sya^ si Monique! si Monique Lois na nagsabing... 

'sa LOVE walang mangyayari kung hindi ka magte-take ng risk!' 

--OHAA! part ng comment nya yan sa x41 XD bongga! hehe. thank you Monique porr reading PB.(& TMAM!).. ;3 

- - - - 

x45: To Take a Risk 




[ADRIAN's PoV] 


Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ko, napatakip ako ng bibig. 


Si Chelle.. 


HINALIKAN KO SI CHELLE AT UMAMIN NA KO SAKANYA. 


Ahhh potek.. 


Nakaka-kaba. Hanggang ngayon, kinakabahan ako. 


Oo, nakainom ako pero di naman ganun karami yun para mawala ako sa sarili ko. 


Alam ko pa rin ang pinaggagawa ko. At alam kong mali ang ginawa ko. 


Pero kasi naman.. Nung hawakan na nya ang kamay ko, di ko na napigilan ang sarili ko. Di ko na nakontrol 'tong nararamdaman ko para sakanya. 


Masyado ko na syang mahal.. 


Mahal na mahal ko sya.. Mahal na mahal at gusto ko na syang makasama.. 


Tinitigan ko itong pintuan ng kwarto ko kung nasaan ang mag-ina ko.. 


Posible kayang ganun din ang nararamdaman ni Chelle para sakin? 


Sinagot nya ang paghalik ko eh.. Di sya kumontra o nagprotesta.. 


Ganun na nga kaya yun? 


Di ko pa alam ang sagot pero natutuwa na ko. 


Masaya ako kasi alam ko, may pag-asang matupad ang pangarap ko para saming tatlo ng anak namin. 


Tama.. 


POSIBLE YUN AT MAY PAG-ASA AKO. 


Kaya bukas na bukas, kakausapin ko sya. Lilinawin ko na ang lahat sakanya. 


* * 



* * 


"Adrian anak ko.. Gising na.." 


"Mmm.." =___= 


"Sabi ko na nga ba, dapat di ka na uminom ng marami kagabi eh.." 


"Mmm.." =___= 


"HAAAY.. Anak? Nauna nang umalis sina Rachellyn ah?" 


"Mmm.. HAA?!!" nagising ako at napaupo bigla dito sa sofa. "M-MA?! SINA CHELLE, UMALIS NA?!" 


O___O - Mama 


AMP! Masakit ulo ko pero nagawa kong tumayo nang mabilis at kinuha ang susi ng kotse ko sa may gilid ng TV. 


Tsk. Dapat mahabol ko sila. Kakausapin ko pa si Chelle ngayon eh! Kaya nga ko uminom kagabi para magkalakas ako ng loob ngayon tapos..amp! 


"T-Teka anak! Nagbibiro lang ako!" 


Napahinto ako sa sinigaw ni Mama. Nagbibiro lang daw sya? 


"Sinabi ko lang yun para magising ka kasi anong oras na oh at..effective naman pala ang naisip ko.. Hehe.. Ang totoo, nandun silang mag-ina sa dining, kumakain ng breakfast.." ^___^' 


Napabuntung-hininga ako at hilot ng ulo. Si Mama talaga.. 


"Maghilamos ka na at humabol sa pagkain. Sina Rachellyn kasi, kailangan na yata nilang umuwi sakanila.." 


Nakangiting bumalik sa dining si Mama. 


Ako naman, nagtaka. 


Si Chelle, kailangan nang umuwi agad? 


Ampotek naman. Baka may kinalaman yun kay CJ? 


Ah hindi, hindi. Kahit si CJ pa ang dahilan ng pagmamadali nyang umuwi, di pa rin ako papapigil sa gagawin kong pakikipag-usap sakanya. HINDI. 


Naghilamos na ko at sumabay na kumain sakanila. 


"Good morning.." masaya kong bati kina Chelle at Andy pagkaupo ko sa may dulo ng mesa. 


Silang dalawa ang nandito kasi si Mama, nandun sa kusina. 


Nginitian naman ako ni Chelle bilang sagot sa bati ko. 


Pero yung ngiti nya..hindi yun ngiti na masaya. 


Nagkatitigan kami saglit. Agad din nyang inalis ang tingin nya sakin eh at tinuloy na kumain. 


Tsk. Mukha syang bothered. Dahil kaya yun sa nangyari kagabi? 


"PAPAAA! SANDWICH! COOK KO PO!" ^O^ Inabutan ako ng anak ko ng sandwich na may cheese spread. Mukhang gawa nga nya toh. 


"Uy.. Salamat.." kinain ko yung binigay nya. "Mm, sarap ah!" 


"HIHI.. GAGAWA KO NG MORE PO!" ^O^ 


Kumuha nga sya ng dalawang hiwa ng tasty at pinalamanan yun. Kinakarir nya ang paggawa ng sandwich ah. 


Binalikan ko ng tingin si Chelle. Malungkot pa rin sya. 


Ay bwiset. Ayoko ng ganito sya. Lalo na kung dahil sakin.. 


Nagkakaganito lang naman sya ngayon dahil sa nangyari kagabi diba? 


"Chelle.." tinignan nya ko. "Uhm.. Gu..Gusto mo na bang umuwi mamaya?" 


"Sana.. Kung pwede.." tumingin na sya ulit sa kinakain nya. "May mga kailangan pa kasi akong gawin na schoolworks.." 


"Ahh.. Ako rin eh.. Geh, uwi na tayo after breakfast.." 


Tumango lang sya. 


At malungkot talaga sya. 


TSK. KASALANAN MO YAN ADRIAN. 


Dahil sa ginawa mo, malamang lang na nakokonsensya sya kasi nga may boyfriend sya. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!