Chapter 35: Stay Close, Don't Go

2.6M 57.1K 27.9K
                                    

Yannie's Point of View


"Stop! Itigil niyo 'yan," sigaw ni Zoe kaya napahinto naman ako. I mean kami pala ng ka-duet kong si Xander. "Ano ba naman kayo?! Paano tayo mananalo niyan? Walang kabuhay-buhay 'yang kinakanta niyo. Walang feelings. Jusko lagpas ten tries na tayo dito."

"Tingin ko dapat mamaya na kayo magpractice. Mauna ka na lang muna Sab," suggestion ni Ayu.

Walang salita naman akong umalis sa harap nila at umupo sa tabi ni Zoe habang si Sab, ayun at nag-aayos na. 'Yung kasama ko naman sa pagduduet ay lumabas muna sa bahay. Ewan ko kung saan siya pupunta. Sumunod naman si Josh sa kanya.

"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Zoe. Tiningnan ko lang siya at tumango saka itinuon ang atensyon kay Sab.

Narinig ko na lang na bumuntong hininga ang katabi ko. "Hay. Bakit ba tinanong pa kita? Alam ko na hindi ka naman magsasabi ng totoo. Something's bothering you... or should I say... someone?"

Napalingon naman ako sa kanya nu'n at saka siya inirapan. "What are you talking about? Someone huh?

Bigla namang sumingit si Ayu sa usapan, "Tingin ko tama si Zoe. May gumugulo sa 'yo ngayon. Hindi 'yun bagay. Sigurado ako na tao siya."

Tsk. Wala na. Alam ko namang kahit i-deny ko hindi sila maniniwala. Tama naman kasi sila. May bumabagabag na tao sa isip ko ngayon. Actually hindi naman ngayon lang. Kahit noong nakaraang gabi pa.

"Bakit hindi ka makasagot? Tama kami, ano?" tanong ni Zoe. "May tao nga bang bumabagabag sa 'yo?"

"Umamin ka na lang kasing ginugulo ng isip mo si Xander." Epal ni Ice. Psh. Minsan na nga lang magsalita 'to maiinis ka pa sa sasabihin niya. Kapag ako nabwisit ibubuking ko pa 'to kay Zoe, e. Makita lang niya.

"Ang kulit niyo," singhal ko sa kanila.

"Alam mo, Yannie, hindi ko kayo maintindihan niyang si Xander," sabi naman ni Ken na nakisama na rin sa panggigisa sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang magtanong. "Bakit?"

"Hindi naman talaga kayo pero kung mag-inarte kayo parang kayo talaga. Daig niyo pa ang real couples sa ginagawa niyo. Kung hindi ko lang alam na fake kayo, iisipin kong may nararamdaman talaga kayo para sa isa't isa."

"Wala nga ba?" dagdag ni Ayu sa sinabi ni Ken.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba naman 'yan! Ito... Ito talaga 'yung mga ayokong pakiramdam, e. Nakakainis lang talaga. Dagdag mo pa 'yung apat na kasama kong nakapalibot sa akin at mga nakatingin sa akin na para bang naghihintay talaga sila ng sagot sa tanong ni Ayu.

Wala nga ba? Ewan ko. Ako mismo naguguluhan na sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano na ba 'to. Ang gulo gulo na.

"Ang daya nyo naman, e. Hindi kayo nakikinig sa pagkanta ko," reklamo ni Sab at pumapadyak padyak pa kaya napatingin kami sa kanya, Binitiwan niya 'yung mic at umupo sa tabi namin.

"Sorry, Sab. Medyo naiintriga kasi kami dito kay Yannie," sabi ni Zoe.

Ngumiti lang si Sab at lumingon sa akin. "Go, Yannie! Ano na? Wala ka bang nararamdaman para kay Xander?"

Napasapo naman ako sa noo ko. Sabi ko na nga ba. Knowing Sab, makikichismis lang 'yan kaya hindi na kumanta.

"We're waiting."

Nagbuntong hininga ako. 'Yung malalim na malaim. "I don't know." Nangiti si Ice, Zoe, Ayu at Ken sa naging sagot ko samantalang si Sab naman ay takang taka ang mukha.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon