💙Chapter 20💙

Začít od začátku
                                    

Expected ko ng sasalubungin ako ni Nanay ng kung ano anong salita, kaya wala na sigurong dahilan para mag dahan dahan ako, mabilis akong pumasok, paakyat na sana ng hagdan ng biglang may humawak sa braso ko, dahilan para magpanic ako sa sobrang kaba.

Dahan dahan akong napalingon dun sa humawak sakin, "sorry nay ah patawarin nyo ako ah ano-"

Panic ko na nakapikit at nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko ako, pero isang malakas na pagtawa ang narinig ko kaya napadilat ako at tumingala

"Tatay?" Napangiwi ako dahil halos maglumpasay sya kakatawa, "haha nak- haha nakakatawa -haha ka talaga anak" sambit nya habang natawa pa rin

Nagpout ako "tay naman eh tinakot mo ako akala ako sasaktan na ko ni Nanay eh"

"Yan kasi dapat silip silip muna bago umakyat, nga pala wala ang Nanay mo kaya safe ka" pag iiba ni tatay pagkatapos tumawa

Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi nya "wala? Bakit po? Saan sya nagpunta?" Pagtataka ko dahil sa pagkakaalam ko hindi naalis ng ganito kaaga si Nanay

"Nagbakasyon sa probinsya" sambit ni tatay "bakit po parang biglaan?" Wala sa sarili kong tanong "saka ko na sasabihin sayo, sa ngayon magpahinga ka na muna" hindi ko alam kung bakit iniwasan ni tatay ang tanong ko pero tama sya

Kailangan ko ngang magpahinga dahil pagod talaga ako galing byahe "sige po tay akyat na po ako" paalam ko at tumango lang sya kaya umakyat nako at pabagsak akong nahiga sa kama ko ni walang galaw galaw, sa ngayon pipikit ko na mata ko dahil dinadalaw na talaga ako ng antok
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Athena nak gising na kain na tayo" humikab ako hababg dahan dahang dinidilat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni tatay na nakangiti,

Nginitian ko sya "anong oras na po?" Tanong ko "pasadong 8 na ng gabi napahaba ang tulog mo dahil sa pagod" sagot ni tatay kaya napabangon ako at tinignan ang orasan, oo nga gabi na hindi ko namalayan na mahaba pala ang naging tulog ko

"Sige po tay susunod ako sa baba" sambit ko at tumango lang si tatay bago tuluyang lumabas ng kwarto ko, umunat unat muna ako bago tumayo para maghilamos pagkatapos nun ay bumaba na ako, malayo pa lang naamoy ko na ang pagkaing inihanda ni tatay nakaramdam tuloy ako ng gutom

Parang feel ko isang linggo akong hindi kumain kahit na sobrang dami ng nakain ko sa fieldtrip namin...

"Ang bango nito tatay ha!" Mangha ko saka umupo, dala ni tatay ang isa pang mangkok na ulam galing kusina, at iba rin ang nasa lamesang ulam "ang dami po nito dalawa lang po tayong kakain" taka ko syang tinignan pero ngumiti lang sya,

"Hinanda ko talaga ito para satin kaya magpakabusog ka" masayang sabi nya at inahinan ako ng kanin at ulam, natouch ako sa pag aalaga ni tatay sakin hindi ko maiwasang hindi mapangiti

Tinignan nya ako ng may bahagyang kunot na noo "bakit ka nakangiti ng malapad" sabay subo "wala lang Tay ang sarap nyo kasing magmahal, kahit na hindi ko yun nararamdaman kay nanay sayo lang sobra sobra na" proud kong sabi saka sumubo

"Galing mo talagang mambola Bata ka ay sya kumain na lang tayo" hindi na ako sumagot bagkus ngumiti ako at itinuloy na ang pagkain,

Nasa kalagitnaan na kami ng maalala ko si nanay nilingon ko si tatay na kasalukuyang sumusubo at tinanong "tay nga pala bakit po wala si nanay kelan pa po sya umalis?"

Nagaalangang tanong ko kasi iniwasan ni Tatay ang tanong ko kanina, huminto sya sa pagsubo at nilingon ako "umalis ang nanay mo dalawang oras nung araw ng pag alis mo, ni wala yatang balak mag paalam sakin kung hindi ko sya nakitang palabas ng gate dala ang malaking bagahe"

"Eh bakit daw po sya pupunta ng probinsya matagal na po syang hindi umuuwi doon" sa pagkakaalam ko may misunderstanding sya sa mga kamag anak nya sa probinsya kaya ayaw na nyang umuwi

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat