Nag-simula na akong nag-lakad at sumunod naman siya.. Gusto kong sabihin sa kanya 'yung nangyari simula 'nung nag absent siya. Kaso baka asarin lang ako nito! "Twin, anong ginawa niyo ni Kiray noong absent ako?" simpleng tanong niya sa akin.

Tumingin-tingin ako sa paligid namin, may mga ibang nakaka-sabay din kaming nag-lalakad dito. Kahit na mayaman si Julia nakasanayan na naming mag lakad papuntang school tutal naman hindi gaanong malayo. "Twin kasi..." sumulyap ako sa kanya sabay tingin ulit sa dinaraanan namin.

Simula noong nag absent siya si Kiray lang ang nakaka-sama ko pero hindi ko pa nakukwento kay Kiray ang nangyayari sa akin. "Ano twin?" inosenteng tanong niya.

"Normal lang naman 'yung mga ginawa namin ni Kiray. Tska hindi pa nag papaquiz sa ibang subject." natatarantang sagot ko sa kanya. Bahagya kong nakikita sa gilid ng mata kong napapakunot ang noo niya.

"Twin, may hindi ka sinasabi sa akin." mariing singhal niya. Nako! Kilalang-kilala talaga ako ng babaeng ito!

Pumikit ako ng mariin bago sumagot sa kanya. "Kasi twin nag date kami ni Prince." mabilis na utas ko at napatigil ako sa pag-lalakad.


Naramdaman kong napatigil din siya at hindi nag-salita. Dahan-dahan kong idinilat ang mag kabilang mata ko sabay tingin kay Julia.

 

Nakatulala lang siya habang naka-awang ng bahagya ang bibig niya. "T-twin.." nauutal na tawag ko sa kanya.

Bigla na lang siyang nag hysterical at tumili-tili dito sa kinatatayuan namin. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid namin, lahat sila naka-tingin kay Julia at ang iba pinag-tatawanan siya. Tinakpan ko agad ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mga mata. "Wag kang maingay twin!! Nakakahiya!" mariing sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.

Binitawan ko na ang bibig niya at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Twin! Totoo 'yan? Hindi 'yan joke o ilusyon mo?!" kinikilig na tanong niya habang nag patuloy kami sa pag-lalakad.

Umiling na lang ako.

"Grabe twin!!" ayan na naman nag sisigaw-sigaw na naman siya. "As in totoo talaga?!! Totoong-totoo?!" tanong niya at sinundan na naman ng pag tili niya.

Simple ko siyang siniko sa tagiliran. "Oo nga!" kahit siya hindi rin makapaniwala sa nangyari kahapon. Paano kaya kung sinabi kong hinalikan ako ni Prince? Baka mamatay na ito sa sobrang kilig!

"I-kwento mo naman twin!!"

Hindi ko na sana ikukwento sa kanya kaso panay ang hila sa uniform ko. Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya lahat-lahat pwera doon sa sinasabi sa akin ni Prince na I less than three you. Pati 'yung pag halik sa akin na kwento ko na rin sa kanya. Habang kinukwento ko 'yon hindi ko mapigilang hindi kiligin kaya in the end para kaming tanga sa daan na tumitili.




"Mga kambal!!" nakita namin si Kiray na nag-aabang sa labas ng gate ng school namin.

"Twin. Namiss kita!" bungad ni Julia sa kanya habang niyayakap niya ito.

Simula noong naging mag kakaibigan kami twin o kambal na ang tawagan namin sa isa't-isa. "Teka lang muna!" singhal ni Kiray na halos hindi maipinta ang mukha.

Kumalas si Julia sa pag kakayakap sa kanya. "May dapat kayong makita! Tara!!" natatarantang sambit nito habang hila-hila ang braso naming dalawa.


Habang nag-lalakad kami dito sa loob ng school halos lahat ng estudyante sa akin naka-tingin o baka sa aming tatlo? Habang hila-hila kami ni Kiray panay ang reklamo ni Julia sa kanya, sa bawat estudyanteng dinadaanan namin panay ang bulungan nila habang naka-tingin sa akin. Bakit?


Naramdaman kong binitawan ni Kiray ang braso namin ni Julia. Naguguluhang tinignan ko siya. "Ano bang nangyayari?" bulong ko sa kanya.

Humugot siya ng malalim na pag hinga. "Tignan mo 'yung bulletin board!" singhal niya sa amin ni Julia.

Sinulyapan ko naman si Julia na naka-taas ang kilay habang naka-halukipkip sa harap niya. Nag kibit-balikat ito at nag lakad ng bahagya papunta sa bulletin board. Bahagya akong tumingin sa ibang estudyante dito, naka-titig silang lahat sa akin habang nag bubulungan sa mga katabi nila. Hindi ko na lang sila pinansin at sinundan ko na lang si Julia sa harap ng bulletin board.


"Twin, ikaw ba 'to?" bungad niyang tanong sa akin habang naka-titig sa mga pictures na naka-dikit doon.


Napatitig din ako sa mga litratong naka-dikit doon, kung tititigan itsura ko talaga 'yon! Kaso masyadong daring ang suot, makapal ang make-up at mas maputi sa akin. Hindi ako 'yan!! Pero bakit kamukha ko?!


"Pagka-pasok ko kanina 'yan agad ang bumungad sa akin. Madami ng nagagawa ang mga photoshop. Edited lang 'yan." biglang sabat ni Kiray sa amin.


Nanliit ang mga mata ko habang naka-titig pa rin sa mga litratong nandito.


Hindi siya mukhang edited... Bakit kamukha ko?

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon