So, sino siya? New prospect?" Tanong ko sa kanya.

"Selos ka?" Tanong niya sa akin. Inagaw niya sa akin ang frappe niya sabay higop sa straw niya. Aba't!

"Nalawayan ko na 'yan, akin na 'yan!" Sabi ko sa kanya.

"Basehan mo ba 'yon para masabing sa'yo na 'to?" Tanong niya sa akin. Napataas ako ng kilay.

"Oo, bakit? May angal ka?" Mataray kong sabi sa kanya.

Bigla akong nagulat ng tumayo siya at walang sabi-sabi akong hinalikan sa labi. Hindi ako nakakilos o nakapagsalita man lang. Wala sa sariling ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. This is the first time he kissed me and the feeling was really foreign. Yes, I admit. Marami nang lalaki ang nakahalik sa labi ko pero siya? Iba, ibang-iba.

He suddenly ended the kiss.

"Now, nalawayan na kita. So it means, pagmamay-ari na kita."

Axcel just gave me a playful smile.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon