Chapter 1 - Eksdi

77 3 0

Naglalakad si Eksdi pauwi. Galing siya sa pinag-aaralan niyang university. Si Eksdi ay 2nd year college na ngayon at isang IT student sa isang university. Isa lang siyang simpleng binata na gusto makapagtapos ng pag-aaral. Marami rin siyang kaibigan sa school man o sa kanilang subdivision. 

Malapit na sana sa bahay nila si Eksdi nang makarinig siya ng isang sigaw ng babae. Hinanap niya ito dahil mukang malapit lang ito sa kinatatayuan niya. Nagmasid masid siya sa paligid at narinig niyang may mga yapak ng mga paa sa likuran niya. Nagtago siya sa likod ng isang basurahan at nakita niya ang tatlong lalaki na tila may hinahanap sa kanilang lugar. May mga baril itong nakasabit sa kanilang mga bewang kaya di na niyang tinangkang tanungin kung ano ang ginagawa nila sa kanilang lugar.

Nang nakita ni Eksdi na medyo malayo na ang mga lalaki, tatayo na sana siya nang makita niya ang isang babae sa gilid ng tricycle at parang nagtatago. Sa tingin niya, yung babae na yun ang narinig niya kanina na sumigaw. Nilapitan niya ito at halatang takot ang babae. Nalaman nalang niya na si Miranda pala yon. Kapitbahay lang nila sila Miranda. Halos walong taon na rin niyang kilala ito.

"Miranda, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Eksdi.

"May humahabol saken Eks!" Takot na sagot ni Miranda.

"Ha? Yun bang tatlong lalaki yung tinutukoy mo? Nakita ko dumiretso sila doon sa kabilang kanto." Sabi agad ni Eksdi.

"Buti nalang. Gusto nila kong rape-in Eks! Sinundan nila ko galing sa tindahan sa kabilang kanto. Nagpaload kasi ako!" Hindi pa rin mapakali si Miranda. Bigla nalang nakarinig si Eksdi ng mga boses ng lalake. Bumalik ang mga lalaki sa kanto nila!

"Pumasok ka sa loob ng tricycle dali! Wag kang maingay dyan! Hahanap ako ng pamalo!" Tarantang sagot ni Tuti.

"May mga baril sila Eks! Mag-ingat ka!" Pabulong na sagot ni Miranda. Tumango nalang si Eksdi. Sa totoo lang, sobrang kaba ang nararamdaman ni Eksdi ngayon dahil hindi pa nangyayare sa kanya yung ganitong pangyayare. Dali-dali siyang naghanap ng pamalo ngunit wala itong mahanap. Nakakita siya nang medyo kalakihang bato. Tipong kukunin niya na ang bato nang marinig niya ang sigaw ni Miranda! Bigla niyang dinampot ang bato at tumakbo papunta sa tricycle kung saan niya iniwan si Miranda. Nakita niya si Mirandang hawak hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso nito.

"MIRANDA!!!" Sigaw ni Eksdi sabay hagis ng bato sa lalaking nagtatanggal ng kanyang pantalon. Tinamaan ito sa ulo at nawalan ng malay. 

Nakita ng dalawang lalaki si Eksdi sabay hugot ng kanilang mga baril. 

"TAKBO NA MIRANDA! TUMAKAS KA NA!" Sunod-sunod na sigaw ni Eksdi! Si Miranda umiiyak na at tumango tango nalang sabay takbo. Alam niyang wala na siyang magagawa. Inisip niyang humanap ng tulong pero biglang...

***Eksdi's Point of View***

"Kita mo nga naman ang buhay, di mo alam matatapos na pala. Ang bata bata ko pa para mamatay. Nagpaka hero pa kasi ako, eto ako ngayon. Pero hindi, hindi ako nagsisisi, nakatakas si Miranda, yun ang mahalaga. Mapapakulong niya ang gumawa nito samin. Hayy ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko."

******************************

Narinig ni Miranda ang mga putok ng baril. Hindi niya kayang lumingon, tuloy tuloy lang siyang tumakbo. Hindi na niya alam ang gagawin nang bigla siyang makabunggo. Dalawang tanod, tumatakbo rin ang mga ito. Narinig din nila ang mga putok ng baril. Tinuro ni Miranda ang direksyon ni Eksdi. Tumakbo naman ang mga tanod sa direksyon na tinuro ni Miranda. Nagsilabasan din ang mga tao sa kani kanilang  mga tahanan. Nakita nalang nila na walang malay si Miranda sa gitna ng kalye nila. Binuhat ng mga lalaki ito at inihiga sa isang mahabang upuan. Di nagtagal, nagkamalay na rin si Miranda.

"Nasan ako? Si Eksdi! Tulungan niyo siya!" Sigaw ni Miranda na umiiyak nanaman.

"Huminahon ka iha, nawalan ka nang malay sa kalye. Eto tubig," sabay abot ng isang basong tubig kay Miranda, "ano ba ang nangyare sa iyo iha?" tanong ng matandang ale kay Miranda.

Ininum ni Miranda ang tubig. "Rerape-in na po sana ako ng tatlong lalaki ng tinulungan ako ni Eksdi! huhuhu Narinig ko po yung mga putok ng baril kung saan ko iniwan si Eksdi!" Tuloy pa rin ang iyak ni Miranda.

============================================================

TO BE CONTINUED!

Ano na kaya ang nangyare kay Eksdi? Patay na kaya ito? Abangan!

EKSDI Afterlife AdventureBasahin ang storyang ito ng LIBRE!