Karina

Soon after, the other groomsmen joined them in the picture taking and Ethan stepped aside. Pero hindi ito umalis. Naroon lang ito, nakatayo sa tabi ni Mary Ann. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit naroon ito.

        Who invited her?

        "Done!" Sabi ng photographer.

        "Wait!" Pigil ni Mark sa pag-alis ng photographer. "One last shot. This time, pwede bang kasama ang date ko?" Mark extended his hand to Mary Ann.

        Date ni Mark si Mary Ann? How come they knew each other? Ganoon ba kaliit ang mundo para sa kanilang lahat?

        "Sige po." Pagpayag ng photographer. "Sumama na rin uli kayo." Yaya nito kay Ethan.

        "Sure!" Pagpapaunlak ni Ethan.

        Hindi nakaligtas sa tingin niya ang ginawa nitong paghawak sa braso ni Mary Ann. Tumaas ang kilay niya. Masyado talagang malapit si Ethan sa kaibigan nito.

        "Gusto kong umalis na tayo ngayon." Bulong ni Nathan sa kanya.

        Iyon din ang gusto niya but she can't go, now that Ethan decided to stay. Baka kung anong gulo ang gawin nito at pihadong hindi ito uurungan ni Jaime. Idagdag pang andoon sila William, Ding at Mark. Baka sa ospital ang bagsak ng 'asawa' niya.

        "Kapag umalis na sila Ethan. Uuwi na rin tayo." Bulong niya rito pabalik.

        "Parang narinig ko ang pangalan ko. Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Nakalapit pala si Ethan sa kanila ng hindi niya napapansin. She thought he will be standing next to Mary Ann.

        "Back off." Nathan angrily said.

        Ethan smirked and stared at her. "Wala pa tayong picture na magkatabi."

        Hindi siya sumagot pero nagbigay siya ng espasyo para matabihan siya nito. Agad na naramdaman niya ang paghapit ng kaliwang braso nito sa bewang niya. Napaharap siya rito at naitukod niya ang kamay sa dibdib nito.

        "Hindi mo ba ako na-miss? It's been three months mula ng huli tayong nagkita." Ethan said sarcastically.

        "Please Ethan. Kung galit ka sa akin. Not here, not now. Walang alam si Katrina. Huwag kang manggulo. Sa akin mo lang ibunton ang galit mo."

        He tightened his grip and pulled her closer. "Why, scared? You never thought you'd get caught? Sa araw pa mismo ng kasal ng kapatid mo."

        "Gentlemen, yung mga walang partner, tabi muna kayo." Sabi ng photographer. "Ang sweet tignan ng tatlong couples."

        The photographer was referring to her and Ethan, Jaime and Katrina and Mark and Mary Ann. Kung alam lang ng photographer na they were the opposite of sweet.

        Sumunod naman sila Nathan, William at Ding. Lumayo ang mga ito sa kanila.

        "How did you know?" She asked him while she's looking at the camera.

        "Mary Ann told me. Nagkataon na niyaya siya ng kaibigan ng groom. Nang ma-confirmed ni Mary Ann na kasal mo ang pupuntahan niya. Tinawagan at pinauwi niya ako mula sa States." Yumuko si Ethan at inilapit ang bibig sa tengga niya, "Kanina lang naming pareho nalaman na kasal pala ito ng totoong Katrina. I married the fake one."

        Naningkit ang mata niya. Palagi na lang na si Mary Ann ang nakakahuli sa kanya. Kahit noong high school pa sila, ng unang beses na nagpanggap siya bilang si Katrina. Ito ang nagsabi kay Ethan na nagpapanggap lang siya. Narinig nito ang pag-uusap nila ni Katrina sa CR at agad na isinumbong siya nito kay Ethan.

        "Please Ethan, let me explain." She tried to justiy her misdeed but Ethan didn't want to hear her out.

        "I don't want to hear your lies. Just tell me why? Why do you have to pretend?" Ethan asked.

        "I love you." She confessed.

        "I'm sorry it's not you that I want." Ethan said before turning his back on her.

        Sinubukan niyang habulin at magpaliwanag noon kay Ethan. Pero iniwasan siya nito hanggang sa nagtapos ito ng college. Nawalan na siya ng balita tungkol rito. Kaya laking gulat niya ng magkita uli sila last year sa Davao.

        "Lost you tongue?" Putol ni Ethan sa pagbabalik-tanaw niya.

        "Yes, you married the fake one." Sinalubong niya ang mapang-uyam nitong tingin. "Is that what you want to hear?"

        "Okay, Sir." Sabi ng photographer kay Mark. "Iwan po muna natin ang bride and groom at ang sister of the bride and her husband."

        "You heard the photographer?" Ethan asked. "I was referred as your husband. If only he knew I am the real husband of the bride. Ang ganda sigurong kunan ng litrato ang mukha ng photographer."

        "Stop it Ethan. You married me not Katrina. Kaya itigil mo na ito at huwag mo ng guluhin si Katrina."

        "Maybe it's you but I am married to Katrina. Malinaw na nakasulat iyan sa marriage contract natin. Kaya nasa akin ang lahat ng karapatan para manggulo because I'm the legal husband."

        "No!" She said in a low tone. "Changes have been made. There's a motion filed to amend the spelling of your wife's name. Sorry but the petition was granted and you are now married to me, Karina Graciella Gomez."

        "Lies, lies." Lalong humigpit ang pagpisil ni Ethan sa bewang niya. "You cannot fool me again."

        "It's a wrap! Thank you everyone. Ang sarap ninyong kunan, you all looked good looking." Sabi ng photographer.

        "I am not lying anymore." She said with conviction. "Ask Mary Ann to check it with NSO for you to know that I am telling the truth.

        They remained standing close to each other.

        "How did you do it?" Galit na sabi ni Ethan.

        "I know you hated it so much! Maiintindihan ko kung gusto mong mag-file ng annulment. I won't object." Iniwasan niyang sagutin ang tanong nito.

        "Who's talking about annulment? Ngayon ko nga lang nakilala ang tunay kong asawa?" Ethan said in a dangerous tone. "My wife have been very bad. I think she needs to be punished!"

        Brave was her third name but seeing the look on Ethan eyes, she wanted to run away and hide. Ano bang gulo ang napasukan niya? Bakit kasi hindi siya nag-isip at sinunod niya ang tinitibok ng puso niya? Kung maibabalik lang niya ang panahon, she will undo the things she did last year.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!