Special Chapter for Christmas (Continuation...)

15.5K 485 83
                                    

G/N: SC 'to dear para sa naunang members ng group. But, you can skip this chap if you like. Haha! 😝

---

Special Chapter Part 2

Pa-bayle ni Mayora Jaud

Jeisen Jee POV

Pasimple akong umalis habang busy sila sa pag-uusap. Pero bago 'yon nakita ko ang ilan sa mga Gift For Justices.

Sina Atty. Amil Martinez, Atty. Jake Beterano, Atty. Debbie Labajo, Atty. Editha Fifth, Atty. Christineangela Bernal dito rin magpapasko? Hmmm.

Sinalubong agad sila ni Atty. Bamba Tayco.

Wala si Atty. Esmael Zarte ah.

Kinuha ko lang saglit ang regalo ko na isang 'di kalakihang box. Hindi na ako magbibihis. Kakain lang naman ako. Haha!

Bumalik agad ako at dumerestso sa mga handa. Mukhang masasarap lahat.

Nakakalaway.

The best talaga ang pasko! Haha!

Garlic Chicken. Menudo. Afritada. Pancit Bihon. Lumpiang Shanghai. Crispy Pork Belly. Chicken Curry. Grabe. Ilang putahe ba lahay 'to?

Pitong putahe? Pero may dala pa ang iba.

Nilalagay nila sa mahabang mesa.

May mga softdrinks at mga pagkaing matatamis din. At nandito rin ang paborito ko. Ang blueberry cheesecake!

Kumuha ako ng plato.

Iniisa-isa ko ng kuha ang mga ulam pati kanin. Wala pa namang nakakapansin sa 'kin maliban sa mga schoolmates namin sa UDR na naglalagay ng dala at regalo nila sa mesa.

Ngumisi ako sa kanila.

"Kain na kayo," anyaya ko.

"Hehe. Mamaya nalang, Jeisen," sabay nilang sabi. Hindi ko pa sila kilala pero kilala nila ako. Ayos ah. Mga taga Business College ata silang tatlo.

"Oo nga, tama si Cshane," sagot nung medyo curly ang hair na nasa gitna. "Ang dami palang gwapo sa party. Nahihiya pa kami, Jeisen."

Napangiwi ako.

Nandito na rin pala ang mga kasama ko sa Kampo Ginoo. Ang aastig ng mga porma. Lalo na si Aestus. Parang siga lang.

Sinalubong agad ito ni Barry.

Ang ibang Fang Demon may mga kausap na mga babae. Taga-CAS din.

Pero 'yong kapatid ko talaga. Ang benta. Ang daming kumausap. Haha!

Pinuno ko ang plato ko.

"Wag na kayong mahiya," sabi ko sa kanila. "Alam kong wala kayo nun."

Hindi ko na nakita reaction nila dahil busy ako sa pagkuha ng pagkain.

"Jeisen ko. Andito ka lang pala."

"Qeumerda! Jeisen Jee! Aish!"

"Jei... ahem. Jeisen. Merry Christmas."

Hmmm.

Napaangat ako ng tingin.

Si Seb. Gareth at Zia. Magtatago na nga lang sana ako. Dumating pa sila.

"Merry Christmas," bati ko sa kanila.

Bahala kayo d'yan.

Naghanap ako ng mauupuan at dun na umupo. Sumunod naman sa 'kin ang tatlo.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon