Chapter 2

47 5 0

Another day. Another bullshit day it is.

Sinundo ni Rex yung Andrea ko. Tas may hawak pa sa kamay. Ganun ba talaga pag M.U? Sorry, NGSB ako e. Wala akong alam sa mga ganyan.

"Hi ate Andrea! Hi kuya Rex!"

Bati ng isang sophomore. Kilalang-kilala sila dito sa school namin. Alam niyo ba kung bakit? Sila lang naman ang dafending champion pagdating sa mga quiz bee. From district-division-regional-national! Angas ng Andrea ko diba? Wala akong pake kay Rex!!!

"Dito na lang Rex. Salamat sa pagsundo at paghatid."

Buti naman natauhan yung Andrea ko.

"No. Hatid na kita hanggang sa classroom niyo."

Namimilit pa. Magalit ka nga Andrea!

"Wag na Rex. Dito na lang ako. Salamat, bye!"

"W-wait!!!"

Hahaha! Buti nga sayo. Pabida ka masyado.

"Andrea hintay!"

Tae! Ano ba 'tong sinabi ko? Ugh nakakahiya. Kunyare di mo narinig please please...

lab dab lab dab lab dab lab dab lab dab lab dab

"Oh Kit, ikaw pala. Why?"

Kilala pala ako ng crush ko? Don't you know it feels like heaven? Tas nickname ko pa. I'm so lucky this day!

"Kit?" sabay smile.

"Ah-ah hi Andrea!" Takte eto na naman ako.

"Oh hello! Pawis na pawis ka. Teka lang."

"Oh ayan. Di ka na pawis. Ikaw muna gumamit ng panyo ko. Alagaan mo sarili mo ah? Hirap na, baka magkasakit ka pa."

Di ko inakalang ganito pala siya. Simpleng pagpahid lang ng panyo, it really means a lot to me. She's so sweet. She's so adorable. She's simply awesome.

"Thanks Andrea!"

Then she smiled and walked away.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan kahit isa. Puro kasi si Andrea ang nasa isip ko. Napakasweet niya pala. Well, expect the unexpected.

Crush ko si AndreaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!