EPILOGUE

899 24 13


HANA MEDINA

Hindi lahat ng nagsisimula ay nagtatapos. May mga katotohanan na ayaw natin tanggapin kahit alam na natin na ito ay totoo.

Walang nagiging matalino sa pag-ibig. At walang may eksaktong sagot kung ano ang pag-ibig. Dahil iba-iba naman tayo. Pero siguradong lahat luluha. Lahat masasaktan. Lahat magiging tanga. Pero hindi lahat aabot sa huli.

Siguro kung umamin lang ako di na sana ako napunta sa maling tao. Kung nagtiwala lang sana ako. Minsan talaga di natin maiintindihan ang tadhana. Magsisimulang may ngiti sa mga labi ngunit magtatapos na may hikbi. Magsisimula sa masasayang mata pero magtatapos na luhaan.

Isang bagay lang ang natutunan ko, mag-enjoy ka kahit masakit. I-enjoy mo lang yung moment na yan.

HANNIEL CURTIS

Gusto kong murahin ang nagsabi na 'Everyone Deserves a Second Chance'. Kasi kung mahal ka, bakit ka iiwan? Kung mahal ka, bakit lumayo? Kung mahal ka, bakit magdedesisyon na di ka kasama? Kung nasaktan kayong dalawa, dalawa lang yan. Let Go or Hold On. Kung alam mong kaya niyo pang lumaban edi kumapit ka. Pero kung nakakasakal na at alam niyong marami na ang nasasaktan edi bumitaw ka. Tayo lang naman yung gumagawa ng paraan para maghirap tayo. Mahirap kasi na dumating yung point na sarili mo na mismo ang susuko kasi gigising kang walang-wala at wasak na wasak.

Kung sakaling magmamahal ako sa pangalawa kong buhay, sisiguraduhin kong maiparamdam sakanya na ano mang laban ay kasama niya ako. At kung pagod na siya nandito ako para kunan niya ng enerhiya. Hindi yung noon na nagkulang ako. Noon na pinabayaan ko siyang lumalayo saakin.

Well, you just need to love yourself. Kung mahal mo ang sarili mo di ka matatakot na magmahal at magmahal ulit. Ngayon ko lang napagtanto na yung lovestory namin baliktad. Nauna yung ikinasal kami at nauwi sa hiwalayan. Dito magtatapos ang kwentong di ko inaakala na magtatapos ng ganito. Hanggang sa muli.

CASANOVA'S WIFE
©All Rights Reserved

Casanova's  WifeRead this story for FREE!