KIDLAT : 19

376 36 4

"Goodmorning," masiglang bati ni Kidlat sa kan'ya. Umiwas siya ng tingin ng tumayo ito sa pagkakaupo, walang suot na pang-itaas ang binata.
"Maaga na, makakaalis ka na." walang siglang angil niya dito. Ngumiti lang ang binata bilang tugon sa sinabi niya.
"Ang sabi ko kagabi dito na ako titira." patuloy nito sa pang-aasar. Nagtaas siya ng tingin ng magtama ang mata nilang una niya ring binawi.
"Sinabi mo lang 'yon pero hindi ako pumapayag. At wala akong planong payagan ka sa gusto mo!"
"And I'm not asking your opinion," aniya nito nakangiti. Napasinghap siya sa sakit ng ulong dala nito sa bahay nila.
"Maliligo ako, saan ang banyo?" patuloy nito sa pang-aasar.
"I give up! ang tigas ng ulo mo, sing tigas ng mukha mo!" huling angil niya sa harap nito bago tumalikod tuloy-tuloy sa maliit niyang hardin sa likod ng bahay nila.

NAKANGITI niyang pinagmasdan ang tumalikod na dalaga. Mahirap man sa sitwasyon niya ang alanganing desisyon na doon siya mamalagi pansamantala wala siyang magagawa. He need to stand his promise for Trina na aalagaan niya ito sa abot ng makakaya niya. At magagawa niya lang 'yon pag nasa tabi siya ng dalaga.

ILANG minuto na siyang nakatunghay sa mga bulaklak niyang tanim sa hardin na madalas nilang pagka-abalahan ni Johan. Noong mga sandaling masigla pa ito, n'ong mga araw na wala pang pinagbabawal dito. Napabuntong-hininga siya sa naisip.
"Ate," nagmadali siyang lumingon ng tawagin siya ni Johan sa likuran niya. Nakapanlakad ang kapatid niyang maluwag ang ngiti, katabi ni Kidlat.
"Bakit nagbihis ka?" nagtataka niyang tanong nang lapitan niya itong 'di nakatingin sa nakangiting binata.
"Gusto niya makita workplace ko, so? I want him to go with me together with you, ate." sagot ng kaharap, umismid siya dito. Binalingan ng tingin si Johan.
"Johan, hindi ka aalis. Alam mo naman bawal sa'yo mapagod 'diba?" aniya sa kapatid. Lumungkot ang mukha nitong kanina lang ang sigla ng tawagin siya.
"O-okey, okey! panalo ka na, pero mangako ka sandali lang tayo." nagtaas ito ng tingin muling ngumiti sa kaniya.
"Talaga ate, payag ka na? sasama tayo sa trabaho ni kuya?" masiglang tanong nito sa kanya. Palihim niyang tiningnan ng mariin si Kidlat, matapos muling ibaling ang pilit na ngiti sa kapatid.
"Wala naman ako magagawa 'diba? alam mo naman ayaw kong malungkot ka." aniya sa kapatid niya.
"Ang sarap maging ate ng ate mo Jo," puri ng lalaking alam niyang labas sa ilong. Ngumisi siya ditong nakataas ang kilay.
"Pero mas masarap siguro siyang maging girlfriend." dugtong pa nito muling ngumiti ng nakakaloko.
"Syempre naman po, pero kuya mas maganda kung maging asawa mo si ate." dugtong ng kapatid niyang, 'di niya inaasahan.
"J-Johan, 'yan nakukuha mo sa unggoy na 'yan e. Tara na samahan mo nalang magbihis si ate." hinila niya ito, hindi nakatingin sa mga mata ni Kidlat sa pag-aalalang makita nito ang pamumula ng pisngi niya sa sinabi nito maging ng kapatid niyang bibo.

