TMAFK#5

36K 594 33
                                    

Adriana's pov.

"Mango tapioca for you." Nagulat ako nang may dumikit na malamig sa pisngi ko habang nagmamadali ako paakyat ng hagdan.

"Maxwel!" Halata sa boses ko ang saya matapos kong makita ang nag-iisang lalaking kaibigan ko. Madalas niya akong ilibre ng iba't-ibang flavor ng milk tea pero mango tapioca lang ang nagustuhan ko.

"Diba si John Maxwel 'yon?"

"Nakabalik na pala siya sa Pilipinas?"

"Diba siya 'yung chess player?"

"Oo, siya 'yung winner noong 2020." Bulungan ng mga estudyante sa paligid dahil kilala rin si Maxwel sa buong campus dahil magaling na player ito sa chess.

"I missed you so much." Sambit ni Maxwel at niyakap ako nang mahigpit dahilan para mapangiti ako.

"Hoy John Maxwel Devera, bakit ang tagal mong nagbakasyon? Hindi mo man lang ako sinama sa Germany." Hindi ko maiwasang hindi magtampo sa pag-iwan niya sa amin dahil lang sa babaeng kinabaliwan niya.

"I deeply in love with AC. Mahirap siyang kalimutan kaya nagstay pa ako." Ang swerte naman ng babaeng iyon para mabaliw ang kaibigan ko. He felt in love with a girl who was already in love with someone.

"Kailan mo ba balak ipakilala si AC?" Napaka torpe ni Maxwel kaya siguro nauunahan ito ng ibang lalaki.

"Not now, but soon."

"Move on na Maxwel. You deserve someone's better." Payo ko sa kanya at inakbayan ako.

"Thanks Adriana, see you later."

****

"Class dismissed!" Natuwa ang lahat nang matapos ang klase ng pinakamasungit namin guro na si Sir Merta.

"Sungit!"

"May sinasabi ka Chavez?" Nagulat ako nang tawagin ako ni Sir Merta matapos marinig ang sinabi ko. Kahit kailan walang galang ito tuwing tinatawag ang surname ko.

"Wala po, Sir."

"Anong wala e rinig na rinig ko." Galit nitong sambit para mapahiya ako sa harap ng mga kakalse ko.

"Ako po ang kausap ni Adriana." Buti na lang pinagtakpan ako ni Maxine kung hindi ay maga-guidance na naman ako.

"Ubod ng sungit iyang si Sir." Panlalait ko muli nang maka alis na ito.

"True! Pati tayo pinag-iinitan." Reklamo ni Ava matapos palabasin sa room dahil hindi ito nakasagot sa tanong mula sa kanya.

"Pakitang tao talaga 'yan. Isipin niyo kapag nandiyan ang boys hindi masungit pero kapag wala magagalitin." Kumento naman ni Maxine para sumang-ayon ako. Hindi makagalit si Sir Merta sa'kin kapag nand'yan si Dominic pero kapag wala ay laging galit na galit sa apelyido ko.

"OMG! Baka bakla si Sir Merta." Bulong ni Maxine para mapatawa kami.

"Paano mo nasabi?"

"Bakla yata si Sir kaya madalas magalit sa atin. Maaring type niya si Dominic kaya surang sura kay Adriana." Paliwanag ni Maxine. Kahit kailan may sense ang mga sinasabi ni Maxine kesa kay Ava na pagti-trip lang ang alam.

"Pupuntahan ko muna si Reyniel sa Cobby Bar at hindi ko ma-contact." Paalam ni Ava habang namomoblema. Si Reyniel ang modelong boyfriend ni Ava na nakilala niya sa dati namin school.

"Anong ginagawa ng boyfriend mo sa bar?" Tanong ko habang inaayos ang aking gamit.

"Tapos na yata ang photo shoot nila kaya baka nasa bar silang magkakaibigan." Kay gandang babae ni Ava ngunit nagpaka tanga pagdating sa lalaki.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon