Chapter 2: Hello?

6 0 0
                                    


Alexa's POV

"Matulog ka na huh" Sabi ni mommy.

"Opo" Sabay kiss ko kay mommy.

Binuksan ni mommy yung dalawang magkabilaang lamp sa kama ko, at pinatay yung ilaw at lumabas na ng kwarto ko,tsaka nya sinara yung pinto.

Tinignan ko yung wall clock na nakakabit sa taas ng bintanang katapat ko, at dahil eight pm palang, mag lalaro muna ako sa ipad ko...maya maya, naka rinig ako nang ingay sa labas ng bahay namin, mga batang naglalaro yung naririnig ko... Tumayo ako at pumuntang terris, at totoo nga yung hinala ko, mga batang nag lalaro nga.

mga babae at lalaki...sana maging kaibigan ko din silang lahat, para kahit gantong oras naglalaro ako sa labas at hindi dito sa kwartong mag isa, haysst! Nakakainggit naman.

Maya maya habang pinapanood ko sila maglaro, napatingin yung isang batang lalaki saakin at tinuro ako sa mga kalaro nya.

"Oyy may bata doon sa taas oh?" Sabi nung batang lalaki na tinuturo ako.

"Ano kaba Ethan? Maglalaro kaba o hindi!" Sigaw ng batang babae na maiksi yung buhok at naka headband, at mukhang galit na galit dun sa batang lalaki.

"Sorry na!" May pagka-sarcastic na sabi nung batang lalaki.

Nag umpisa na ulit silang maglaro, pero di ko alam kong anong laro yung nilalaro nila eh...yung lata, tinatamaan nila gamit yung slippers nila, tapos yun pag nabato nila...ewan, di ko gets yung laro.

Maya maya, tinawag narin sila para pauwiin...tinignan ko yung oras sa ipad ko, at mag na-nine pm na pala.

Haysst! Maka tulog na nga, nang makahiga na ako sa kama...naka ramdam ako ng gutom, tumayo ako para malapitan yung mini fridge ko dito sa kwarto...kumuha muna ako ng mangkok at kutsara, nag mukha na ngang bahay tong kwarto ko eh, complete meal lang ang peg! Hehehe... Mangkok, kutsara, tinidor, at platito lang naman ang meron ako, na nakalagay sa platuhan ko, katabi ng mini fridge ko...kinuha ko yung cereal at fresh milk ko sa mini fridge, at tinimplahan ko na...syempre dating gawi, habang kumakain nanunood ng youtube sa Flat screen tv ko dito sa kwarto.

Noon pa man, hindi na ako pala labas ng bahay, at lagi lang ako nag kukulong sa kwarto, kaya sila dad at mom, ginagawang bahay na yung kwarto ko...bumababa lang ako kapag breakfast, tanghalian, meryenda at hapunan...dito na ako sa kwarto ko kumakain ng midnight snaks😍.

Pero kailangan parin daw sabi ni mommy na mag balanaced diet ako.
Nang matapos na akong kumain, bumaba na ako at nilagay yung pinagkainan ko sa kusina...at umakyat na, si yaya na daw yung mag huhugas ng pinggan eh, tsaka di rin naman ako marunong mag hugas eh, hehehe...

Pinatay ko na yung tv, at natulog na.

...

"Alexa?, alexa? Gising na baby, ready na yung breakfast mo sa kusina" paggising saakin ni mommy.

Pagkamulat ko ng mata ko, hinalikan agad ako ni mommy sa noo."good morning baby" Sabi ni mommy.

"Good morning din po mommy" Sabi ko sabay tayo.

Bumaba na kami ni mommy, at pumunta na sa kusina...nandito na pala silang lahat, ako nalang pala yung kakagising lang.

"Gising kana pala baby?...kain kana" Bati saakin ni daddy.

Umupo na ako sa tabi ng upuan ni mommy, katapat namin ni mommy sa mesa, sila kuya, si daddy naman sa gilid naming lima.

"Niluto ko yung favorite mo baby" nilagyan ni mommy yung plato ko ng bacon."bacon with egg and hot rice" masayang sabi ni mommy, at nilagyan din nya ng kanin at itlog yung plato ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tropang ECKAMWhere stories live. Discover now