"Alam mo bang ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Kidlat." awtomatikong napalingon siya sa nagsalita sa likuran niya si Josie ang nagpakilalang sekretarya ng binatang binanggit nito. Na kasalukuyang kasama ng kapatid niya sa opisina nito kung saan tanaw nila ni Josie sa kabilang silid sa sarili naman nitong opisina.
"Mula n'ong umalis siya sa pamilya nila sa Cebu parang pinasan niya na ang mundo." dugtong pa  nito. Napakunot-nuo siya sa sinabi nito tungkol sa pamilya ng binatang wala siyang alam.
"Hindi siya taga-rito?" nagtatakang tanong niya sa kaharap, umupo ito paharap sa kanya.
"Taal siyang taga-cebu. Naglayas, nag-aral dito, namuhay mag-isa kasi may gusto siyang patunayan sa lolo at mga kapatid niya." mahabang sagot nito sa kan'ya. Bigla siyang nakaramdam ng interes tungkol sa buhay ng binatang tanging nakakaalam ang sekretarya nito.
"At nakakaproud siya kasi kinaya niya, pinatunayan niya." anito.
"Bakit siya naglayas?" hindi niya napigilang itanong sa dalaga. Nagkibit-balikat ito.
"Because of pride," maikling sagot nito sa kan'ya sinundan niya ng tingin ito pinakita sa kanya ang lumang litrato ni Kidlat kasama ang mga binatilyong at isang matandang lalake.
"Lolo at mga kapatid niya." turo nito isa-isa, natuon ang pansin niya sa abwelo nito kung titingnan mo ng maigi makikita mo ang maawtoridad na taglay nito.
"Artista 'tong isa si Storm Madrigal, I don't know kong kilala mo." pagbibigay alam nito sa kanya na agad namang rumehistro sa utak niya ang pangalang nabanggit.
"Ito naman panganay nila si Thunder isa siyang heart surgeon. Ayon sa kan'ya ang paborito ng lolo niya." nakaramdam siya ng paghanga sa pamilya ni Kidlat lalo na sa mga kapatid nitong matagumpay pala sa kanya-kanyang karera sa siyudad na tinalikuran nito.
"Bakit siya nag-iisa dito? bakit hindi niya kasama mga kapatid niya." aniya, sinara nito ang laptop nito. Binalingan siya ng makabuluhang tingin.
"I think and I'm sure na ikaw Trina, na ikaw ang makakatulong sa kan'ya para bumalik siyang muli sa pamilya niya." pilit siyang ngumiti. Hindi mawari sa isipan niya ang sinabi nitong siya ang makakatulong kay Kidlat para muli itong bumalik sa sariling pamilya. Kung siya mismo sa sarili niya hindi niya alam kung mabubuo pa bang muli ang pagkatao nila ni Johan sa pamilyang pilit at pinangako niyang lalayuan.
"Ang seryoso ng usapan niyo ni Josie, a." bungad ng binatang hindi niya namalayan ang pagsulpot nito sa harapan niya.
"Hindi ba may pangako ka sa'kin?" wala sa sariling tanong niya dito.
"Pangako?" anito nagtataka.
"Pangakong sasamahan mo ako." aniya, pilit na lumunok. Muli niyang nasilayan ang ngiti nito.
"Nahuhulog ka na ba sa'kin?" pang-aasar nitong tanong kasabay ang pagtungkod ng kamay nito sa balikat niya.
"As you wish." aniya.
"Wish, wish, wish." patuloy nito sa pang-aasar dinala ang daliri nito sa labi niya.
"Ano ba!" angil niya kasabay ang pagtabing sa kamay nito sa labi niya.
"Gusto ko pumunta ng cebu." diretsong sinabi niya sa mga mata nito. Natigilan si Kidlat, tumayo ng diretso nagtatanong ang mga mata.
"Cebu?" ulit nito sa lugar na binanggit niya.
"Ang sabi nila mahuhusay daw mga doctor d'on. Baka doon gumaling si Johan." pagsisinungaling niya pero ang totoo gusto niya lang bumalik ito sa pamilya nito.
"Trina, mas gagaling dito si Johan." tanggi nito sa kan'ya. Akmang tatalikod nang muli siyang nagsalita.
"What if gumaling siya d'on? what if mapagaling siya ni Thunder." mabagal itong umikot paharap sa kan'ya. May galit ang mga mata.
"Nang kuya mo, K-kid." mahinang niyang sabi pero sapat na para marinig ng binata ang relasyon nito sa pangalang binanggit niyang gusto niyang muling mapalapit sa buhay ng binata.
"Wala akong kuya! wala akong pamilya!" matigas na saad ng binata dire-diretsong tumalikod mula sa kan'ya. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba sa galit na nakita niya sa mga mata ng binatang unti-unti niya nang nakikilala. Na ang buhay nito ay walang pinagkaiba sa buhay niya, lalo na tulad niya pareho silang nabuhay mag-isa malayo sa pamilya dahil sa mataas na pride na nangunguna sa mga puso nila.
Si Kidlat para sa mga kapatid at lolo nito at siya para sa nanay niya at kay Nica.

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!